19

30 3 0
                                    

nineteen: the ending of a love that never started

NA-DISCHARGE AKO AFTER 3 DAYS. My life was back to normal. I can say it was alright. All of my staffs asked about my whereabouts because they couldn't get a hold of me for more than a week. Sabi ko na lang na namasyal ako sa dati naming bahay sa Cainta. Ayokong mag alala sila.

"Ang gulo no'ng wala ka, Mari. Diyos ko, naloloka pa rin ako last week." I chuckled at Mel. Kwine-kwento niya kung ano ang nangyari noong nawala ako.

"May naghahanap nga sa'yo eh, lalaki." Kumunot ang noo ko.

"Sino daw?"

"Kenzo pangalan, kilala naman ni Eli at nila Ethan. Nagtanong siya kung nasaan ka daw kasi hindi ka niya ma contact tapos sinabi namin na hindi ka rin namin ma contact. Grabe, alalang alala siya sa'yo. Boyfriend mo 'yon, 'no?" Umiling ako bago marahang hinampas sa balikat si Mel.

"Kaibigan ko 'yon sa dati kong project, engineer." Napaayos siya nang upo sa sinabi ko.

"Engineer? Ano ka ba, Mari. Bakit hindi ka nagsasabi na may kaibigan ka palang engineer, ang pogi pa no'ng Kenzo ha. Ano pa? Ano pang dapat kong malaman?" 

"He's gay," Nawala ang ngiti sa mukha niya bago nagmaktol na parang bata.

"Ano ba naman! Pareho pala kami ng type! I'm so single!" Natawa ako sa reaksiyon niya.

"Marami akong kakilala na engineer na single at ready to mingle, reto kita?" Tumango agad siya.

"Yes, yes please. Tinatanong pa ba 'yan?" Umiling iling ako bago tinignan ang mga followers ko. Bawat kakilala ko na engineer, pati architect, ay pinapakita ko sa kaniya.

"Hala! Ang pogi nito! Tropa mo 'yan?" She clicked Kio's profile. Wala siyang nakitang posts, kasi hindi naman nagpopost si Kio. May profile lang siya at sa bio niya ang nakalagay lang ay star emoji.

"That was my boss from my last project. He's also my friend's boss, my friend's her secretary for 4 years." She gasped.

"4 years?! Wew, ang tiyaga ng friend mo." 

"Agree. And I've heard na sobrang sungit daw ni Kio sa trabaho." 

"Ay, friend mo din 'to?" Tumango ako.

"Well, we knew each other because of my friend so he's a friend of a friend." Tumango si Mel bago tinignan ang following ni Kio, si Asteria lang 'yon.

"Sino 'to? Don't tell me girl friend niya 'to?" Umiling ako.

"She's his secretary, my friend." She gasped, again.

"Shuta! Ang ganda naman! Secretary lang 'to?! Pang malakasan ang looks, sigurado ka 'di 'to model?" Umiling ako.

"Well, she studied business ad no'ng college pero wala daw siyang plano na maging boss dahil masyadong malaking responsobility 'yon. Her parents have this huge company sa UK, and her mom used to be Augustine International's dean." Napa "wow" siya doon.

"Wow, pwedeng siya na lang?" Natawa ako.

"Well, I think she's not into girls but she used to flirt with girls before dahil sa best friend niya." I showed her Gia's profile.

"Grabe! Lahat ba ng tropa mo magaganda?" I nodded.

"They're also successful in their careers. Gia's a doctor, OB-GYN. And she used to date this guy," I looked for Sage's profile and her jaw dropped.

"Used to date?! Bakit hindi sila magkabalikan? Look at this guy- PILOTO PA SIYA?!" I nodded. 

"They used to date back in college, then they eventually broke up and now I think they're gonna get back together." Pumalakpak siya.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon