6

42 5 0
                                    

six: bang. bang. bang.

NAGKAAYOS NA KAMI NI MARKUS KINABUKASAN NG ARAW NA 'YON. But many things changed. His actions changed. He doesn't ask where I've been or who's with me. He lost his protective grip on me, which is nice. Ayokong naghihinala siya sa'kin because I won't do what he's thinking.

"I'm going, babe. I love you, I'll come home early." He just nodded while he was on his phone. Umalis na ako at nagtungo sa sasakyan ko. I started wearing long sleeves after that night. But today, I'm wearing a long sleeve but it only covered my arm until my elbow. Nasa laundry shop pa kasi ang mga damit ko at damit ni Markus. 

Halata pa rin ang bago kong sugat. I don't want people to think that I do this because I'm an attention seeker, or that I'm faking it. I wish all of this is fake, but it's not. This is my reality.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito, it was Jean, ang dati naming kabanda ni Aiane. 

"Hi!" Bati ko habang naglalakad papunta sa elevator.

[May gagawin ka ngayon? Daan ka sana dito sa dating studio.] Tinignan ko ang orasan ko, sasaglit lang naman ako, 'di ba?

"Sige, sure! Wala ba si..."

[Wala! Busy na si attorney sa court, tinawagan ko kanina, may early trial daw ngayon kaya 'di pwede.] Nakahinga ako ng maluwag bago pumasok sa sasakyan ko.

"Sige, I'll be there." Binaba ko ang tawag bago nagmaneho papunta sa dating studio kung saan kami laging tumatambay noong college. Nasali lang ako doon dahil sa ex boyfriend ko, si Ron. Siya talaga ang drummer nila pero noong naghiwalay kami ay pinaubaya niya sa'kin ang posisyon niya sa banda.

Pagkababa ay nakita ko ang sasakyan ni Jean, naalala ko ito dahil sa kakaibang kulay ng sasakyan niya- ash grey na may bahid ng gold. Pumarada ako sa tabi nito bago naglakad papasok just to witness Jean and Thea kissing. Humiwalay agad sila nang makita ako sa pinto.

"Mari-"

"I won't tell anyone, swear." I raised my hand to show them I'm not kidding. Hindi naman na bago sa'kin ang nakita ko, I saw them make out a couple of times noon pa lang no'ng college.

"The best talaga 'tong si Mari." I smiled at Thea before taking the drumsticks from the table, where Ron always place them.

"Ron was here, wasn't he?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila bago tumango, I chuckled.

"Ano, umalis na din siya. Kakaalis niya nga lang eh." Tumango lang ako bago umupo sa likod ng mga drums at marahang hinampas ang cymbals. Napatingin kaming tatlo sa pinto nang bumukas ito at bumungad si Aiane at Brei.

Kumanta kami ng isang kanta before catching up with everyone.

"Shit, kailangan ko na pumunta. May photoshoot pala kami ngayon, bye!" Saka ko lang naalala ang oras nang tignan ko ang wall clock. Umalis ako agad sa studio at pinaandar ang sasakyan ko.

Dumaan muna ako sa isang bakery bago nagmaneho papunta sa studio. Nagagawa naman nila ang mga photoshoots nang wala ako dahil may dalawa pang photographer na kasama ko doon. At naiintindihan naman nila na wala akong time dahil sa trabaho ko.

"Oo, tapos ito ang ia-adjust- Mari!" Ngumiti ako nang makita sila. Sinalubong nila ako agad at niyakap, kinuha na din nila ang pinamili kong cake at tinapay para sa kanila.

"Kamusta kayo? Pasensya na at ngayon lang ako dahil sa trabaho. May photoshoot ngayon, ano?" Nag ngitian agad sila.

"Ayos lang po, ma'am. May bago nga po tayong kasama eh, recruit ni sir Ethan." Sambit ni Wendy bago tinawag ang isang lalaki.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon