3

51 6 0
                                    

three: happy birthday

HINDI KO ALAM KUNG KAYA KO PANG BUMALIK SA BAHAY PAGKATAPOS NOONG ARAW NA 'YON. I kept reliving my past, the past I want to forget so bad. Hindi ko rin masagot ang tawag nila mama at Demi, pati ang mga kaibigan ko.

Ayokong idamay sila sa pinagdadaanan ko.

Nawala ako sa pag iisip ko nang marinig ang doorbell ko. I was expecting Markus since he hasn't come home yet. But instead, I saw a friend.

"OMG, MARI! Kamusta ka? Bakit ang gulo ng buhok mo? Ayos ka lang?" Marahan kong sinuklay ang buhok ko habang nakatingin sa kaniya. May kasama din siyang lalaki na naka cap at nakapamulsa sa sweatpants niya. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa cap niya.

"Napuyat lang sa byahe, galing kasi ako sa La Union. Para sa... Para sa shoot."

6th.

"Kawawa naman ang bebe Mari ko!" Pinapasok ko sila, buti at hindi makalat ang apartment.

"Ay oo pala, birthday ko today!" Oo nga pala, birthday ni Aster.

"Happy birthday, anong plans mo today?" I offered them a drink but they refused.

"Party sa Cosmo, 9 sharp." I nodded. Napatingin ako sa kasama niyang lalaki na tumitingin tingin sa paligid.

"Nice place," He stated.

"Thanks," I felt awkward since I know that this place is far from nice.

"Ano ba 'yan! Bakit ang formal niyo?! Lintek, Mari, si Jed 'to!" Natawa ang lalaki bago tinanggal ang cap niya. And there, I can see his face clearly.

Jed, Asteria's cousin, her first partner in crime. The notorious flirt, the walking red flag- that's what most girls would say. But that's not the Jed I met back in college.

"I'm sorry! I didn't recognize you earlier." I apologized. He just smiled and nodded.

"So ayon nga, party at 9 ha? Una na kami ni Jed, nagpahatid lang ako sa kaniya eh. Bye, bebe Mari ko! Kain ka always, mwah." She kissed my cheek before they leave my apartment.

Naglinis na lang muna ako para lumipas ang oras. I cooked a lot of food to satisfy myself. I am always stress-eat. This is my way to vent my emotions and stress, not with words, but with food.

I scrolled through my Instagram, walang masyadong posts ang mga mutuals ko kaya chineck ko ang schedule ko para bukas, I'm packed again. Araw araw naman eh.

Mga bandang hapon ay nagsimula na akong mag ayos para sa birthday party ni Asteria. Kinuha ko ang champagne-colored dress ko. It's a satin fabric with a deep v-neckline in a wrap style that crosses over the front and gathers on the left-hand side. It's very pretty. Nag shower muna ako para maayos.

Nang matapos mag shower ay naglagay ako ng light make up para hindi halatang pagod ako. Pagkatapos kong mag make up ay nagpalit na ako ng dress. Nag isip pa ako kung kukunin ko ba 'yung sasakyan ko pero alam ko namang hindi ako makakapag drive kaya nag book nalang ako ng Grab.

Habang wala pa naman ang pina-book ko ay tumingin muna ako ng magandang pabango. Napatingin ako sa Dior Pure Poison na niregalo ni Carina. She always get us gifts, nakakamiss siya, ilang taon na siyang hindi umuuwi dito sa Pilipinas.

Nang mag ring ang phone ko ay nagpabango na ako bago sinuot ang 3-inch champagne heels at bumaba na. Hindi na ako nag purse dahil baka malasing din lang ako at mawala ko pa.

Pagkapasok ko sa Grab ay sinabi ko ang address ng Cosmopolitan. Nang makarating ay nagbayad na ako bago bumaba. I'm one of the first people to come kaya hindi pa puno ang club.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon