8

28 5 0
                                    

eight: the devil

TULALA AKONG PUMASOK NG APARTMENT. Wala nanaman si Markus. Pero parang normal na lang na wala siya dito lagi. Siguro ay kailangan ko nang bisitahin si tita bukas, baka malala talaga ang sakit niya. 

Naligo muna ako bago nagpalit para makapagpahinga, pero hindi ako mapakali habang nakatitig sa kisame ng kwarto namin ni Markus. Parang... Parang may mali.

I sighed before going to my desk. Kinuha ko ang journal at minarkahan ng check mark ang "target shooting" at "motor ride". May mga description pa ang mga ito kung ano ang gusto kong mangyari, at natupad ni Jed lahat ng 'yon. The target shooting with someone, the fast motor ride from Tagaytay to Manila. I have 7 more items in my list and I can't wait to do all of them.

Or maybe 8 more.

kiss under the rain.

Namula ulit ako nang maalala ang nangyari kanina, his "truth" confession and the kiss on the cheek. I just can't wrap my head around what happened today. It's so eventful.

And then there's Asteria's voice echoing from the background.

"Mapunta ka na sa lahat, 'wag lang kay Jed. The devil is real, and it's in him."

I sighed before going back to bed and staring at the ceiling. Pagod ako ngayong araw, maybe not tired enough to sleep and kill my thoughts. My thoughts about the devil.

I heard someone talk about the devil. He's real, but he's not a red man with horns and a tail.

He can be beautiful...

People will warn you about the devil, but they won't warn you that he's a beautiful creature who can turn your world upside down. And no one will warn you that he can be your friend's cousin or your boss' best friend.

"Ugh!" I groaned before rolling out of bed. Naglakad ako papuntang kusina para uminom ng tubig. Napatingin ako sa wall clock, alas dos na pala ng madaling araw.

"I need to sleep now." Sambit ko sa sarili ko bago bumalik sa kwarto hawak ang baso ng tubig ko. Binuksan ko ang maliit na drawer ng bedside table at nakita ang melatonin tablets ko.

"take all of them"

A voice spoke at the back of my head. Napalunok ako dahil doon bago kinuha ang gamot at binuksan ang isa, fighting the urge to take the whole thing and shove it inside my mouth. Pagkainom ko ng isang tablet ay sinara ko agad ang drawer dahil nahagip ng mata ko ang ibang gamot na nasa drawer.

Ang hirap mag heal kapag lagi kang nagre-relapse.

Another thought crossed my mind aside from the devil; death. They have one thing in common, they're both the end of me. As the tablet starts to take me, my mind is thinking of death. 

Die, dead, death.

Nagising ako na umaga na at wala sa tabi ko ang boyfriend ko. I sighed before standing up to go to the kitchen to make something to eat. Nag ramen na lang ako dahil wala akong ganang kumain. Nang matapos ay naligo na ako dahil pupunta ako sa studio ngayon bago dadaan kay tita para bisitahin siya. Matagal na rin noong huli ko siyang dinalaw at nakamusta.

Kinuha ko ang mga kailangan ko. Hindi ko alam kung may malaking shoot sa labas ng studio kaya hindi ako masyadong nagdala ng maraming gamit. Tanging ang camera at ilang accesories ng camera na lang ang kinuha ko bago umalis.

Pinaandar ko ang sasakyan ko papunta sa studio. Nang mag red light ay naisipan kong i-message si Kenzo kung free siya ngayon dahil nangako ako na isasama siya sa studio.

From: Kenzo
Sorry, can't today ( '•︵•' )

To: Kenzo
Oh, okay! No worries, next time

Binaba ko na ang cellphone ko dahil nag green light na. Isang liko na lang ay makakarating na ako sa studio. Pagkababa sa sasakyan ay sinalubong ako ni Wendy.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon