10

33 4 0
                                    

ten: dilig

UMUWI DIN AKO PAGKATAPOS NG DINNER NAMIN NI JED. He insisted for me to stay but I can't be near him for a while. Pagkauwi ay nagshower ulit ako bago tumitig sa kisame ko. This has been my life for a week now. Pagkatapos kong gumalaw sa apartment ay tititig ulit ako sa kisame at hahayaan na patayin ako ng mga iniisip ko.

I sighed before rolling out of bed and took my jacket and wallet. Nag tsinelas lang ako bago umalis ng apartment at bumaba papunta sa convenience store sa baba lang ng building. Pagkapasok ay may ilang tao sa loob pero hindi 'yon ang pinunta ko. Naglakad ako papunta sa likod kung nasaan ang fridge at kumuha ng dalawang bote ng beer bago nagpunta sa cashier at nagbayad.

"Thank you," Ngumiti ako bago lumabas ng store at bumalik sa apartment ko. Pagbalik ay nagtungo ako sa kusina para kunin ang bottle opener bago pumasok sa kwarto at umupo sa balcony. 

The city lights and the moon lit up the whole city. I opened the first bottle of beer and wiped the top of it before drinking. Tinaas ko ang paa ko sa upuan habang umiinom at nakatingin sa kawalan. Ayos na 'to, wala akong iniisip, nakatulala lang sa city lights habang umiinom. Kaysa naman nakahiga ako doon sa loob at may iniisip.

Masaya ba ako?

May mga events na masaya ako, pero mas madalas na hindi. Bakit ba ang hirap sumaya ngayon? May maayos naman akong trabaho, napapaaral ko ang kapatid ko at nabubuhay ko si mama, nabubuhay ko rin ang sarili ko, may studio naman ako, I'm getting professional help, I have the best circle of friends, ano pa bang kulang?

I've been too kind to this world that it forgot to be kind to me.

I sighed before taking another sip on my beer, questioning why after all these years, I've never had the happiness I deserve. 

Nang maubos ko ang beer ay pumasok na ako sa loob dahil naramdaman ko na ang antok ko. I looked at the digital clock on my bedside table, alas tres na pala ng madaling araw. Kaya pala ang lungkot, at ang lamig.

Pagkahiga ay pinikit ko na ang mga mata ko, sinubukang matulog kahit na binubulabog ako ng maraming tanong sa isip ko.

Nagising ako dahil sa alarm ko, alas syete na, 4 hours lang ang tulog ko. Nag inat ako bago nagluto ng pagkain at kumain, nang matapos ay naligo na ako at nag prepare dahil pupunta ako sa studio ngayon. Tapos nang mag heal ang bago kong scars kaya pwede na akong mag t-shirt, pero nagbaon pa rin ako ng crewneck dahil baka lumamig, mga gabi pa naman ako makakauwi. 

Kinuha ko ang mga kailangan ko, ang camera ko- nakalimutan ko nga palang tanggalin ang memory nito kaya tinanggal ko muna dahil nandoon ang mga pictures ko kahapon. Kinuha ko ang ilang lenses at kung ano ano pa na kailangan ko bago lumabas ng apartment ko. Pagkasakay sa sasakyan ay minessage ko si Kenzo kung available siya ngayon dahil pupunta kaming Makati para sa photoshoot.

From: Kenzo
Okay! I'll meet you there, see you!

Hindi na ako nag reply bago pinaandar ang sasakyan ko papuntang Makati, but I shared my location to him so he can locate us since we'll be moving from museums to museums. Tinawagan ko si Eli dahil siya ang makakasama ko ngayon at sinabi niyang nandoon na sila, I told her about Kenzo and she's so excited to meet him.

Nang makarating sa unang museum ay nakita ko agad ang mga crew, nandoon sila Ethan at Wendy, kausap ni Eli si Desmond.

"Ma'am Mari!" Si Wendy ang unang nakapansin sa'kin kaya ngumiti ako bago kumaway. Nginitian ko silang lahat at binati bago lumapit kay Eli na nakangiti sa'kin.

"Kamusta ka na?! Oh my Gosh, ang blooming mo ha. Nadiligan ka ba?" Namula ako dahil sa sinabi ni Eli. She covered her mouth with her hand as she looks at me with surprise.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon