2

45 7 0
                                    

two: old wound

TW: abuse

MARKUS DID NOT COME HOME. I tried contacting him but his phone is turned off. Nagsimula na akong mag alala, para sa boyfriend ko at sa nanay niya. Baka sobrang malala talaga ang sakit ni tita na kailangan niyang tutukan. I should visit her soon.

Day off ko ngayong araw kaya naman pupuntahan ko sila mama, tumawag din sila kahapon eh. 

At nami-miss ko na rin talaga sila.

Pakatapos kong kumain ay naligo na ako at nagpalit agad. Inayos ko din ang kwarto bago umalis ng apartment. Tinext ko si Markus na hindi ako makakauwi dahil pupunta ako kila mama at doon matutulog. As usual, wala na namang reply.

Pagkapasok ko ng sasakyan ay pinaandar ko agad ito paalis papunta sa bahay nila mama. Medyo malayo sa apartment ko ang bahay namin kaya natagalan ako.

Bumaba ako sa isang bakery para bumili ng cake para kila mama.

"Hi, I'd like to get one chocolate cake and the strawberry velvet please." The cashier smiled before getting my order. Umupo muna ako sa isang vacant chair habang hinihintay ang dalawang cake na kinuha ko.

Habang naghihintay ay nag cellphone muna ako para i-check kung nagtext ba si Markus.Pero wala. Ni isang reply, wala. Naka-delivered lang ang message ko. Bumuntong hininga ako bago tinignan ang text ni Demi.

From: Dem
Ate nasaan ka na daw sabi ni mama?

To: DemMalapit na, traffic kasi.

5th.

Ayokong sabihin na bumili ako ng cake dahil maiinis si mama, kesyo hindi na daw kailangan at pwede naman siyang magluto.

From: Dem:
Sige ate, ingat ka.

To: Dem
Okay, hintayin niyo ako ni mama.

Hindi na siya nag reply kaya hinayaan ko na lang. Nang tawagin ako para sa order ko ay tumayo ako at kinuha ito bago nagbayad at lumabas.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa bahay.

"Ma, Demi, nandito na ako-" Natigilan ako nang makita si papa sa sala, kausap si Demi at mama.

Parang tumigil ang mundo ko habang pinapanood sila. Si Demi na tumatawa, si mama at papa na nakangiti. It was a nightmare to see.

"Oh, Mari. Halika na-" I dropped the cake on the floor and ran.

Ilang taon na...

Ilang taon ko nang sinusubukang kalimutan lahat. Lahat ng ginawa niya sa'min ni mama at Demi.

Wala siyang karapatan sa buhay namin.

Wala.


"MARI! PUNYETA NAMAN!" Napatungo na lang ako nang marinig ang sigaw ni papa. Kami lang ang naiwan dito sa bahay dahil nasa trabaho pa si mama sa isang company. Kasama niya si Demi, ang maliit kong kapatid.

"Sorry po..." I whispered with my soft voice. Napapitlag ako nang ibalibag niya ang isang mug sa counter habang nakatingin sa kusina. Sinusubukan kong magluto dahil nagugutom ako pero pumalpak ako.

"Ano?! Ako nanaman maglilinis d'yan! Wala ka talagang kwenta!" I bit my lips. Araw araw na lang, araw araw na lang ganito.

"Punyeta ka talaga, umalis ka sa harapan ko!" Hinila niya ako sa balikat, napadaing na lang ako dahil sa higpit ng hawak niya sa'kin.

Tumakbo ako agad nang makawala sa kamay niya at nagkulong sa kwarto ko habang umiiyak. Nagtungo ako sa salamin ng kwarto ko at tinignan ang pasa sa braso ko. Noong isang linggo pa 'yon at hindi pa rin nawawala. At ngayon, mukhang madadagdagan pa.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon