7

28 5 0
                                    

seven: black motorcycle

IT'S BEEN THREE DAYS SINCE THAT DAY. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin, he's been hot headed these days. Baka dahil lang sa trabaho, so I understand him like I always do.

"I'm off, babe. See you tonight." Hindi niya manlang ako tinignan. As soon as I closed the door, I sighed. Ano bang problema namin? The last thing we fought was about Jed.

Should I stop meeting him? 

Pagkasakay sa sasakyan ay pinaandar ko na ito paalis papuntang Tagaytay. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit gano'n ang pakikitungo niya hanggang sa makarating ako sa trabaho. Sinalubong ako agad ni Kenzo na may hawak na dalawang cup ng kape.

"I was looking for you, good morning." Nginitian ko siya bago kinuha ang bag ko bago humarap ulit sa kaniya.

"Good morning. Kanina ka pa?" He nodded before handing me a cup of coffee. I thanked him before sipping on it.

"I didn't know what coffee you drink so I ordered what I usually order." He smiled.

"It's good, just my liking, thank you."

15th.

It has a lot of espressos- which I don't like. I like my coffee sweet, and because sweet coffee gives me more energy.

Naglakad kami palayo papunta sa building. Inabutan niya ako ng hard hat bago namin tinignan ang building. Malapit nang matapos ang limang palapag, ang bilis. Marami rin kasing trabahador.

"Wala si Asteria?" I asked him. 

He shrugged. "I haven't seen her or sir Kio this morning, baka wala pa sila-"

"MARI!" Napalingon kaming dalawa ni Kenzo kay Asteria na kakababa lang sa isang sasakyan na tumatakbo papalapit sa'min. When she approached me, she instantly wrapped me inside her arms and squeezed me. 

"OMG, Mari, miss na miss kita- OMG KENZO!" She also hugged Kenzo. Pagkabitaw niya sa yakap nila ni Kenzo ay saktong dumating sa likod niya si sir Kio. Umayos kami ng tindig ni Kenzo kaya kumunot ang noo ni Asteria bago lumingon sa likod niya.

"Ay, ayan kana pala, boss sir! Teka, kuha ako hard hat- ay." Sir Kio handed him a hard hat kaya sinuot niya ito bago kami naglakad na apat papasok sa building. 

Nag explain ako ng ilang nangyayari sa interior habang si Kenzo sa structure ng building. Ganoon ang nangyari sa'min, nag explain lang kami ni Kenzo tungkol sa mangyayari sa buong hotel kapag nabuo na ito.

"Mari, nagha-hang out ba kayo ni Jed?" Nilingon ko si Asteria bago tumango. Hinila niya ako paalis sa likod ng dalawang lalaki papunta sa tabi.

"Hindi naman kayo nag... nag aano, 'di ba?" Umiling ako agad, na-gets ko agad ang pinapahiwatig niya. At parang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot ko.

"Hay, buti naman. Akala ko nagse-sex kayo. 'Wag, ha? Pinsan ko siya kaya alam ko kung gaano siya kagago. Hang out lang, please. Ayokong maging biktima ka ng kagaguhan niya. 'Wag ikaw, Mari." Ngumiti ako.

"Of course, Aster. Hindi aabot sa ganoon. Don't worry, I took your warning seriously." Nakahinga siya ng maluwag bago ako niyakap.

"Mapunta ka na sa lahat, 'wag lang kay Jed. The devil is real, and it's in him." 

Nasa isip ko ang sinabi niya na 'yon. At nag sink in sa'kin na I'm building a connection with a dangerous flirt. And that I should be careful around him. He's a threat, and I should listen to Asteria. To not go too far with him.

"Gutom na ko, shet." Reklamo ni Asteria habang naglalakad kami papalayo sa building. Tinanggal ko ang hard hat ko bago nagpunas ng pawis na nasa noo ko. Inabutan ako ni Kenzo ng tissue kaya nagpasalamat ako bago pinunasan ang pawis ko.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon