5

44 4 0
                                    

five: no escape

TW: self-harm

"HUH?" I was stunned. Wala dapat siyang pake sa'kin, and he could've left when I asked him to leave the room.

"Anong ginawa niya sa'yo?" Ulit niya. Nakatingin siya sa pisngi ko kaya nagbaba ako ng tingin.

"Wala. Simpleng... Simpleng away lang."

11th.

Tinignan niya ako bago bumuntong hininga. Siya ang kumuha ng car keys ko bago nagpatiuna sa paglalakad. Sinara ko ang apartment habang nakasunod sa kaniya. Inayos ko ang nagulo kong buhok at ang damit ko. Nang makababa sa parking ay inabot niya ang car keys sa'kin kaya binuksan ko ang sasakyan ko bago pumasok at kinuha ang blue print na pinapakuha ni sir.

"Kahit ako na lang ang babalik, salamat sa paghatid sa'kin dito. At sorry because you had to... to see that." Ang hirap magsalita, nahihiya ako dahil sa inakto ni Markus.

"We can go back together." Napaangat ako ng tingin kay Jed na nakapamulsa sa harap ko. Umiling ako agad.

"Hindi na, you should rest. Magiging-"

"Magiging ano? Magiging maayos ka? Hindi. We'll go back to Tagaytay together, lock your car and go inside mine." Napakagat ako sa labi ko bago tumango. Pinindot ko ang lock sa car keys ko bago kami naglakad papunta sa sasakyan niya.

Tahimik lang kami nang makaalis ang sasakyan sa parking ng apartment building. Nilalaro ko lang ang daliri ko habang nakatungo.

"Do you want to grab something to eat first?" Kinapa ko ang bulsa ko. I left my phone and wallet in my apartment.

"I don't have cash with me." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Did I ask you if you have money? I asked if you want to eat something." Napakagat ulit ako sa labi ko bago tumango. Lumiko siya papunta sa ChowKing. Nag drive thru lang kami, hinayaan ko siyang mag order para sa'ming dalawa, at sobrang dami niyang in-order.

Nang matapos ay nagpatuloy kami sa byahe. Tumigil kami sa isang dead end. Bumaba kami hawak ang mga pagkain at umupo sa gilid. We ate quietly. Nakatingin lang kami sa mga buildings na nagtataasan. May malawak na ilog na nakapagitna sa mga buildings at sa pwesto namin.

"Jed," Tawag ko.

"Hmm?"

"Pwede bang... Pwede bang sa'ting dalawa lang 'yung tungkol kay Markus?" Tumaas ang kilay niya.

"They don't know you have a boyfriend?" Umiling ako.

"I will tell them naman, but not now."

12th.

Ayokong ipakilala si Markus. May takot sa loob ko na baka hindi nila tanggap si Markus lalo na at ganoon ang akto niya.

"Sure," I smiled at him before we continue eating.

"Gaano na kayo katagal?" Napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang magtanong.

"Magdadalawang taon na next month." 

"So dalawang taon mo nang pinagtitiisan lahat nang 'yon?" Nilingon niya ako, seryoso ang mukha. Napalunok ako bago bumaling sa mga buildings na nasa harap namin.

"Hin... Hindi naman 'yon madalas mangyari. Pagod lang siya." 

13th.

He sarcastically chuckled before shaking his head.

"Okay, sabi mo eh." Napatitig ako sa kaniya bago nag iwas ng tingin. He knows...

"You can talk to me, I won't tell anyone about it." I smiled at him.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon