25

28 5 0
                                    

twenty-five: kino

"SO AYON, PUPUNTA NGA KAMI NI SHIN SA LA UNION." Balita ni ma'am Ke sa'min. 

"Wow, sana all." I joked. But it wasn't really a joke, I want to see Kino. I do miss him. 

It's been a week since Jed came home from where he has been, and it's been a week since I've started taking care of Yera. She's such a good dog, pinagpapaasahan namin siyang bantayan ni Jed. And mom knows about him as my suitor since she caught him that same day when he's leaving early in the morning. I was with him that time too.

So right now, Yera's with Jed.

"Gusto mo sumama? Pwede naman kita ipuslit." Natawa ako kay ma'am Ke.

"Ayos lang ma'am. I'll call him later naman po." She nodded. Sumama kami ni Ryanne sa kanila ni sir Shin sa baba para hintayin ang service nila na van. Silang dalawa lang ang pupunta doon para i-check kung tama ang design na sinusundan at para makapag update para sa monthly report namin.

"We'll be back the day after tomorrow, the office better behaves without us." Sambit ni sir Shin sa'min ni Ryanne. Nag goodbye na kasi sila kanina pa bago bumaba dito, gusto lang talaga namin ni Ryanne na sumama sa kanila.

"Ingat po kayo doon, ma'am, sir." Sambit ko.

"Kayo din dito, update din namin ang office sa kung ano ang nangyayari." Tumango kami, saktong dumating ang van nila kaya pumasok na sila at kumaway sa'min. Nang makaalis ang van, biglang nagsalita si Ryanne.

"Do you think ma'am Ke and sir Shin will ever date?" Napatingin ako sa kaniya at natawa sa naisip niya.

"Hindi, para nga silang mag best friend eh. Parang ang labo na they'll look at each other's way." I mean, sobrang close nila kaya parang ang labo na magiging sila kasi sigurado iisipin ng isa kung anong mangyayari sa pagkakaibigan nila kung iri-risk nila 'yon para maging sila.

"Haven't heard of 'friends to lovers' trope?" I shrugged. Hindi naman kasi ako mahilig magbasa, hindi katulad ni Ryanne na sobrang nahilig sa mga fanfictions, lalo na't K-POP fan pa siya.

"Whatever, I think they'll end up together. They better be, ang ganda kaya nilang pair as a couple." I agree. Parang sila 'yung perfect tandem, the perfect pair for couples.

Bumalik na kami sa office at nagtrabaho ulit. Ganoon naman araw araw. Minsan nga ay nami-miss kong mag trabaho sa mga construction sites at tumanggap ng mga projects. Pero ayos na din 'to, kailangan ko lang masanay sa gan'tong setting.

Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa tumunog ang phone ko dahil sa isang text.

From: Jed
im outside, were going somewhere.

Kumunot ang noo ko bago tinignan ang oras, alas tres pa lang naman. Saan kami pupunta?

To: Jed
Saan? May tinatapos lang ako saglit. Where's Yera?

From: Jed
shes with me. can i come in there and wait for you?

Tinignan ko ang paligid. Maagang nag out ang iba dahil sa emergency sa bahay nila kaya parang kalahati lang kami dito pero tinanong ko pa rin sila kung ayos lang na may pumunta sa office na friend ko. They agreed when they heard that there's a dog.

To: Jed
Wait for me.

From: Jed
its okay, you can tell me which floor your office is and ill come.

Sinabi ko kung anong floor ang office namin kaya hinintay ko na lang siyang dumating. Pagkarating niya ay napatingin ang lahat sa kaniya, oo, sa kaniya, at hindi kay Yera na dahilan ng pag payag nila para makapunta siya dito.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon