FRITZIE ❤
Inihanda na ni Fritzie ang sarili sa komprontasyon nila ng Tita niya. Kaya ganoon na lang siya kabalisa habang papauwi pagkatapos nilang magkita ni Arnee.
Ngunit, nasorpresa siya nang ibalita ng kasambahay nila na hindi raw uuwi ngayon ang Tita niya. Tumawag daw ito kanina at nagpasabing may business trip for 2 days.
Bakit kaya hindi na lang ito nag-text sa kanya? Sinadya ba nitong umalis muna? Nahihirapan din siguro itong tulad niya.
"Ate, nand'yan si Sir Geremy sa labas. Gusto ka raw makausap." ani Esther na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya sa kusina.
"Ha!" Mas nagulantang siya sa sinabi nito." Sabihin mo wala pa ako."
"Eh... Pinatuloy ko na po siya," napakamot ito.
Patay! Mayroon pa pala siyang battle. Sa gulo ng isip niya, hindi makabubuting magkaharap sila ni Geremy baka kung ano pa ang magawa o masabi niya lalo lang gumulo ang sitwasyon. Bakit ba naman pinapasok kaagad ito ni Esther?
Sinilip niya ang binata na naroon nga sa sala. Nakatingin ito sa kawalan. Tulad niya, lumilipad din ang diwa nito. Magso-sorry siguro ito sa nangyari kanina.
Kumilos siya para puntahan ito. Naglalaro naman sa utak niya kung bakit siya hinalikan nito. Ano kaya ang nagtulak dito para gawin iyon?
"Geremy." Nakuha ng tawag n'ya ang atensyon nito. Sandali silang nagkatitigan. Palibhasa'y matagal na siyang guilty sa lihim na pagtatangi kay Geremy, siya ang unang nag-iwas ng tingin.
"Wala si Tita, nag-out of town," basag niya sa nakakailang na sitwasyon nila.
He sighed a deep breath. "Ikaw ang gusto kong makausap."
Naupo siya. "Kung ang ipinunta mo dito ay tungkol sa nangyari kanina, kalimutan mo na iyon. Hindi naman iyon mahalaga. Nakalimutan ko na nga e," pinasigla pa niya ang kanyang boses para ipabatid na balewala iyon sa kanya. "Nahihiya ako kay Tita. Hindi pa kami nag-uusap pero alam kong masama na naman ang loob niya sa akin."
"Hindi mo naiintindihan," napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. Mukhang hirap itong isatinig ang nasa isip. "Gusto kita Fritzie."
Parang tinakasan siya ng ulirat sa tinuran ni Geremy. Totoo ba ang narinig niya?
"I think I love you," dagdag pa nito.
Mas lalo siyang nawindang sa pangalawang sinabi nito.
Half of her life she's been dreaming of this man for him to notice her. And now he's telling her that he love her! She can't even comprehend what he said a while ago. "Wait, I didn't get it," nagtatanong na tingin ang ipinukol niya rito.
"Mahirap ipaliwanag. Basta naramdaman ko na lang. Pagbalik natin galing Baguio nagsimulang mag-iba ang lahat. You were so naughty and yet so helpless. But then, there's something in your eyes that tells me something every time you're looking at me." Lumapit ito sa kanya. Umupo ito ng paluhod sa harapan niya at ginagap ang kamay niya.
"Look at me," iniangat nito ang mukha niyang nakatungo nang lapitan siya nito. "Alam kong nagulat ka sa ipinagtapat ko. But I can't keep this forever every time I see you."
Nang mga oras na iyon dapat ay nagdiriwang ang puso niya. Dapat ay nagtatatalon siya. Dapat ay sinasabi niya rin kay Geremy ang matagal ng nilalaman ng kanyang puso upang lumigaya silang dalawa.
Ngunit sa isang bahagi ng kanyang utak ay naroroon ang imahe ng mahal niyang tiyahin. Nagpapaalalang dapat lumagay siya sa tama. Kahit gaano niya kamahal si Geremy ay di niya kayang durugin ang puso ng taong naging pangalawang ina niya.
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...
