FRITZIE ❤
Tinawagan si Fritzie ni Geremy kanina at sinabi nitong magpunta na lang siya sa restaurant. Hindi na siya nito masusundo dahil may inaasikaso pa.
Nabahiran tuloy ng pag-aalala ang puso niya. Baka hindi siya nito maharap dahil may inaasikaso nga. Baka kumain lang siyang mag-isa doon habang dinadaan-daanan nito. Kaya lang wala ng urungan ito. Heto at nakabihis na siya habang pinagmamasdan ang sariling reflection sa salamin. Suot ang pink off-shoulder knitted blouse at pink floral skirt with matching pink sandals. Lady in pink, sabi niya sa isip niya. Her shoulder length hair was down for a more lady like image. She put a light make-up and accessorize herself with silver jewelries.
A smile of satisfaction flaunts her face while staring herself in the mirror. She looked different that night. Sana mapansin iyon ni Geremy.
Nag-taxi siya papunta sa Le Taste Savore sa North Edsa. Napansin niya ang volume ng customers sa bungad pa lang ng restaurant. Cozy at well-decorated ng mga posters at paintings ng mga French cuisine ang restaurant. First time niyang makapunta dito. Abala ang mga staff dahil dinner time na.
Tinanong niya ang unang service crew na nakasalubong kung nasaan si Geremy Sinamahan naman siya nito sa opisina ng binata.
Katamtaman ang laki ng office. May isang office table sa gitna at executive chair. Malamig tingnan ang paligid dahil sa kulay kremang pintura. Wala roon si Geremy. Pinaupo siya sa silyang laan para sa mga bisita ng crew na si Reggie ang pangalan ayon sa name tag na nabasa niyang suot nito. Lumabas din kaagad ito. Di nagtagal ay dumating na si Geremy. Naka-apron ito sa ibabaw ng light brown long sleeves na itinupi ang manggas at itim na pantalong suot. He's as handsome as ever.
Napatayo siya pagkakita rito. "Hi!" bati niya.
Hindi agad nakapagsalita si Geremy nang makita siya. Ine-eksamin yata nito ang kabuuan niya. "You looked different." Blanko ang expression ng mukha nito. Hindi yata nito nagustuhan ang ayos niya.
Naalarma siya. Bakit? May problema ba sa damit niya? Sobrang effort pa naman ang pagpapaganda niya.
"Wala naman. Naninibago lang ako sa hitsura mo. But it's good. You're very pretty."
Napangiti siya sa papuring narinig. Nag-blush pa nga siguro siya dahil nag-init ang pakiramdam ng mukha niya.
"I cooked as I promised." Hinubad nito ang suot na apron. "I'll be back. I'll freshen up. Nakakahiya naman sa iyo amoy usok ako." Ipinatong nito ang apron sa isa pang bakanteng silya sa tabi niya at lumabas muli.
Habang wala ito ay nag-usyoso siya sa paligid. Napagtuunan niya ng pansin ang mga framed pictures na nasa ibabaw ng mesa. Ang isang larawan ay kasama nito ang ina. Mukhang sa Disneyland ito kinuhanan dahil sa isang tabi ay naroon si Mickey Mouse. Iyong isang picture frame naman ay si Geremy at Marietta ang naroon na magkaakbay sa Tagaytay. Nagselos na naman siya sa tita niya. Mga teenagers pa ang mga ito noon sa picture. May mga magazines doon sa rack. Kumuha siya ng isa at ini-scan iyon habang naghihintay. Ilang articles din ang nabasa niya bago nakabalik ang binata.
"Nainip ka ba?" bungad na sabi nito nang pumasok sa pintuan.
Isinara niya agad ang magazine at ibinalik doon sa rack. "Hindi naman." Siya naman ngayon ang napatda sa kagwapuhan nito. He changed his clothes to a black polo shirt and jeans. Nalalanghap din niya ang Polo Sport na pabango nito.
"Let's go."
Tumayo na siya at iginiya siya nito palabas ng opisina patungo sa isang kalapit na silid. Binuksan nito ang pintuan at inalalayan pa siyang makapasok. Tumambad sa kanya ang isang bakanteng silid na halos kasing laki ng opisina nito. May mesang naka-setup sa gitna na napapalamutian ng puti at pulang table cloth. May flower arrangement sa gitna ng mesa at tatlong matataas na kulay pulang kandila. Naka-setup na ang mga kubyertos. Malamig sa silid dulot ng aircon.

BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...