Could Have Been

184 13 1
                                        

FRITZIE ❤

"How would you rate your date Ate?" It's Michie, her half-sister on her mother side. "Damien is cool. I hope you finally like him."

Nakangiting salubong sa kanya nito.

Her sister Michie is fifteen years old. Kalog, kikay at masayang kasama. Mestisa si Michie. Nakuha nito ang mga features ng ama nitong amerikano na napangasawa ng Mama niya. Hindi naman siya nahirapang pakisamahan ang pamilya ng Mama niya mula nang magpunta siya sa Amerika three months ago.

Tama, umalis siya ng Pilipinas na mabigat ang kalooban. Hindi niya inaasahan na pagbalik niya ng Maynila ay may naghihintay na palang eroplano para sa kanilang dalawa ni Tita Marietta. Sa tulong ng napakayaman palang asawa nitong si Nilo ay nagawan nito ng paraan na makalipad din sila ng araw na iyon papuntang New Jersey.

Mabuti na lang din at nakaalis sila dahil kung hindi ay baka tuluyan ng bumitiw ang Mama niya para mabuhay. Ayon sa kuwento ng Mama niya, iyong presensiya raw niya ang nagpabalik rito para mabuhay. Iyong boses raw niya ang naririnig nito habang unconscious kaya pinilit nitong lumaban para makabawi sa lahat ng kasalanang nagawa nito kay Fritzie.

Nang maka-recover ang kanyang ina ay kinailangan naman nitong magpa-theraphy. Siya ang nag-alaga rito hanggang sa muling makaramdam ang mga binti. Bagama't hindi pa ito nakakalakad ng diretso pero malaki na ang improvement ng mga hakbang nito. Kaya na nitong maglakad ng naka-saklay paunti-unti kumpara dati na di maigalaw at maitukod ang binti.

Galing siya ng date na nireto ng stepfather niyang si Brandy. Balak kasi ng mga ito na ipa-fix marriage siya para makapag-stay pa siya ng matagal 1sa bansa at maalagaan ang mama niya.

Normal na naman daw ang kasunduang ganon. May mga willing citizens na magpakasal kapalit ng kaukulang bayad para sa kontrata. Typical na kasunduan. Di nila kailangang magsama sa isang bubong. Pagkatapos ng seremonya at pirmahan, kanya-kanyang buhay na. Kita-kits na lang sa araw ng diborsyo.

Masakit mang isipin pero ito ang totoo.

Matapos ang naging aksidente ng Mama niya ay na-realize ni Fritzie na sobra-sobra pala ang pangungulila niya sa ina. Na kahit pa tinikis niya ito noon na hindi man lang tawagan dahil sa galit ay naglahong lahat iyon nang makita itong halos wala ng buhay sa ICU. Doon lahat nag-sink-in sa kanyang isa lang ang kanyang ina at anuman ang mga nagawa nito noon nang iwan siya ay mahal pa rin niya ito.

Dahil sa pakiusap ng kanyang Mama ay iniwan niya ang lahat ng mahalaga sa kanya sa Pilipinas. Ang kanyang trabaho, si Tita Marietta at si Geremy.

Nakakuha na nga pala ng ibang surrogate mom si Marietta. Ayon sa tita niya nang huli itong makausap ay nagsisimula na ang procedure ng implant.

Speaking of pagbubuntis, naisip niyang malapit na sigurong manganak si Margaux.

Magiging tatay na si Geremy.

Gumuhit na naman ang sakit sa kanyang dibdib. Bigla tuloy siyang napahawak sa kanyang dibdib.

"Are you okay Fritz?"

"I'm fine. Don't worry." She assured her sister.

Ang balita niya kay Tita Marietta ay doon nakatira sa bahay nina Geremy si Margaux at kasundong-kasundo raw ito ng mommy ni Geremy.

Saklap lang!

Ang akala niyang taong nagmamahal at rumerespeto sa kanya ay patalikod palang gumagawa ng anumalya. May pa-propose propose pa ito ng kasal!

Iyon naman pala sa iba magpapakasal!

Sa galit niya kay Geremy ay di niya man lang ito kinakausap. Ilang beses itong tumawag sa kanya pero sarado ang isip niya dahil sa galit. Hindi niya ito kayang kumprontahin. Hindi niya kayang marinig sa mismong labi nito na mayroon ngang relasyon kay Margaux. Dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan niya, hirap talaga siyang magpatawad.

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon