Another Trip

186 13 0
                                        

FRITZIE ❤

Kanina pa nag-aabang si Fritzie sa labas ng gate nina Geremy. Hinihintay niya ang paglabas ng boyfriend niyang nagtatampo.

Kung hindi ba naman siya may pagka-isip bata pa talaga, mag-walk-out ba naman siya sa brunch nila kahapon dahil sa pagkapikon sa mga banat ng nobyo.

"Kung gusto mo ng mabuntis, bubuntisin na lang kita para di ka makapayag sa gusto ni Marietta. And that's final."

Agad na nagsalubong ang kilay niya. "What!"

"Come on Babe, I'm not in the mood to have an argument with you. I'm so damn tired. Antok na antok na ako. Kaya please, huwag mo naman akong babalitaan ng ganyan. Magkakasakit na talaga ako sa puso."

"You mean, you're not supporting my decision in helping Tita?" Ewan ba naman niya pero gusto niyang i-challenge ang no sleep yet BF.

Kitang-kita ang pagtitimpi sa mukha ni Geremy. Konting-konti na lang ay mapapatid na ang pisi ng pagpapasensiya nito sa senseless argument ni Fritzie.

"Hindi ba halata? Fritzie naman." Napahagod pa ito sa buhok malamang dahil sa frustration. "At this point in time, can you say that your body is ready to get pregnant? Handa ka na ba sa mga medical test na pagdadaanan mo? Isang turok pa nga lang para sa flu vaccine namumutla ka na. Alam mo ba ang proseso na gagawin mo para pumasok sa katawan mo ang egg cell at sperm cell nina Marietta at Nilo? It's not that simple my dear."

Na-shock si Fritzie sa mga narinig. Di pa niya naisip ang tungkol sa mga medical procedures. Pero dahil naiinis siya sa reaksyon ni Geremy na pwede naman nitong sabihin sa mahinahong paraan ay bigla siyang napatayo.

"Kontra ka ng kontra. Ayaw mong suportahan ang desisyon ko. Kung umasta ka ay para na kitang asawa na kailangang pagpaalaman ng mga desisyon ko. Well, for your information Mr. Geremy Santillan, you have no right to act that way because you are not my father nor my husband."

Shock was all over on Geremy's face. Pulang-pula ang mukha nito. Huminga muna ito ng malalim. "Babe, let's not make a scene here."

Nahalata niyang pinagtitinginan na nga sila ng mga tao. Dahil nga nahiya na rin ay tumayo na siya at kinuha ang bag sabay lakad palabas ng resto.

"Fritzie! Fritzie!" Dinig niya ang tawag ni Geremy pero ayaw niyang huminto. "Fritzie! Ano ba!" 

Galit ang lolo mo!

Napilitan siyang tumigil nang maabutan. Nahagip nito ang braso niya. "Ano iyan? Bakit ba natin pinagtatalunan ito? At ano iyong sinabi mo? I'm not your husband nor your father?"

Inirapan niya ang lalaki.

"Well in case you forgot, you are engaged to me at malapit na tayong magpakasal."

"Talaga lang ha?" Sarcastic na sagot niya. "Engaged? Ni hindi nga alam ng mama mo na ako ang girlfriend mo. Engaged bang matatawag iyon?"

Ayan, lumabas na tuloy ang pinagsisintir niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Huwag mo ng i-deny. Nagkausap kami ni Tita kahapon at pinapahanapan niya ako ng possible girlfriend mo. Naman Geremy! Six months na tayo pero di mo man lang nabanggit sa nanay mo ang tungkol sa atin. Para tuloy akong tanga na sumang-ayon na lang sa kanya na hanapan ka ng dyowa."

"It's not what you think. Hindi pa kami nag-uusap ni Mommy tungkol doon. Sasabihin ko naman sa kanya kaya lang palagi akong nauunahan sa pagbaba ng telepono. Kapag sisimulan ko na, di naman niya iniintindi. Kaya ang plano ko ay isorpresa na lang siya."

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon