Drunk

942 22 3
                                    

FRITZIE ❤

Pagkapinid ng pintuan nang lumabas si Geremy sa silid ni Fritzie sa Spring Hotel ay bumangon kaagad siya sa pagkakahiga sa kama. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago lumabas para masigurong nakapasok na ito sa kabilang silid. Bumalik sila sa Spring Hotel upang doon muling magpalipas ng gabi.  

Nang tumigil siya sa pag-iyak, nag-suggest si Geremy na ipagpabukas na lang ang pagbalik nila ng Maynila na sinang-ayunan naman niya. Mabuti na lang at bakante pa rin ang dating silid na inokupahan nila kahapon kaya iyon na rin ang pinili nila. 

May nakita siyang maliit na bar sa ground floor ng hotel. Katabi ito ng coffee shop na tinambayan niya kahapon. Gusto niyang uminom dahil nalulungkot na naman siya. Sa pagkakita niya kay Raffy, nanariwa na naman ang malungkot na pinagdaanan niya.  

Nagtungo siya sa bar. May mangilan-ngilan na umiinom sa hanay ng mga mesa. Dim light ang paligid at jazz ang tipo ng awiting pinapatugtog. Relaxing ang ambience. 

Dumiretso siya sa isang bakanteng mesa sa may pinakadulo. Tinungga niya kaagad ang mga in-order na isang boteng tequila at dalawang boteng beer nang dalhin ito ng waiter. Nagdagdag pa siya ng chips para pulutan. 

Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pa man. Gusto lang niyang makatulog ng mahimbing para makalimot pansamantala. Nakakagaan ng pakiramdam ang musika ni Kenny G na siyang tinutugtog sa background. Kilala niya ang album nito dahil paborito ito ng tita niya. 

Sa kapapapak ng chips at pinagpalit-palit na lagok ng beer at tequila ramdam niyang namimigat na ang ulo niya. Nag-iinit pa ang pakiramdam niya dahil pinagpapawisan siya. Iba ang tama ng beer at tequilla sa kanya. Tomador siya ayon sa mga barkada niya kaya hindi siya basta nalalasing. Pero bakit parang ang bilis naman yata niyang tamaan ngayon?

Napapitlag siya nang maramdamang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng pantalong suot. Pangalan ni Geremy ang nakarehistro sa screen nang tingnan niya. Hindi niya sinagot ang tawag. Sana isipin na lang niya nito na natutulog na siya.  Pinabayaan lang niya itong mag-vibrate at inilapag sa ibabaw ng mesa. 

Nangangalahati na ang bote ng tequilla at nagpadagdag pa siya ng panibagong bote ng beer. Tumanggi na nga ang waiter na bigyan siya. "Kung hindi mo ako dadalhan ng beer dito, magbabasag ako ng bote," walang takot na banta niya. 

"Huwag naman po ma'am.... Sige po, basta magbayad kayo ha? Wala tayong magiging problema." Sabi pa ng waiter bago umalis para kumuha ng dagdag na order niya. 

"Okay... Hik... Dalian mo, paubos na ito." Itinaas niya ang papaubos ng bote ng beer.  

Matinding hilo ang naramdaman niya nang makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay umikot ang kanyang paligid. Baligtad na nga ang tingin niya sa painting mg mukha ni Mona Lisa na nakasabit sa pader sa tapat niya. Hindi niya nakayanan ang sakit kaya napasubsob siya sa mesa. Makaraan ang ilang minuto, nakarinig siya ng kalabog na parang may ipinatong sa mesang sinusubsuban niya. Sa nanlalabong tingin, nakita niya ang waiter na ibinaba ang beer na order niya. Dahil nakadikit ang tainga niya sa mesa, narinig niya ang muling pag-vibrate ng cellphone. Hindi niya ulit pinansin iyon. 

"Wag mong kunin ang cellphone ko," pag-mulat niya ay nakita niyang kinuha ng waiter ang cellphone niya sa mesa. "Akin iyan..." Pinilit niyang agawin ito pero hindi naman niya maingat ang ulo at kamay niya. Paano na iyan aakyat pa siya sa silid niya? Ayaw naman niyang matulog sa mesang iyon. "Huwag mo kunin iyan," parang bulong na lang iyon nang lumabas sa bibig niya. Ilang sandali pa, naramdaman niyang may nakiupo sa katabing silya niya. Inalog siya nito.

Nang magmulat si Fritzie ng mga mata ay naroon na siya sa kanyang silid. Pinilit niyang bumangon pero napigil iyon nang muling gumuhit ang sakit sa kanyang ulo. Pumikit na lang siya ulit. Kinapa niya ang unan sa kanyang tagiliran na nakasanayan na niyang ilagay tuwing matutulog. Pero iba ang nahawakan niya.  

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon