Chance

829 20 2
                                    

GEREMY☺

Bumaba ng hagdan si Geremy. Doon sa sala niya natagpuan si Marietta. Tulala itong nakaupo sa sofa. Mukhang malalim ang iniisip.

What the hell happened to him? Bakit niya hinalikan si Fritzie habang nagdidiliryo sa kalasingan? It was that moment that he felt she was referring to him. He was insane for a split second. Paano kung hindi? Paano kung dala nga ito ng sobrang kalasingan?

Nananadya ba si Fritzie? Pangalawang beses na niyang narinig iyon sa dalaga. Una niyang narinig iyon noong nalasing ito sa Baguio. Sinambit din nitong siya na lang ang mahalin ng kung sino mang tinutukoy nito. Baka naman ganoon talaga ang babaeng iyon tuwing nalalasing?

Dalawang bagay ang malinaw sa kanya ngayon. Una, mayroon ng iniibig ang dalaga at ang ikalawa ay nakapagpagimbal sa kanya.

"Kailangan nating mag-usap," seryosong sabi ni Marietta nang lapitan niya ito. Umupo siya sa tapat ng sofa na inuupuan nito.

"Maraming hang-ups ang pamangkin ko. Marami siyang ikinagagalit sa mundo. Most of the time, tinatakasan niya ang mga problema niya." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Kahit ako na nagpalaki sa kanya ay nahihirapang basahin ang personality niya. Akala ko nagbago na siya pero naglasing na naman siya," nasapo nito ang ulo.

"Baka naman nagkatuwaan silang magka-kaibigan. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon," dipensa niya para kay Fritzie.

Makahulugang tingin ang ipinukol nito sa kanya. "May nangyari ba sa Baguio na dapat kong malaman?"

Nahihiya siya kay Marietta. She had been his friend since childhood. She had always been good to him. But right that moment he can't look at her. "Wala."

"Wala? Ano iyong nakita ko kanina? I know you Geremy. You're always sure of what you are doing."

"Now, I'm not," maagap na sabi niya.

"You're not? You are taking advantage on the vulnerability of my niece. And you were saying you're unsure?" tumaas ang boses nito. "I thought I knew you. You know what?" Ibinitin pa nito ang sasabihin.

"I like you.... Sabi mo sa akin let's take our relationship into another step. Umasa ako sa sinabi mo. I'm starting to look at you on a different perspective. And now this ... You kissed my niece," galit ang nasasalamin niya sa mata nito.

"I'm sorry Marietta. Please give me time. Naguguluhan din ako. I can't finish this conversation. I'm really sorry." Tumayo na siya at walang lingon-likod na lumipat sa bahay nila.

Dulot ng hangover, late na nagising si Fritzie. Hindi na niya inabutan ang tita niya sa bahay. Sa nangyari kaninang madaling-araw siguradong dibdiban ang pag-uusap nila kapag dumating ito. Kahit anong mangyari wala siyang aaminin tungkol sa totoong feelings niya kay Geremy.

Bumaba siya ng kusina para mananghalian. Tinitingnan niya ang ulam na niluto ni Esther nang tumunog ang cellphone niyang nakasabit sa leeg niya. Si Arnee ang caller.

"Salamat naman at buhay ka pa," sabi nito pagkapindot niya ng answer button.

"Mainit yata ang ulo mo friend. Dapat ako ang magtaray dahil sa hangover ko." Hinimas niya ang kanyang ulo habang papaupo sa isa sa mga silya sa komedor.

"Kasi naman 3 days from now aalis na ako papuntang Canada hindi mo pa rin ako naiisipang tawagan," nagtatampong sagot nito.

"What! Tuloy na tuloy na pala iyan. I'm sorry naging busy kasi ako sa mga projects at finals ko. Nawala sa isip ko," na-guilty naman siya.

"Finals ka d'yan. Ba't may hangover ka? Niloloko mo yata ako."

"Puntahan kita d'yan ngayon. Maliligo lang ako."

"Kita na lang tayo sa North Edsa. Andito kasi ang family ko. Alam mo na, spending time together while I'm here."

"Sige, I'll be there in an hour."

Naroroon na si Arnee nang dumating siya sa Pizza Hut. Nakapag-order na rin ito ng paborito nilang bacon cheeseburger flavor na sausage stuffed crust na pizza.

"As usual late ka na naman," reklamo nito pagkaupo pa lang niya.

"Sorry. Matindi iyong hangover ko as in ga-pakwan ang bigat ng ulo ko." Ibinaba niya sa katabing upuan ang pouch bag na dala.

"May panahon ka pang uminom ---"

"Alam ko na iyang sasabihin mo. Pero huwag ka ng magtampo. Nag-celebrate lang kami dahil ga-graduate na ako."

Nanlaki ang mata nito sa ibinalita niya. "Talaga! At long last makakamartsa ka na rin. Pero bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya?"

Nakalukot kasi ang mukha niya. "Aalis ka na ..."

"Ikaw kasi... Dapat pareho na tayong nurse ngayon kung hindi ka nagpabaya."

"Hindi naman iyon ang pinupunto ko. Mawawalan na ako ng kaibigan," naiiyak na siya. Matagal na rin niyang best friend si Arnee. Subok na ng panahon ang pagkakaibigan nila.

"Huwag ka ngang umiyak d'yan. Alam mo namang iyakin din ako," halatang nagpipigil din itong maiyak sa boses nito.

"Kung kailan ka aalis saka lalong nagiging kumplikado kami ni Tita."

"May nangyari ba?" kumunot ang noo nito.

Ikinuwento niya ang insidenteng nangyari sa kanilang tatlo.

"Gusto ko ng umalis sa bahay," naisip na naman niyang takasan ang sitwasyon niya.

Napa-isip si Arnee. "Mas mabuti nga siguro iyon. Kung gusto mo doon ka muna sa apartment ko. Hanggang dalawang buwan pang bayad iyon kaya wala kang magiging problema sa renta."

Maganda ang suggestion ni Arnee. Parang gusto niyang patulan.

"Tutal ceremony na lang naman ang hinihintay mo, pwede ka ng mag-apply ng trabaho." Kinuha nito ang wallet at may inilabas na calling card. "Puntahan mo iyan. Matutulungan ka niyang makahanap ng trabaho."

Inabot niya ang calling card. Mr. Joaquin Apostol of EZ Call Center ang nakasulat doon.

"Madaldal ka naman. Magagamit mo na iyang talent mo sa magiging trabaho mo doon." Nakangiting sabi nito.

"Salamat Arnee. Aalis ka na at lahat tinutulungan mo pa rin ako. Mami-miss talaga kita." Lumipat siya sa tabi ni Arnee at nagyakapan silang dalawa.

#MRH15

===========

A/N: Happy Hearts Day!

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon