Uncertain

210 11 0
                                    

FRITZIE ❤

Lukot na lukot ang mukha ni Fritzie nang bumalik siya sa kanyang silid. Di niya kinaya ang selos kina Geremy at Margaux. Dinagdagan pa ba naman ng panggagatong ni Tita Ellaine ay talagang umusok ang kanyang ilong. Kaya bago pa siya makagawa ng eksena ay umalis na lang nang magkaroon ng bagong kausap si Tita Ellaine.

Pasalampak niyang inihiga ang pagod na katawan sa kama. Tanging lamp shade lang ang ini-on na ilaw. Gusto niyang magtago sa dilim pero gusto rin niyang magsisigaw at ilabas ang inis niya sa mga alon ng dagat na kanyang naririnig sa labas.

Ang dami tuloy pumapasok sa kanyang isipan. Karapat-dapat nga ba siya kay Geremy? Sapat ba na mahal nila ang isa't-isa para mawala ang mga insecurities niyang nararamdaman? Kung pagkukumparahin silang dalawa ni Margaux at isama pa si Cerah ay mukha siyang kuting sa nagtatayugang mga leon.

Ewan ba niya kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. Saan ba nanggaling ang mga ganitong damdamin at alalahanin na dati naman ay di man lang sumagi sa kanyang isipan sa loob ng kalahating taon na rin namang relasyon nila ng nobyo.

Pero wala siyang balak iyakan ang pagsisintemyento. Mas lalo lang siyang magiging talunan kapag kinain siya ng self-pity at insecurities. Tinatagan niya ang kanyang dibdib.

Kung paano man niya lalabanan ang damdamin ay ipinikit niya ang mga mata. Bago pa siya gupuin ng antok ay may narinig siyang katok sa pintuan. Wala sana siyang balak na pagbuksan iyon kung hindi niya narinig na boses ni Geremy ang tumatawag sa kanyang pangalan. Dali-dali siyang bumangon at binuksan ang pinto.

"Babe, kanina pa kita hinahanap. Mabuti na lang at nandito ka." Napatayo ito ng tuwid mula sa pagkakasandal sa pasimano ng pinto. Half-open lang ang pagkakabukas niya. Nakakawit pa iyong kadena. "Open the door please."

Pagkakita pa lang niya kay Geremy ay di niya malaman kung hahampasin o yayakapin niya ito. Ang pakikipagtawanan nito kay Margaux ay naka-glue pa sa isipan. Napakunot tuloy ang noo niya nang makita it. Siyempre nagtataka siya kung bakit ito pumarito. Baka tapos na ang party. Isinara niya ang pinto at tinanggal ng lahat ang lock.

Pumasok si Geremy. Tuloy-tuloy naman siyang naupo sa single seater sofa sa gilid ng kama. Di man lang siya nagsalita samantalang dire-diretsong naupo si Geremy sa kama at matamang tumitig sa kanya. "May.. prob..lema.. ba?" Pinabagal nito ang pagtatanong. Tinatantiya ang kanyang mood.

Sa ibang direksyon tumingin si Fritzie. Iyong di niya nakikita ang kagwapuhan nito na kahit pa mukhang pagod na pagod na ay nag-uumalpas pa rin ang appeal.

Tumayo si Geremy at nag-squat sa harap niya. Hinawakan nito ang baba niya at pinaharap sa kanya. Magkasing-level ang kanilang mga mukha dahil di naman siya nakasandal. Naka-cross legs ang kanyang binti at nakapatong naman ang kanang kamay sa ibabaw ng tuhod. Ipinatong rin nito ang kaliwang kamay sa kamay niya.

"May nagawa ba akong di mo nagustuhan? Tell me please." Determinado ang mga mata nitong alamin ang nasa isip niya. Pinaglalaruan nito ang kanyang daliri.

Magkahinang pa rin ang kanilang mga mata. Atubili pa rin siya kung sasabihin ang totoong dinaramdam. Isang buntong-hininga ang pinakawalan.

"Babe..." Napakalambing ng pagkakasabi nito habang nagsusumamo naman ang mata nito.

Kinagat niya ang kanyang labi at kinunutan ito ng noo. "All right.."

Bakit ba ang dali niyang bumigay?

" I'm jealous." Sabay buntong-hininga at nahiya sa kanyang inasal.

"What!" Hitsurang nakarinig ng balitang imposibleng naging posible ang boyfriend niya.

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon