Here Comes The Bride

277 14 1
                                        

FRITZIE ❤

Six months later..

Kasal kanina nina Marietta at Nilo sa simbahan ng Malate sa Maynila. Pangalawang kasal na ng magsing-irog. Iyong una ay sa Hong Kong na ikinabigla di lamang ni Fritzie kundi ng buong pamilya at mga kaibigan din ni Marietta.

Plano naman talaga ng mga itong magpakasal sa simbahan kaya lang ay sa sobrang pagka-in-love sa isa't-isa ay di na napigil na magpakasal sa ibang bansa.

Naroon sina Fritzie at Geremy sa magarbong reception sa Palacio De Manila. Si Fritzie ang maid-of-honor at isa sa mga grooms men si Geremy. So far so good naman ang takbo ng kanilang relasyon. Geremy is the perfect boyfriend. Wala ng hahanapin pa si Fritzie sa napakaguwapo at masarap pang maglutong nobyo. Kahit medyo may agwat iyong edad nila, Geremy never let her feel inferior. He was never strict nor demanding. Sakto lang. Pakiramdam nga niya ay naka-jackpot sa mega lotto sa sobrang blessing na dinadala ni Geremy sa buhay niya.

He is her inspiration. He is her role model.

Ang dating pasaway at sakit ng ulong Fritzie ay tuluyan na niyang tinalikuran. She straightened her acts now and trying hard to maintain it that way.

They do have fights which is normal for all lovers. But they tried to settle it the soonest. Kung talagang di ma-settle sa araw na iyon, the next day they made sure to talk about it. Bilib siya sa haba ng pasensiya ni Geremy. Kilala naman nito ang ugali niya noon pa man kaya siguro naghanda na ng libo-libong patience power pagdating sa mga tantrums niya.

She really changed a lot. She improved for the better. Sa trabaho ay pinagbubuti niya ang mga responsibilities niya kahit pa madalas na graveyard shift sa call center. Pinagre-resign na nga siya ni Geremy dahil sa schedule niya. Ten PM to six AM ang madalas niyang shift. Bago siya pumasok sa trabaho ay nagkikita muna sila. Kung hindi sa restaurant ni Geremy ay pinupuntahan siya nito sa apartment o nagde-date sa labas kahit pa napaka-busy recently ni Geremy.

He is so sweet and understanding.

Pinapabalik na nga siya ni Marietta sa bahay nito dahil lilipat na rin ang tiyahin sa bahay ng asawa nito sa Greenhills. Pinag-iisipan pa iyon ni Fritzie pero para ngang mas magandang solusyon iyon sa problema niya sa budget. Di pa kasi kalakihan ang sweldo niya. Sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin at pambayad sa bahay. Mas pabor pa nga dahil kung lilipat siya ay magkapitbahay lang sila ni Geremy.

"Babe, magre-report ka ba sa work ngayon?" Tanong ni Geremy matapos nitong basahin ang mga text messages sa cellphone nito. May ongoing catering kasi ang restaurant nito kaya kahit nasa kasalan ay nagmo-monitor din ng business.

"Yup. Wala kasing pumayag na makipagpalit ng shift ko." Naalala niya tuloy ang inis sa kinahinatnan ng request niyang change shift.

"Kung ganon dapat pala ay umalis na tayo dahil maghahanda ka pa. It's already 8PM and we can't predict the traffic in Edsa. Baka ma-late ka pa. Kailangan ko na rin bumalik sa restaurant."

"Okay," sagot niya habang nakatingin sa mga bagong kasal sa presidential table. "Tingnan mo si Tita. Ang saya-saya niya. Kanina pa di magkamayaw ang mga ngiti niya. I'm really glad na nakilala niya si Tito Nilo."

"They are perfect for each other. Syempre, ganon din tayo." Pinisil nito ang ilong niya,

"Aray naman!" Inilagan niya ang naglalambing na nobyo. "Sumusobra ka na. Palagi mo na lang pinagdidiskitahan ang ilong ko." Hinimas pa niya ang namulang ilong.

"You want me to kiss your nose?" Natatawang sabi pa nito.

"Huwag mo ng agawan ng eksena sa ka-sweet-an sina Tita. PDA lang?"

My Rebel HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon