FRITZIE
Wala namang kahina-hinalang anyo o hukbo ng mga pulis sa labas ng karinderia nang lumabas si Fritzie kasama si Geremy. Nakita niyang muli ang malaking lalaking itinuro kanina ni Geremy na nasa katapat na sari-sari store ng karinderia. Nakikipag-kwentuhan ito sa isa pang lalaki. Hindi kaya pulis din iyon?
Mukha namang walang pakialam sa paligid ang dalawa dahil patuloy pa nga sa pagtawa. Hindi man lang nga sila pinansin ng mga ito.
Ganoon ba kapag undercover?
"Akin na ang susi. Babalik na tayo sa Maynila," utos ni Geremy na akmang bubuksan na ang pintuan sa may driver's seat.
Lumulon muna siya bago nagsalita. "Geremy ...," nate-tense na siya.
Baka hindi ito pumayag sa imumungkahi niya. Napag-isipan na niya iyon kanina habang nasa CR siya.
"Yes." Nilingon siya nito.
"Gusto kong -- " Nag-aalangan siyang ituloy.
"Anong gusto mo? Gutom ka pa ba?"
" Gusto ko sanang pumunta ng Baguio."
"Ano naman sa akin ngayon?" Salubong ang kilay nito.
"Ihatid mo naman ako. Please. Doon muna ako magpapalamig habang galit pa sa akin si Tita. Pero huwag mong sasabihin kung nasaan ako ha?
I swear, pagdating doon kanya-kanyang buhay na tayo." Nagtaas pa siya ng kanang kamay na parang nanunumpa.
"Na naman!" Sigurado siyang nagdududa ito sa pakiusap niya. "Ginawa mo na iyan kanina. Sabi mo Visayas Avenue lang. Nasaan na tayo ngayon? Ang layo-layo na natin sa Quezon City." Naiiling pang wika nito. "Besides, kailangan ko ng bumalik ng Maynila. Hindi na nga natuloy ang business deal ko ngayon dahil sa kagagawan mo. Ang laking abala na ang ibinigay mo sa akin."
Mistulang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Sad-sad hanggang sahig ang pagsimangot niya nang marinig ang tugon ni Geremy.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" anito nang makita ang pagsimangot niya.
"You're so selfish! Para nagpapahatid lang," nagkunwari siyang umiiyak.
"Mag-bus ka na lang. Sa may bus station na lang kita ihahatid."
"Nakikiusap na nga ako sa iyo, ang tigas ng puso mo! Parang hindi tayo magkapitbahay ng mahabang panahon. Sabi mo kanina para mo na akong kapatid. Hindi pala kita kilala Tito Geremy," sumisigok pa siya.
Tinakpan niya ng mga kamay ang mukha niya. Pang best actress ang iyak niya ngayon.
Tinalikuran niya ito at lalong humagulhol. Isinandal niya ang kanyang likod sa tabi ng kotse. Kailangan paghusayan niya ang acting.
Buti na lang at nahasa ang acting skills niya sa drama guild na sinalihan niya noon. Pero sa totoo lang, naiiyak na talaga siya dala
ng mga desperasyong kinasusuungan. Kung sakaling makarating nga siya ng Baguio ay hindi pa rin naman siya sigurado kung ano ang aabutan niya doon. Susubukan niyang makitira muna sa mga Tita Zeny niya. Kinakapatid ito ng kanyang ama. Kapag nagpupunta sila noon sa Baguio ay doon sila nakikituloy ng mommy niya.
Hindi siya natiis ni Geremy kahit pa ilang minuto muna ang nagdaan bago siya nilapitan nito sa pwesto niya. Hindi niya inasahang aaluin siya nito.
"Stop crying. For Pete's sake! Baka akala ng mga nakakakita sa atin ay inaapi kita."
Kapag paiyakan, hindi pa rin kumukupas ang talent niya sa drama. Kaya nga nahirang siyang best actress sa mga school plays nila noon dahil sa epektibong pagpapatulo niya ng luha. Pag sinabi ng direktor na sa kanang mata dapat tutulo ang luha. Ganoon nga ang ginagawa niya.
Dapat siguro nag-artista na lang siya.
"Ok - ok. Just give me the keys. I'll drive you to Baguio," sumusukong sabi nito. Inabutan siya nito ng panyo.
"Tama na iyan ha? Give me the keys," pakiusap nito.
Dinukot niya ang susi sa bulsa ng pantalon at iniabot iyon kay Geremy. Napangiti ito nang sa wakas ay mapasakamay din ang susi.
Kaaandar pa lang nila nang may tumawag kay Geremy. Base sa naintindihan niyang usapan ng mga ito may problema daw sa delivery ng mga supplies sa restaurant. Tumagal pa ang usapan. Sa tantiya niya ay nangangalahating oras na iyon.
Iritang-irita naman siya sa pakikinig. Mabagal tuloy ang usad nila dahil nahahati ang atensyon ni Geremy sa pag-aayos ng problema sa restaurant at sa pagmamaneho. Hindi siya nakatiis. Hinablot niya ang cellphone sa kamay nito at inihagis iyon sa likuran.
"Hey! Why did you do that?" Pinandilatan siya nito bago ibinalik ang mata sa kalsada.
"You're driving in case you forgot. Baka maaksidente tayo sa ginagawa mo," dipensa niya.
Inihinto nito ang kotse sa tabi.
"I'm talking to a client. Kabastusan ang ginawa mo." Pulang-pula ang mukha nito sa inis.
"Kung mas importante sa iyo iyong client mo, hayaan mong ako na lang ang magmaneho para maka-concentrate ka sa pakikipag-usap.
Siguradong safe pa tayo."
"That won't happen," mabilis na kontra nito.
"Kahit gaano kabagal o kabilis ang usad natin, it won't matter. Besides, nakikisakay ka lang dito kaya matuto kang makibagay sa pagmamaneho ko. Kung ayaw mo naman, you are free to get out of this car."
Napahalukipkip siya. Tiningnan niya ito ng masama. May punto naman ito. Bumaling na lang siya sa labas ng bintana at nag-isip.
"Sorry na. Inaalala ko lang naman ang kaligtasan natin."
"Don't you dare do that again." Pinaandar na nitong muli ang sasakyan.
"I need my phone now," maawtoridad na pahayag nito.
Aminado naman siyang mali ang ginawa niya. Umiral kasi ang pagka-isip bata niya. Nilingon niya ang binagsakan ng telepono.
Napahagis ito sa gawing dulo ng upuan sa likod. "Hindi ko abot eh..."
"Sa susunod huwag kang bastos. Ha?" pinandilatan pa siya nito.
"Opo," parang batang sagot niya. But deep inside her heart nagpupumiglas ang kagalakan dahil naisahan niya ito.
Ang guwapo pa rin ni Geremy kahit galit na galit na.
Halata namang nagpipigil ito ng emosyon para huwag sumambulat ang matinding galit sa pagmamaldita niya.
Vote 💓
Comments pls...
#MRH05
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
Roman d'amourPasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...