Gift

1K 19 2
                                    

FRITZIE 💖

Namasyal sina Fritzie at Geremy sa Burnham Park. Nag-boating at biking sila doon. Noong una, tahimik pa rin si Geremy noong nakasakay sila sa bangka. Nagse-senti pa rin at nag-e-emote sa nalaman. Pero noong nag-bibisikleta na sila, nabuhay na ang dugo nito. Nakipagkarera pa nga ito sa kanya.

Nang sa palagay niya ay game pa rin si Geremy sa pasyalan. Inaya niya ito sa Tam-awan Village. Minsan na siyang nakabisita doon. Tahimik ang lugar na iyon at napakalapit sa nature. Baka makatulong ito para gumaan ang damdamin nito.

Kahit kanina pa sila namamasyal, hindi naman ito nagku-kwento sa kanya. Syempre, interesado siya sa parteng iyon ng buhay ni Geremy. Hinding-hindi niya mapapalampas ang pagkakataong ito para mausisa.

Mabuti na lang at kabisado pa niya ang biyahe papuntang Pinsao Proper. May labinlimang minuto din nilang binagtas ang daan papunta sa village sakay ng taxi mula Burnham. Nagbayad sila ng entrance fee. Pinamamahalaan ito ng samahan ng mga artist sa Baguio. Inisa-isa nilang tingnan ang mga paintings na naka-display sa mga tradisyunal na kubo ng mga taga-cordillera. Nang magsawa sa mga painting, sinundan nila ang trailing paakyat sa bundok. Inakyat nila ang pinakamataas na parte saka nagpahinga sa isang bangko. Nakaharap sila sa maberdeng paligid at napaka-aliwalas ng simoy ng hangin.

"Sana nadala ko ang DSLR camera ko," nanghihinayang na sabi ni Geremy.

"Bakit? Wala naman sa plano mo ang pumunta dito sa Baguio. Sumunod ka nga lang sa akin di ba?" paalala niya sa binata. Maaliwalas na ang mukha nito.

"Oo nga pala. Utang na loob ko sa iyo kung bakit nakapamasyal ako dito." Tiningnan siya nito at ginulo ang naka-ponytail na buhok niya. "You naughty girl. Ang layo tuloy ng narating ko kahahabol sa kotse ko. Wala naman sa plano."

"Okay ka na ba?" Pagkakataon na niyang mag-interrogate. Iba na ang mood nito.

"Okay naman ako. Sino ba ang may sabing problemado ako?"

"Asus si Manong. Kunwari ka pa. Sambakol nga ang mukha mo kanina. Kung hindi pa kita inayang mamasyal baka nagpatihulog ka na sa bangin."

"Aray!" Sigaw niya. Piningot kasi ni Geremy ang ilong niya.

"Akala mo kung sino kang makapagsalita d'yan," binitiwan na nito ang ilong niya.

Hinimas niya ang nanakit na ilong. Natabingi yata sa diin ng pagkakapingot nito. "Pikon."

"Pilya ka talaga." Naiiling na sabi nito sabay dumekwatro at iginalaw-galaw ang paa sa ibabaw ng hita nito.

Umupo siya ng pa-indian sit sa ibabaw ng bangkong kawayan. "So naging syota mo nga siya?"

Nag-inat muna si Geremy bago sumagot. "Yes. She was my first girlfriend. Corny ba?"

"Sige ituloy mo. Gusto kong marinig ang love story n'yo," humalumbaba siya na nakaharap ang mukha kay Geremy.

"Tsismosa. Anyway, were college sweethearts. We were steady for about eight years."

"Wow eight years! Bakit hindi kayo nagkatuluyan?"

"Tinanggihan niya ang proposal ko. I was so ready then to have a family. Pero hindi pa raw siya handang iwan ang papagandang career niya noon sa advertising. Workaholic siya at determinadong abutin ang mga pangarap niya. She went away. Nangibang bansa siya," sinulyapan siya nito. "We lost communication. At kanina nakumpirma kong nag-asawa na nga siya. It's been five years na ang dumaan. May mga nakarating na balita sa akin na nag-asawa na nga siya pero hindi ako naniwala."

"Hinanap mo ba siya?" interesadong tanong niya.

"Oo. Sinundan ko pa nga siya noon sa Taiwan. But it didn't work out," napabuntong-hininga ito. "I just can't believe na igi-give up niya ang kanyang career just to settle here. And that guy he married, di hamak na mas magandang lalaki naman ako sa kanya."

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon