FRITZIE ❤
Nananghalian sina Fritzie at Geremy sa Don Henrico's pagkagaling sa simbahan. Gutom na gutom siya sa tagal ng pinag-usapan nila ni Father Bernabe.
"Mukhang sarap na sarap ka d'yan sa buffalo wings, bigyan mo naman ako," ani Geremy na nagmamasid sa paraan ng pagkain niya.
"Umorder ka na lang ng para sa iyo. Paborito ko ito. Saka ang laki pa ng pizza. Iyan na lang ang kainin mo. " Ininguso niya ang family size carbonara pizza sa mesa.
"Para kasing sarap na sarap ka d'yan sa manok. Natatakam tuloy ako." Napalunok pa ito na para ngang natatakam.
"Sige na nga, sa iyo na itong isa," inilagay niya sa pinggan ni Geremy ang isang piraso ng pakpak.
"Wow! Thank you!." Nilantakan na nito ang manok. "Ganoon pa rin naman ang lasa. Akala ko iba sa branch na ito kaya ganadong-ganado ka," ngumunguya pa ito.
"Masarap naman a! Ang taas talaga ng standards mo, por que may-ari ka ng restaurant. Bakit? Masarap ka bang magluto?" aniya sa pagitan ng paghiwa ng manok.
"Aba! Siyempre naman. Nagtayo pa ako ng restaurant kung hindi naman ako marunong sa kusina. Baka kapag natikman mo ang luto ko bigla mo na akong pikutin."
"Sobra talaga ang lamig dito sa Baguio." Umakto pang nilalamig siya. "Lalo pang lumalamig sa hangin na dala mo ano?"
Huwag kang magbiro ng ganyan baka pikutin nga kita.
"Ok. Dahil friends na tayo --"
"Talaga? Friends na tayo?" Parang di makapaniwala si Geremy sa sinabi niya.
"Oo naman. Itatala na kitang number 1001 friend ko."
"Bakit naman pang-isang libo pa? As in, ganoon karami ang friends mo?" amused na tanong nito.
"Friendly akong tao. Lahat ng makilala ko ay isinasama ko sa listahan ko."
"Seryoso ka? May listahan ka talaga?" namamangha pa rin ang binata.
"Oo nga. Promise, ipapakita ko sa iyo pagbalik natin sa Maynila." Kumaha siya ng isang slice ng pizza at inilagay sa pinggan niya.
"Okay." Sinang-ayunan na lang siya nito pero mukhang hindi pa rin kumbinsido sa listahang tinutukoy niya. Sino ba naman ang sira-ulong gagawa ng listahan ng mga kaibigan? Sa organizer o address book pwede iyon. Pero ang isang listahan, mahirap yatang gawin iyon?
Namapak muna ito ng onion rings bago isinatinig ang gustong sabihin. "Kailan ka pa nagsimulang gawin ang listahang iyan?"
"Nang umalis ang mommy ko, I felt so alone. Kahit pa naririyan sina Lola at Tita, pakiramdam ko, anytime ay iiwan din nila ako. Noong ten years old ako, nagpadala si Mommy ng diary. Makapal iyong notebook. Sabi niya doon ko daw isulat ang mga bagay na wala akong mapagsabihan. Kapag umuwi daw siya ay sabay naming babasahin." Napabuntong-hininga siya. Muling nanariwa ang tampo niya sa ina. "Pero tatlong taon na ang lumipas noon, wala pa rin siya. I stopped writing. Sabi ko wala naman akong mapapala dito." Kumagat muna siya ng pizza bago nagpatuloy.
"Kaya ang ginawa ko. Sa takot kong walang mapuntahan kung iiwan ako ni Tita, iyong natitirang page ng diary ang ginawa kong listahan."
"Ang tiyaga mo naman," ani Geremy habang hinihiwa ang manok.
"Iyong mga nauna kong isulat ay mga relatives at close friends ko. I think umabot lang siya ng fifty. Tapos naging habit ko na iyon, ang mag-collect ng friends kahit acquaintance sinusulat ko doon. Kung medyo kilala ko sila nilalagyan ko ng brief description."
"As in lahat ng kakilala mo naroroon?" manghang tanong nito.
"Oo! Mula sa playmates, classmates, team mates, org mates, teachers, janitors, at iba pa. Nandun silang lahat."
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
Storie d'amorePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...