FRITZIE ❤
Up to this moment, hindi pa rin makapaniwala si Fritzie sa proposal ni Geremy. Kahit sunod-sunod ang place ng calls sa kanyang area ay di siya nagmamadaling sagutin iyon. Wala sa listahan niya ngayon ang maka-meet ng quota. Para siyang high schooler na kilig na kilig sa kanyang crush.
"Hoy Fritzie! Kanina pa tumutunog yang unit mo," paalala ni Angel na kanyang katabi sa cubicle. "Pag di mo sinagot yan malilintikan ka na namam kay Ms. Panjee."
"Oo na. Eto na nga." Pipindutin na sana niya ang button nang biglang dumating ang immediate boss niya, si Ms. Panjee.
"To my office, now!" Nakangiting sabi nito pero front lang yon dahil siguradong masesermonan na naman siya.
Hindi na rin niya nasagot ang mga tawag. Tumayo na agad siya at sumunod kay Ms. Panjee. Mabigat ang loob na naglakad siya. Di pa nga lumilipas ang tatlong araw nang huli siyang ipatawag nito. Heto na naman at mukhang sasalang na naman siya sa hot seat.
Nakahalukipkip na naupo ito sa swivel chair. Naupo na rin siya sa silyang nasa harapan ng mesa nito.
Tinitigan siya nito sandali bago may inilabas na papel na mukhang galing sa HR. Inilagay nito iyon sa harap niya at pinabasa sa kanya. Iyon ang letter of suspension niya. Nalungkot naman siya sa nabasa.
"I told you to apologize on that customer. Hindi na sana aabot sa ganito." Halatang dismayado si Ms. Panjee.
Nagkaroon kasi siya ng dalawang magkasunod na case ng tardiness at customer complaint. Malulusutan naman niya sana iyon kung nakipag-ayos siya sa customer na nagreklamo kaso hindi niya nagawa yung apology letter dahil di niya matanggap na kasalanan niya ang sinasabi nitong pambabastos sa phone na ginawa niya. Pinoy pa naman ang nasabing caller. Basta na lang ito nagtaas ng boses nang di niya masagot ang tinatanong. Ipapasa niya dapat sa ibang department ang call nito pero nagsisigaw na at di pa niya napigilan ang sarili na mangatwiran.
"You'll be rendering a seven day suspension."
Wala na siyang naisagot kay Ms. Panjee kundi tango na lang.
"Alam mo Fritzie pag naulit pa ito, wala na akong magagawa kundi ipag-file ka ng resignation."
"I'm really sorry Ms. Panjee. For now, I'll serve this suspension and will try my very best to avoid situations like this."
"Do something about your tardiness."
"Okay Ma'am."
"Tomorrow will be the start of your suspension. You won't have a pay and definitely, this will affect your evaluation. Kaka-regular mo pa naman."
Pikit-matang tinaggap na lang niya iyon.
"Don't let your emotion overpower your mind. Walang mangyayari sa career mo. Remember, we are at a customer service industry. Hindi nababagay ang temper mo dito. If you can't do something about it then better switch a profession."
"I understand Ms. Panjee." Mapagpakumbabang tugon niya.
"Go."
She went out of her office with shattered thoughts and low self esteem. Iyong energy niya kanina sa proposal ni Geremy ay sumadsad sa lupa. Siguradong pag nalaman pa ni Geremy ang tungkol sa suspension niya ay lalo siyang kukulitin nito tungkol sa pagre-resign.
Ayaw niyang mag-resign. Gusto niya ang kanyang trabaho. Kundangan nga lang at may problema siya sa kanyang temper. Iyong pagiging tardy ay magagawan naman niya ng paraan.
Nanlalambot tuloy siyang bumalik sa kanyang pwesto.
"What happened?" Pasimpleng tanong ni Angel. Bawal kasing magkwentuhan pag oras ng trabaho. Si Angel ay ka-batch niyang natanggap sa call center na nakapalagayang-loob na rin.

BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...