Images

959 20 2
                                    

FRITZIE ❤

Isinama ni Fritzie si Sandra sa loob ng hotel. Pinagtitinginan nga sila ng staff. Mukhang kilala ng mga ito ang kasama niya.

Kumatok siya sa silid ni Geremy at naghintay na pagbuksan ng pinto. Iniwan niya muna si Sandra sa kanyang silid.

"May kailangan ka Fritzie?" Tanong kaagad nito nang pagbuksan siya.

"Pwede bang maki-nood ng TV? Sira iyong nasa kwarto ko eh."

"Sige, pasok ka." Pinatuloy siya nito. "Bahala ka na d'yan. Magsho-shower lang ako." Binuksan muna nito ang TV bago tumuloy sa banyo.

Pumwesto siya sa harapan ng TV, nagpalipat-lipat ng channel. Makaraan ang ilang minuto, nagpaalam na siya kay Geremy na nasa banyo pa rin.

Lumapit siya sa pintuan ng banyo at nakiramdam bago nagpaalam.

"Aalis na ako. Walang magandang palabas. Matagal ka pa ba d'yan?" Idinikit niya ang tainga sa pintuan at pinakinggan ang sagot. Lagaslas ng tubig mula sa shower ang kanyang narinig.

Mayamaya ay nawala ang tunog ng tubig bago naka-sagot si Geremy. "Medyo. Paki-sara na lang ng pinto," Sigaw pa nito.

Matagal kayang maligo si Geremy?

Nakarinig ulit siya ng lagaslas ng tubig, nagsho-shower na siguro ulit.

Total commando kaya maligo si Geremy o conservative?

Gusto niyang humagikhik sa naisip. Ano ba namang tanong iyan?

Syempre wala.

Siya kasi mula noong mapanood iyong mga video ng mga babaeng nakuhanan sa banyo nang di nila nalalaman ay natakot na siyang maligo ng naka-burlesk lalo na at hindi naman niya banyo iyon.

Pumasok siya sa loob ng closet sa room ni Geremy at doon ay nagtago. Iyon naman talaga ang pakay niya.

Ilang minuto rin siyang naghintay bago pa lumabas si Geremy ng banyo.

Muntik na siyang mahulog nang makitang nakatapi lang ito ng tuwalya. Pigil-pigil niya ang hininga pagkakita sa nagsusumigaw na 6 pack abs nito.

Greek god ba si Geremy?

Ang flawless ng skin. Mas makinis pa yata sa kanya.

Sa di maipaliwanag na dahilan ay nanginig ang kanyang tuhod. Dalangin lang niya na huwag mahulog sa pinagtataguan.

Pwede na itong itabi kina Piolo Pascual o Daniel Matsunaga. Ang sarap sigurong makulong sa matipuno nitong mga bisig. Nag-level up pa lalo ang paghanga niya sa lalaki.

Di niya maipaliwanag ang bilis ng tibok ng kanyang dibdib at ang nanlalamig na pawis sa kanyang kilikili.

Halatang inaantok na si Geremy. Naka-ilang beses itong humikab habang nagbibihis. Pikit na nga ito nang hablutin ang t-shirt sa kama.

Hindi nito napansin si Sandra na halos luwa na ang kaluluwa sa kasuotan na nakahiga sa kama kanina pa. Pinapasok niya ito bago nagtago sa loob ng closet.

"Hello handsome!" Bati ni Sandra.

Napaurong si Geremy. Namilog ang mga mata pagkakita kay Sandra. "Sino ka?"

Bumangon ang babae at paluhod na gumapang sa ibabaw ng kama palapit sa nakatayong si Geremy.

"Ako ang babae sa iyong panaginip. Paliligayahin kita ngayong gabi." Maharot nitong pagkakasabi habang hinaplos pa nito ang dibdib ni Geremy.

Nanindig ang balahibo niya sa pinagtataguan. Kadiri! Hindi naman kagandahan. Huwag mong lalamunin ang Geremy ko!

Napako si Geremy sa kinatatayuan. Natigil pa sa pagbibihis. Wari ay nag-iisip kung paano ba nakapasok ang babaeng iyon.

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon