FRITZIE ❤
Muling tiningnan ni Fritzie sa huling pagkakataon ang kanyang apartment. Walong buwan din siyang namalagi sa bahay na ito. Nagpasya na siyang bumalik sa bahay ni Marietta. Iyon ang pinaka-praktikal na gawin naisip niya dahil sa kanyang financial condition.
Matapos nilang mag-usap ni Marietta kanina ay nakumbinsi na nga siya. Tinawagan niya ang kanyang landlady at nagpaalam na aalis na rin sa araw na iyon. Di na siya nito pinagbayad ng renta dahil iyong advance ni Arnee ang pinagamit nito. Sandali lang siyang nakagpag-empake.
Konti lang naman ang gamit niya. Iyong mga furniture na naroon ay kay Arnee. Nag-usap rin sila nito kanina via Skype at sinabi nitong ipapakuha na lang ang mga gamit sa kapatid.
Ngayon ngang paalis na siya ay medyo nakakaramdam ng pagse-senti. Dalawang malaking travelling bag at isang back-pack lang ang iuuwi niya. Iyon naman kasing ibang gamit niya ay naroon pa rin kina Marietta.
Sinubukan niyang tawagan si Geremy sa restaurant pero wala namang sumasagot. Mag-aalas onse na ng gabi. Siguro naman ay tapos ng catering nito. Nakailang dial pa siya at wala pa ring sumasagot.
"Ate Fritzie, andito na yung taxi mo," tawag sa kanya ni Jopet na anak ng kapitbahay niya.
"Salamat Jopet," baling niya sa bata at umalis na ito. "Ate Siena, aalis na ako."
Dumungaw sa may bintana ng tindahan si Siena. "Talaga bang tuloy ka na?"
"Oo e. Pinababalik na ko ng Tita ko. Salamat sa tawag."
"Sige, mag-iingat ka. Dalaw ka rito paminsan-minsan," pahabol pa nito.
Lumabas siya ng gate at sumakay ng taxi. Mabilis lang ang naging biyahe niya. Naghihintay na si Marietta sa sala nang dumating siya.
"Welcome back," nakangiting bati nito.
"Hinintay mo talaga ako?" Naupo siya sa tabi nito.
"Oo naman."
"Si Tito?"
"Natutulog na. Pagod." pilyang ngiti nito.
"Pinagod mo naman e," ganting biro niya. "I'm happy for you Tita. Hindi na ba nagbago ang plano n'yong huwag na munang mag-honeymoon?"
"Hindi na. Sa susunod na buwan na lang iyong Italy trip namin. Doon na lang babawi. Siya nga pala, kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
"Sabi ko na nga ba. Nagpahanda ako ng dinner mo. Tara na sa kusina." Tumayo na ito.
"Ahmm. Tita, napansin mo ba si Geremy kanina?"
"Sorry, hindi ako lumalabas ng bahay. Wala ka nga palang phone. Tawagan mo na lang sa line natin. Hindi pa ba kayo nakakapag-usap?"
"Hindi pa e. May biglaang catering daw nang tumawag ako sa restaurant."
Inabot nito ang cellphone sa kanya. "Call him na. Mukha ka ng depressed."
Di na siya nagpatumpik-tumpik pa at kinuha na ang ino-offer na cellphone ng Tiyahin. "Salamat."
"Sumunod ka na sa kusina matapos niyong mag-usap." Umalis na ito.
Nag-dial naman agad siya ng number ni Geremy na naka-save sa phone ni Marietta. Naka-ilang dial pa siya bago nito sinagot ang phone.
"Geremy! Salamat naman at sumagot ka na."
"Fritzie?"
"Ako nga."
"Bakit number ni Marietta ang gamit mo?"
"Eh kasi --- basta nawawala ang phone ko." Medyo napapangiwi pa siya habang naghihintaykung masesermunan ba siya ng nobyo.
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...