FRITZIE❤
"Walang masamang nangyari kay Marietta," napatigil si Fritzie sa pagsubo ng pansit canton na inorder nila sa isang Chinese restaurant nang marinig niya ang tinuran ni Geremy.
"Pasensiya ka na kung nag-alala ka. Gusto ko lang patunayan kung may halaga rin sa iyo ang tita mo. Malaki na ang isinakripisyo niya para sa iyo. Kaya sana, huwag mo namang balewalain iyon."
Nawalan na siya ng gana. Kung totoo man ang sinabi ni Geremy sa kanya ay nagpapasalamat siya. Kanina, nang sabihin nito na naaksidente ang tiyahin ay labis siyang nag-alala.
Oo nga at madalas silang hindi magkasundo pero hindi naman niya kakayanin na pati ito ay mawala sa kanya. Kung tutuusin ito na lang ang nagmamalasakit sa kanya. Nagkataon lang na marami siyang hang-ups sa buhay kaya nahihirapan siyang magpakatino.
"Huwag ka na sanang magalit sa akin. Naisip ko iyon para sana makaganti sa mga istorbong nagawa mo sa akin. May contract signing ako kanina sa isang kliyente at kung hindi magsasara ang deal namin malaking pera ang mawawala sa restaurant. I'm really sorry," nagsusumamong sabi nito.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya kayang magalit dito. Siguro dahil ramdam niya ang sinseridad na paghingi nito ng paumanhin at ang genuine concern nito sa tita niya. Syempre dahil sa matagal na niyang crush ito kaya ayaw niyang magalit dito. Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat kung bakit nadamay pa si Geremy sa kanya.
"Kalimutan na lang natin iyon. Umuwi na tayo pagkatapos natin kumain." Matipid na sagot niya.
"Oo ba. Bago mag-hatinggabi nasa Maynila na tayo," nakangiting sabi ni Geremy na mukhang nakahinga ng maluwag matapos niyang balewalain ang ginawa nito.
Pagkaraan ng kalahating oras ay sumakay na silang muli ng kotse pabalik ng Maynila.
Sabay pa silang nagulat nang makarinig nang isang malakas na tunog. Kasunod noon ay ang biglaang paghinto ng sasakyan. Pareho silang bumaba para tingnan ang pinanggalingan ng tunog. Sa kasamaang palad, bumigay ang gulong sabay ang pagbulusok ng usok sa makina.
Napakamot si Geremy sa inabot ng Fortuner.
Mabuti na lang at may isang taxi driver na huminto sa kanila. Kinausap ito ni Geremy at sinabing may malapit na talyer na mapagdadalhan ng sasakyan nila.
Hindi na nag-atubili pa si Geremy at nagpahatid agad ito sa taxi driver para ipahila ang sasakyan. Naiwan siya para magbantay. Hindi na siya lumabas ng kotse at doon na lang naghintay.
Ilang saglit lang ay nakabalik na rin sina Geremy kasama na ang mekaniko at ang sasakyang hihila ng kotse nito. Lumabas na siya ng sasakyan.
"I didn't expect you to still be here. Akala ko iniwan mo na ako." Puna ni Geremy ng makita siya.
Napaisip naman siya sa tinuran nito. Bakit nga ba hindi pa siya umalis na lang kanina? Siguro dahil na rin sa pagod o baka naman concern siya sa kotse? Hindi, concern siya sa may-ari ng kotse.
Habang kinukumpuni ang sasakyan sa talyer ay dumaan sina Geremy at Fritzie sa isang palengke para mamili ng ilang personal na gamit at bihisang damit. Pinahiram siya nito ng pera nang mapansinng patingin-tingin lang siya. Naalala siguro nito kanina ang idinahilan niyang wala na siyang pera.
Sinabi ni Mang Tony, iyong mekaniko, na bukas pa nila maaring kunin ang sasakyan. Kaya napagkasunduan nilang mag-checkin na lang sa hotel. Binalikan nila ang Spring Hotel. Bayad na naman ang overnight stay niya doon. Kumuha si Geremy ng isa pang silid.
Katabi ng silid niya ang inokupa ni Geremy. Pang-isahang silid iyon pero maluwang. May sariling banyo pero walang aircon at may cable TV. Orange and yellow ang motif ng bed sheets at kurtina.
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...