Where Do I Go Now?

1.8K 28 0
                                        

FRITZIE ❤

Habang nag-iisip, nahagip ng mata ni Fritzie ang long time crush at kapitbahay niyang si Geremy na tumatakbo palabas ng kotse nitong

nakaparada sa harapan ng bahay ng mga ito. Close friend ito ng tita niya at labas masok rin sa bahay nila.

Hindi pa yata siya nagkaka-mens noon ay crush na niya ang lalaking

ito. Pero wa-epek ang beauty niya dahil kapatid lang ang turing nito sa kanya. But she don't mind it. Tutal crush lang naman. Pero matinding

crush ito dahil isang dekada na niya iyong kinikimkim. Wala naman siyang move na ginagawa para mapansin nito. Kuntento na siyang makita ito araw-araw. Hindi

rin naman niya balak kataluhin ang tita niya na sa pakiramdam niya ay may tama rin dito.

Sino ba naman ang hindi hahanga sa lalaking ito? Bukod sa taglay nitong kakisigan at appeal na di lang pang-masa ay napakabait pa nito sa kanya. Kung wala nga lang siyang malicious intent ay perfect na tawagin niya itong kuya.

Tamang-tama! Magpapahatid na lang siya kay Geremy! Siguradong pupunta ito sa restaurant. Along the way naman ang bahay ni Arnee kaya siguradong papayag ito.

Kailan ba naman siya nito tinanggihan? Lumapit siya sa nakaparadang kotse. Hihintayin niya ang pagbabalik ni Geremy.

Sobrang init ng panahon at tumatalab na sa balat niya ang sikat

ng araw. Kahit naka-jeans at gray sando na siya na suot pa kahapon ay tumatagos sa balat niya ang init sa paligid.

Napasandal siya sa pintuan ng kotse. May lagitik siyang narinig mula doon. Ibig sabihin ba nito'y naiwan ni Geremy na bukas ang pinto? Dinouble check niya ang door handle. Bukas nga! Kaya pumasok siya sa loob at naupo sa driver's seat para magpalamig. Binuksan din niya ang car stereo.

Bakit nga ba hindi?

Ayos na ayos!

Full tank ang gasolina!

Malayo-layo din ang mararating niya.

Napangiti siya sa bagong kalokohang naglalaro sa isip niya. Hihiramin lang naman niya. Patawarin nawa siya ni Geremy kapag nalaman nitong siya ang kumarnap sa Fortuner nito.

Ini-start niya ang makina. Kakabigin na lang niya ang manibela nang

lumitaw si Geremy sa harap ng sasakyan.

May sinasabi ito pero hindi niya maintindihan. Pinagkibitan lang

niya ito ng balikat. Mayamaya ay lumapit ito sa tabi niya at kinatok

ang bintana. Pinagbuksan naman niya ito.

"Buksan mo ang pintuan," utos nito sa kanya.

"Huwag kang humara sa daraanan ko!" Mataray na sabi niya.

"My dear Fritzie, wala akong oras para makipagbiruan sa iyo ngayon. May meeting pa ako kaya bumaba ka na ngayon din." Mahinahong sabi nito na parang kausap ng kuya ang bunso nitong kapatid.

"Hinihiram ko lang naman," katwiran niyang parang bata nang mahuli ni kuya na nangungupit ng pera.

Bahagyang tumaas ang boses nito. "Hiram? May nanghihiram bang ganyan. Nasaan ang sasakyan mo? Bakit di iyon ang gamitin mo? Nalingat lang ako sandali balak

mo ng itakas ang kotse ko."

"Alam mo na pala eh. Dak-dak ka pa rin ng dak-dak," pabulong na sabi niya.

"Open the door now!" Pinandilatan na siya nito. Kapag ganito na ang reaksyon ni Geremy ay naiinis na ito. "Or else I will call a police and report that you've stolen my car."

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon