FRITZIE ❤
"Bakit di mo papasukin si Geremy?" Ibinaba ni Arnee ang kurtina at nagbalik sa kusina. "Kumain ka na ba?"
Nahiga siya sa nag-iisang sofa sa munting apartment nito.
"Hayaan mo siyang mamuti d'yan at aalis din iyan. Nagugutom na nga ako. May pagkain ka ba?"
Kinuha na nito ang gamit na dadalhin sa ospital at naghanda sa pag-alis.
"Marami namang pagkain sa ref. Bahala ka na d'yan. May duty pa ako."
Sinundan pa niya nang tingin hanggang makaalis si Arnee. Siguradong makikita ito ni Geremy kapag lumabas ng gate.
Tinanaw niya sa bintana ang paglabas ni Arnee ng gate. Sandaling nag-usap ito at si Geremy bago ito naglakad patungo sa sakayan papuntang ospital.
Makaraan ang kalahating oras na pag-iikot niya sa apartment ay nakarinig siya ng sunod-sunod na busina ng kotse. Nag-iingay na si Geremy sa labas.
Iignorahin na sana niya iyon pero nanunuot sa kanyang tainga ang ingay ng busina. Kaya bago pa siya sugurin nito ay dinampot na niya ang kanyang bag at inis na naglakad pabalik sa kotse. Ini-lock niya muna ang pintuan bago tuluyang umalis.
Sa driver's seat na naka-upo si Geremy nang bumalik siya. May kausap ito sa cellphone habang patuloy sa pagpindot ng busina.
Binuksan niya ang pintuan at tinabihan ito sa harapan. Saka lang ito huminto ng pagbusina.
"Sino iyan? Si Tita ba iyan?" mataray na pag-uusisa niya.
Itinago na ni Geremy ang cellphone sa bulsa.
"Ano naman ngayon kung kausap ko si Marietta? Dati na naman kaming nagtatawagan," pa-sungit ding sagot nito.
"Iba ngayon. Kasama mo ako eh. Siguradong nagsumbong ka," walang pag-aalinlangang bintang niya.
"Para sa ikatatahimik ng kalooban mo si Grace iyon. Manager ko sa restaurant. Akina ang susi at sumibat ka na. Shoo!" Ikinumpas pa nito ang kamay na pinalalabas na siya.
"Doon na lang ako sa labasan sasakay. Pero umalis ka d'yan at ako ang magmamaneho." Salubong ang kilay nito nang tingnan niya.
"Ayoko ng ubusin ang oras sa pakikipagtalo sa iyo. But I'm warning you, kung iniisip mo na naman akong lokohin tigilan mo na iyan. Pagbibigyan kita sa gusto mo dahil naniniwala akong mayroon kang isang salita." Lumabas ito ng sasakyan.
Ipinagkibit-balikat lang niya ang sinabi nito. Lumipat ito sa pwesto niya at siya na ulit ang nasa manibela. Pinaandar na niya ang kotse.
"Ang sabi mo kanina hanggang dito lang tayo sa bahay ng kaibigan mo. Makikisakay ka lang di ba?" Ipinagdiinan pa nito ang makikisakay.
"You got what you asked for, so we better parted ways."
"Nagbago na ang isip ko. May kailangan akong puntahan. Bumaba ka na sa Edsa," walang kagatol-gatol na pahayag niya.
Napa-iling ito na parang naubusan na ng pasensiya.
"You tricked me again young lady!" di makapaniwalang pahayag nito. "Plano mo na talaga ito, hindi ba? Hindi na kita dapat binigyan ng chance."
May kinuha ito sa bulsa ng pantalon. "I'm going to call a police. If you won't leave now."
"Subukan mo lang at ibabangga ko itong kotse mo," banta niya. Nasa highway na sila noon.
"Now you're black mailing me. You're impossible. Don't you know that I have a client meeting today? You dragged me into this situation," namumula ito sa inis.
"Hindi naman kita pinilit na sumama. You can get out anytime you want. Ayoko ng kasamang talak ng talak," nang-aasar na wika niya.
"Ano kaya kung ibangga ko na lang itong kotse mo sa truck na kasalubong natin? Sa akin walang problema. Baka matuwa pa si Tita dahil forever na siyang makakalaya sa responsibilidad niya sa akin. Ikaw?" Tiningnan niya ito. "Kawawa ang mama mo." Kung nakakapatay ang tingin kanina pa siya walang hininga sa makamandag na titig na ipinukol nito sa kanya.
"Stop the car! Are you out of your mind?" sigaw nito.
"Sayang naman ang mga negosyo mo. Kawawa naman ang girlfriend mo. Hindi ka pa nakakapagparami ng lahi," walang patid na pang-aalaska niya.
Iginitna niya ang kotse. Parang handang-handa na siyang salubungin ang truck ng MMDA. Naaliw siya sa pinaghalong inis at nerbyos na nasasalamin niya sa mukha ni Geremy.
"Are you nuts?" Kaunti na lang ang pagitan nila sa truck.
"Stop the car Fritzie! Stop it!"
Inagaw nito ang manibela at ibinaling iyon pakanan para hindi sila sumalpok sa trak.
Pigil-pigil niya ang kanyang hininga sa mga sumunod na nangyari. Muntik na nga silang sumalpok sa trak. Sa totoo lang, natakot siya nang akalaing babangga nga sila. It was only meant for a joke. Naaliw siyang makita ang takot sa mga mata ni Geremy. Pero nang malapit na ang trak, naglaho ang tapang niya at na-mental block pa. Mabuti na lang at inagaw ni Geremy ang manibela. Naiiwas nito ang isang siguradong aksidente.
Inihinto niya ang kotse sa tabing kalsada. Kapwa humihingal sila sa makapigil-hiningang eksenang iyon.
"I got you there... Matatakutin ka pala," inalihan pa niya ng pang-aasar ito habang tumatawa.
Aliw na aliw siya sa blankong ekspresyon ng mukha nito.
Bigla nitong dinakma ang magkabila niyang balikat at niyugyog iyon.
"You're telling me that this is just a joke? Well, it's not funny. You're impossible!" Pabagsak na binitiwan siya nito.
Humampas ang likod niya sa sandalan ng upuan.
Kailangang hindi siya magpakita ng takot kay Geremy.
Bumawi siya. "I'm impossible?" nanghahamon na sabi niya. "I'm the queen of the most impossible people in this world.
Don't you know that? Kung di mo masakyan ang trip ko, mabuti pa ay umalis ka na."
"Talaga! Mahal ko ang buhay ko. Kung gusto mong magpakamatay huwag ka ng mandamay."
Dire-diretsong bumaba ito ng sasakyan at pabalibag na isinara ang pinto.
Sa wakas masosolo na niya ang sasakyan. Isosoli rin naman niya mamaya kung makakauwi siya.
Nagtagumpay siya sa pang-iinis sa binata.
"Sweet success!" Nadaanan niyang nakatayo si Geremy sa tabing-kalsada.
Habol ang tingin nito sa kanya. Galit na galit ang anyo nito.
"Sorry honey! Ang cute mo talaga. Lalo na pag galit," kinikilig pang sabi niya sa sarili. Itinodo niya ang volume ng car stereo.
______
#MRH03
Vote 💋❤
Comment pls..
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...