Deal

1.2K 17 3
                                    

FRITZIE ❤

"Andito na tayo," narinig ni Fritzie na anunsiyo ni Geremy matapos ang ilang oras na pagmamaneho. "Saan ba kita ibababa?"

Saan nga ba siya bababa? Magpapahatid na ba siya kina Tita Zeny? Kapag nagpunta na kaagad siya doon uuwi na si Geremy. Matatagalan pa bago niya ulit ito makita. Sigurado ring sasabihin nito sa Tita niya na nasa Baguio siya. Ngayon lang niya9 naisip na hindi siya dapat nagpahatid. Kailangang mailigaw niya ito. Babalik na lang siya ng Maynila kapag napa-alis na niya ito.

"Sa may Session Road na lang. Maghahanap muna ako ng matutuluyan."

"Session Road, so be it. Sabihin mo lang kung saang hotel ka magtse-checkin." Binagalan nito ang pagpapatakbo ng kotse nang naroon na sila sa kilalang kalsada sa Baguio.

Malapit na sila sa dulo ay wala pa rin siyang napipiling paghintuan. Nakakunot na ang noo ni Geremy. Halatang naiinip na sa pagpapahinto niya.

"Dulo na ito. Wala ka pa bang napipili?"

"Ha-- Ah eh... Pwede bang sa may sa iba tayo tumingin?" alanganing sagot niya.

Tinging may halong pagdududa ang ipinukol nito sa kanya. Mula Session Road ay kumaliwa ito at binaybay naman ang Harisson Road.

"Fritzie, binabalaan kita. Kung pinapaikot mo lang ako, ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa Maynila."

Nagpalinga-linga naman siya. Kunwari ay naghahanap nga ng matutuluyan. Mabagal pa rin ang pagpapatakbo nito.

Nasa dulo na sila ulit ng kalsada ay hindi pa rin niya ito pinapahinto.

"Ano? Iikot ba tayong muli sa Session Road?" nanunuyang sabi nito.

May naisip siyang gimik.

"Ang totoo niyan Geremy, wala kasi aking pang-deposito sa tutuluyan ko kaya nag-aalangan ako. Iyong taong katatagpuin ko ay hindi pa tumatawag kaya wala akong idea kung saan magpapalipas ng oras habang naghihintay sa tawag niya."

Salubong ang kilay nito, "Totoo ba iyang sinasabi mo?"

"Peksman! Swear!" Paboritong linya niya iyon tuwing may pabor siyang gustong hingin may kasama pa iyong pagtaas ng kanang kamay na parang nanunumpa.

"Iyan din ang linya mo kanina sa Maynila hanggang makarating na nga tayo dito pero sige pauutangin muna kita. Ako na ang magbabayad ng tutuluyan mo. Ilang araw ba ang plano mo na manatili dito?" Nagpapalinga-linga na rin ito sa paghahanap ng possibleng matuluyan niya.

"Overnight lang," sagot niya.

Ang unang hotel na nadaanan nila ang hinintuan nito. Spring Hotel ang pangalan na nakasulat sa sign board.

"Pwede ka na ba dito? Mukhang safe naman at maayos ang location."

"Ok na ako d'yan," kumbinsidong sagot niya.

"Bumaba ka na at magpapa-register tayo."

Pinatay nito ang makina at binuksan ang kalapit na pintuan. Napatingin muna ito sa gawi niya.

Napansin yata nito na hindi man lang siya natinag sa pagkaka-upo. "What are you waiting for?"

"Pwede bang ikaw na lang ang magpa-register. Baka may makakita sa atin dito mapagkamalan pa nilang boyfriend kita."

"Ano na namang palusot iyan?" Napakamot ito sa ulo.

"Please naman. Seloso kasi ang boyfriend ko. Taga-rito iyon at baka may makakita sa atin na magkasama ay isumbong pa ako."

"May boyfriend ka na?" tanong nito na parang hindi siya capable na magkanobyo.

"Kaya pala dito mo gustong pumunta. Alam ba iyan ni Marietta? Ba't di ko nakikitang nagpupunta sa inyo?" sunod-sunod na tanong nito.

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon