FRITZIE ❤
Ilang oras pa lang si resort si Fritzie ay nabo-bored na agad siya. Kanina pa siyang nakatambay doon sa room niya. Iniwan siya doon ni Geremy para asikasuhin ang vontest. Ka-share niya dapat si Cerah sa room pero di ito pumayag kaya solo flight siya.
Super kontra naman si Tita Ellaine na mag-share sila ng room ni Geremy kaya ang ending split muna sila. Ka-share naman ng BF niya iyong isang kasali rin sa competition.
Ayos na rin iyon. Naisip niyang madumi lang talaga siguro ang isip ni Tita Ellaine dahil nag-fast forward na ang thinking nito na may milagro silang gagawin.
Naman! E mas conservative pa nga si Geremy kaysa sa kanya! Sa loob ng anim na buwan nilang relasyon ay di ito nag- demand ng higit pa sa halik at cuddle. The last time they got intimate was doon pa sa apartment niya noong gabi nang mag-propose ito. And that was just last week...
Sinabi ni Geremy kanina nang ihatid siya nito sa kanyang room na tumawag lang siya anytime dahil magiging abala nga ito sa paghahanda para sa contest proper bukas. Sa pagkakaalam niya ay may opening ceremonies kaninang alas dos ng hapon kaya after nilang mag-lunch ay di na siya nakigulo sa mga ito at natulog na lang sa room.
Ewan ba niya pero di niya matagalan ang presence ni Tita Ellaine. Pakiramdam niya ay palagi siyang inuuri nito. Ibang-iba talaga ang ugali nito kaysa sa mommy ni Geremy.
Besides, naaalibadbaran rin kasi siya kina Cerah at Margaux na halatang-halata namang type ang boyfriend niya.
Pero wait lang. Di ba dapat na naroon nga siya kung nasaan si Geremy dahil sa mga malalanding iyon? Napabangon tuloy siya sa pagkakahiga sa kama.
Ala-sais na pala ng gabi nang sipatin niya ang oras doon sa desk clock na nasa dresser.
Super inat tuloy ang nagawa niya bago tumayo. Naisipan niyang buksan iyong paper bags ng mga pinamili niyang gamit. Hanggang sa maalalang di pa nga pala niya nasasabi kay Tita Marietta na narito siya ngayon sa Borawan kasama si Geremy.
Lagot na! Mag-freak-out na naman ang kanyang tita. Kaya bago pa tuluyang dumilim ay kailangan na niyang makausap o makapag-text man lang. Gamit niya ngayon ang lumang S5 ni Marietta. Pinahiram siya nito kahapon pati na rin ng sim at may pasa load pa. Bait talaga ng Tita niya.
Nag-compose siya ng message sa kanyang cellphone. Nang ise-send na niya ay failed ang status. Wala kasing signal. Naisip niya tuloy na uso pa pala sa Pilipinas ang area na walang signal. Sinubukan niyang i-send ulit. Pero failed pa rin. Ilang attempts ang ginawa niya hanggang sa mag-decide ng lumabas ng room at maghanap ng spot na may signal.
Kinuha niya ang kanyang wallet at susi ng silid saka bumanat ng pag-hunting sa precious signal.
Lumakad siya kung saan tangayin ng kanyang paa. Napagtanto niyang mahina talaga ang signal sa loob ng hotel kaya lumabas siya nang makakita ng pintuan doon sa may ground floor. Likod na pala iyon ng hotel. May garden na bumungad na may tanim na gulay. Sa bandang gitna ay may mga puno ng mangga.
Nakakita siya ng steel ladder na nakahimpil doon sa tapat ng puno ng mangga. Naisip niyang baka ginamit iyon para manguha ng bunga. May signal na doon sa garden pero mahina pa rin. Sinubukan niyang umakyat doon sa hagdan hanggang sa tuktok. Naupo pa siya sa itaas hanggang sa naging dalawa ang bars ng signal.
Tuwang-tuwa siya nang sa wakas ma-send din ang sms message.
Nang magawa ang misyon ay saka siya namrublema kung paano bababa ngayon.
Bigla namang nag-ring ang kanyang celphone dahil tumatawag ang Tita niya. Aba't nakalusot pa ang tawag nito!
"Hello Tita."

BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
Storie d'amorePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...