And That's Final..

187 14 1
                                        

FRITZIE ❤

Ang dapat na pag-shower at paghanda ng gamit ni Fritzie para makapunta sa restaurant ni Geremy ay di niya naharap matapos marinig ang pakiusap ni Marietta. Kaya heto at tulalang napasalampak na lang sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame. May 30 minutes na siguro siyang nakatitig doon.

Bongga talagang mag-declare ng balita itong tiyahin niya!

Siya? Gagawing sorrugate mother!

Bakit siya?

Kaya ba niyang magbutis para sa anak ng iba?

Handa ba ang puso at katawan niya para sa motherhood?

Ano ba namang iniisip ng Tita niya para ipaako sa kanya ang pagbubuntis nito? Bakit hindi na lang ito bumayad ng handang magbuntis sa anak ng iba?

Oo, naroon na at naaawa at gusto niya ring tulungan ang tiyahin. Pero hati ang puso niya tungkol sa bagay na iyon. Iyong sarili na nga lang niya ay di mapangalagaan, paano pa kaya kung magbuntis siya ng hindi naman niya anak.

Kung saka-sakali, ano kayang magiging reaksyon ni Geremy if ever na pumayag siya.

Ganunpaman, habang tumatagal ang pag-iisip niya. Mas lumalamang ang pagmamahal niya sa tiyahin. Lahat ng pag-aalaga at sakripisyon nito noon sa kanya ay parang trailer na nag-rewind sa kanyang alaala. Iyong mga pagod at puyat ni Marietta tuwing inaalagaan siya lalo na kapag siya ay nao-ospital. Sakitin kasi siya noon at may hika pa. Mabuti na lang at parang himala na nawala iyon nang magdalaga na. Iyong pag-priority nito sa kanya kaysa sa makipag-date o makapag-enjoy kasama ang mga kaibigan ay tinalikuran nito para may kasama siya sa bahay ay naisip niya rin.

Kaya nga siguro hindi rin agad ito nag-asawa ay dahil sa biglaang responsibilidad na napataw. Habang buhay niya iyong tatanawing malaking utang na loob.

Ngayon, na humihingi ito ng pabor, maano bang pagbigyan niya ang hinihiling para sa kaligayahan nito.

Motherhood, is every woman's dream. Meron nga lang ibang babae na di talaga suwerte sa pagkakaroon ng anak. Pero kung may ten 10% chance na pwedeng matupad iyon kay Marietta ay bakit ba niya pagkakaitan?

Napahilot tuloy siya sa noo. Alin ba ang papangibabawin niya? Ang pagiging makasarili o ang magbigay para sa pangalawang ina.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mag-ring ang kanyang cellphone na nasa bedside table. Inabot niya iyon saka sinagot.

"Hello Angel, napatawag ka?"

"Hi Fritzie. I heard what happened."

"Ang alin?" Bigla tuloy siyang napaupo.

"About your suspension."

"Iyon ba.... Akala ko kung ano na. Oo nga e. Pauwi ka na ba?"

"Oo."

"Next week pa ako babalik."

"May balak ka pang bumalik? Kung ako sa iyo magre-resign na ako."

"Bakit naman?"

"Baka kasi pag-initan ka pa ni Ma'am"

"Di naman siguro."

"Muntik ko ng malimutan. Tumawag nga pala ako kasi nakita na iyong wallet at cellphone mo."

Nabuhayan siya ng dugo. "Totoo? Saan nakita?"

"Sa basurahan iyong wallet at iyong phone may nagsoli dito. Naiwan mo daw sa canteen."

"Paanong nangyari na may nagsoli at may nagtapon? Magkasama naman ang dalawang iyon." Takang tanong niya. Never kasing naghiwalay ang wallet at phone niya.

My Rebel HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon