Unexpected

916 24 4
                                        

FRITZIE ❤

Mahigpit na yakap ang natanggap ni Fritzie sa Tita niya nang salubungin sila nito pagbalik.

"I'm sorry Fritzie. Huwag ka ng magtampo sa akin. Hindi na kita ipadadala sa mommy mo. Ayusin na natin ang mga bagay na hindi natin pinagkakasunduan. You know I care so much about you and I'm worried sa future mo. Please, huwag ka ng lumayas ulit." 

Ramdam niya ang pananabik ng Tita niya at ang sincerity nito. Nagsisisi naman siya sa pagbibigay ng sama ng loob sa mabait na tiyahin.

"I'm sorry too Tita. Hindi kita dapat pinag-alala," kumalas siya sa pagkakayakap nito. 

"We will talk. We will try to compromise," maluwang ang pagkakangiti nito.  

"Tita, I'm tired. Mamaya na lang tayo mag-usap," pakiusap niya. 

Naintindihan naman siya nito. "Okay. Maghahanda ako ng paborito mong lasagna." 

Kinuha niya ang backpack na inilapag sa sahig nang salubingin sila ni Marietta. Tinapunan niya ng tingin si Geremy na naiwang nakatayo sa may pintuan bago siya naglakad paakyat ng hagdan. Nahihiya siya sa binata sa mga pinaggagawa niya. Paano pa siya magugustuhan nito? Turn-off ang inasal niya.  

Narinig pa niya ang tinuran ng Tita niya kay Geremy tungkol sa premyo nito kapag naibalik siya nito. Ayaw na niyang marinig pa ang usapan ng dalawa. Masasaktan lang siya.  

Ipininid niya ang pintuan pagkapasok sa kanyang silid. Sa wakas, malaya na rin niyang mapapakawalan ang mga luhang kanina pa pinipigilan. 

Hindi man siya nagtagumpay na mapukaw ang pansin ni Geremy, nagising naman siya sa katotohanang dapat na niyang ayusin ang buhay niya. Sa muling pagkikita nila ni Father Bernabe, marami itong naipamulat sa kanya. Na-realize niyang sinayang niya ang buhay niya dahil sa bitterness. Ipinangako niya sa kanyang sarili na magbabago na. Patutunayan niyang kaya na  niyang tumayo sa sariling paa.... na kaya niyang magtagumpay.  

Sisimulan niya iyon sa pag-eenrol ng mga subjects na hindi niya naipasa para maka-graduate na.

Buong araw nagpabalik-balik si Fritzie sa registrar's office para makumpleto ang mga requirements niya sa summer school. Pasado alas-dyes na ng gabi nang siya ay makauwi sa bahay. Dumaan muna siya kina Arnee at nakipagkwentuhan. Ipinaalam nito ang nalalapit na pag-alis ng bansa para sa application nito sa Canada bilang nurse. Kumpirmasyon na lang sa ospital ang hinihintay. 

Nainggit siya kay Arnee. Kung nagpatuloy siya sa pagkuha ng nursing malamang ay magkasabay silang aalis. Hindi katulad niyang nangangarag para makapag-summer. 

Sa gate pa lang ng bahay nila ay tanaw na niya sina Geremy at Marietta sa terasa. Mukhang nagkaksayahan ang dalawa base sa malulutong na tawang narinig niya. Nitong nagdaang mga araw, napansin niyang dumadalas ang paglabas ng dalawa at ginagabi pa ng uwi. Wala na talaga siyang pag-asa kay Geremy. 

Kung tutuusin mas bagay naman sina Geremy at Marietta. Hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito. Kapwa successful sa kani-kanilang negosyo. Parehong nasa marrying age na at matagal ng magkaibigan. Kumbaga, taglay nila ang mahuhusay na sangkap para sa isang masarap ng putahe kung pagsasama-samahin ang mga katangiang iyon. 

Nakayukong naglakad si Fritzie hanggang sa madaanan ang dalawa. Tahimik niyang inusal na hindi  na sana siya pansinin ng mga ito. Pero tinawag siya ng tita niya kung hindi nagsalita ang tita niya. 

"Fritzie, kumusta ang enrollment?" 

Huminto siya. "Okay naman. Natapos ko ngayong araw. Simula na sa Lunes ang klase ko." 

Ngumiti ito. Mukhang nasiyahan sa ibinalita niya. "Mabuti naman kung ganoon. Magpahain ka na lang kay Esther. Nagluto ako kanina. Dito nag-dinner si Geremy." 

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon