Shocked

911 22 1
                                    

FRITZIE ❤

Mabilis na lumipas ang summer classes ni Fritzie. Dahil nagpakatino at sineryoso naman niya ang pag-aaral ay pumasa naman lahat ng subjects niya. Masayang-masaya siya habang tinitingnan ang class cards na tangan dahil puro 1.25 ang grades na nakasulat doon. Kaya naman niyang makakuha ng matataas na marka kung gugustuhin lang niya noon pa. Sa wakas makaka-graduate na rin siya ngayong Oktubre.

"Fritzie!" Narinig niyang tawag sa kanya. Nasa canteen siya at mag-isang nagme-merienda. Si Emilie ang tumawag sa kanya. Kaklase niya ito sa summer class. Naki-upo ito sa mesa niya.

"Gimmick naman tayo mamayang gabi. Pasado ba lahat ng subjects mo?"

"Syempre naman," aniya habang itinatago ang mga cards sa bag niya.

"That means we have to celebrate! Because we all passed. Ano sama ka?" excited na sabi nito.

Considering na mga good girls naman ang tropang ito na paminsan-minsan ay nasasamahan niya, hindi naman siguro masamang mag-celebrate. Since summer class started she never had a time to go out.

"Sure. Saan ba ang meeting place natin?" She sipped her mango juice.

"Good! We'll text you later. Sabihan ko muna sina Lora at Katie na pumayag ka."

Emilie is a planner. Naging motto na yata nito ang mag-setup ng mga gimmicks ng barkada. Dapat siguro mag-shift na ng career itong si Emilie at maging events planner na lang in the future. Sigurado siyang walang urungan ang lakad nila tonight. She had the perfect outfit in mind. This could also be the night to start searching for his perfect guy.

Dapat mag-move on na siya sa pagtatangi kay Geremy. Mula ng i-treat siya nito noong kaarawan nito ay na-lost na naman ang signal nito sa buhay niya. She haven't seen him for quite sometime. Nahihiya naman siyang magtanong sa tita niya kung bakit hindi yata ito nagagawi sa bahay nila nitong mga nagdaang linggo.

Sa Gypsy Bar sa Ortigas ang tagpuan nina Fritzie, Emilie, Lora at Katie.

There she was, standing in front of the said bar for almost 30 minutes wearing a black micro-mini skirt and a D & G tank top. Sa unang pagkakataon ay nauna siya sa meeting place ng grupo. She was always the last one to arrive. Pa-importante effect kumbaga.

At long last, dumating din ang mga hitad. Dress to kill ang mga bruha. Hitsurang mga rarampa sa runway. "Bakit di ka pa pumasok sa loob?" bati ni Emilie sa kanya sabay beso.

"I'm waiting for you guys. Hindi pa kasi ako nakakapasok sa bar na ito."

"Let's go," sabi ni Lora na nanguna na sa pagpasok.

In-abrisietehan siya ni Emilie papasok sa Gypsy.

"Ni-refer ito ni Domique. Sabi niya cute daw ang bartender dito," sabi ni Katie na palinga-linga na parang may hinahanap.

"Doon tayo malapit sa wine bar. Bakante iyong mesa at maganda ang anggulo doon sa cute bar tender na sinasabi nitong si Katie," ani Lora.

May pagka-eccentric ang ambiance ng bar since Gypsy ang pangalan nito. It is like a witchcraft store. Each table has a scented candle on top with a wiccan doll beside it. Each wall has a framed incantation written on it. Service crews wore an all black shirt and pants with a scarf and a red choker necklace. The music played was good. It was a mixture of pop, R&B and metal.

The four of them danced all night. Kaya ang ending, lasing na naman si Fritzie pag-uwi niya. Inihatid siya nina Emilie sa bahay nila. Hilong-talilong na naman ang ulo niya. Pinagpalitan ba naman niyang inumin ang vodka, beer at Baileys.

Nakatalungko siya sa harapan ng gate. Kinalampag ni Emilie ang pintuan dahil hindi raw gumagana ang door bell nila. She misplaced her key. Sa sobrang hilo niya, ipinaubaya na niya kina Katie ang panggigising sa tita niya. Sermon na naman tiyak ang aabutin niya. Alas tres na ng umaga ay nambubulabog pa sila.

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon