Rebel No More?

1.5K 27 6
                                        

FRITZIE ❤

Dalawang linggo ng naka-alis si Arnee patungong Canada. Mahigit dalawang linggo na rin siyang nakalipat sa apartment nito. Bago ito umalis, itinuro muna nito sa kanya ang mga dapat gawin sa buong kabahayan pati na rin ang background ng mga kapitbahay niya ay nasabi nito.

So far, nag-eenjoy naman siya sa kanyang new found freedom pati na rin sa bagong trabaho niya sa call center.

Kadarating lang niya galing opisina. Nakataas ang paa niya habang nagpapahinga sa mahabang sofa sa sala. Iniwan ni Arnee ang mga kagamitan nito at ipinagamit muna sa kanya. Tanging damit at ang paborito niyang unan lang ang dinala niya sa kanyang paglipat. Suki na rin siya ng LRT at jeep ngayon dahil iniwan niya ang kanyang kotse. Wala kasing garahe sa bahay na ito.

Gutom na siya. Hindi siya nakadaan ng grocery kanina dahil biglang umulan. Siguradong noodles at crackers na naman ang hapunan niya. Ganito pala ang buhay na maging independent. Mahirap pero masaya. Sa katulad niyang sanay na may katulong na nag-aasikaso ng gamit ay napakalaking adjustment.

Mabuti na lang at mayroong malapit na laundry shop. Doon siya nagpapalaba at nagpapa-plantsa. Kailangan niyang magtipid. Kung noon ay wala siyang pakundangan sa paggastos, ngayon super tipid naman siya. Nalaman niyang mahirap palang kitain ang pera. Pinahahalagahan na niya ngayon bawat sentimong inilalabas niya. Sooner or later ay kailangan niyang ma-master ang paglalaba at pag-plantsa. Higit sa lahat ang pagluluto para mas makatipid.

Iniwan niyang nakabukas ang TV nang magtungo sa kusina para magpakulo ng tubig para sa noodles. May narinig siyang katok sa pintuan.

Sino naman kaya ito? Alas-nueve na ayon sa wall clock nang tingnan niya. Wala naman siyang expected guest dahil wala pa namang nakakaalam sa mga kaibigan niya na lumipat na siya.

Pinihit niya ang door knob pero iniwan niya ang chain lock kaya kaunti lang ang naging bukas ng pinto. Mahirap na, baka kung sino iyon. Nag-iisa pa naman siya. Wala siyang nakita nang silipin kung sino ang dumating. Isasara na lang niya ito nang may magsalitang bata. Kaya pala di niya ito makita dahil lampasan ang tingin niya.

"Ate Fritzie, good evening po." Si Chichi ito, iyong eight years old na anak ng kapitbahay niyang si Mary.

"Gabi na. Bakit andito ka pa sa labas? May kailangan ka ba?" Tuluyan na niyang binuksan ang pintuan.

May iniabot itong isang long stem na red rose galing sa likod nito. "May nagpapabigay po."

Nagulat siya nang makita ang bulaklak. Sa tingin pa lang ay alam na niyang mamahalin ang klase nito. "Kanino galing iyan?" Inabot niya ang bulaklak. Mukhang nangangawit na ang bata.

"Ayaw pong ipasabi," natatawa itong parang kinikilig. "Sige Ate Fritzie aalis na ako." Nag-bye bye sign pa ito.

Isinara niya ang pintuan. Nagtataka naman siya kung sino ang nagpabigay nito. May secret admirer na ba siya sa bago niyang apartment?

Nagtataka man ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Iyon siguro ang hatid ng mga bulaklak lalo na sa tulad niyang nalulungkot. Hinango niya ang kumukulong tubig at ibinuhos sa cup noodle. Nakarinig na naman siya ng mga katok. Sino naman kaya ito ngayon?

Si Chichi ulit ang naroroon nang buksan niya ang pintuan. Sa pagkakataong ito may dala naman itong tatlong malalaking Cadbury chocolate bars.

"Sa akin ulit iyan?" Namamanghang tanong niya.

Tinanguan siya ng bata at tumalilis muli. Hindi na nga niya naitanong kung sino ang nagpabigay.

Kakaiba ang style ng herodes na ito. Galante! Nakaka-intriga.

My Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon