FRITZIE ❤
No wonder na manalo si Geremy sa first round ng competition dahil sa kakaibang putahe na niluto nito. Nagustuhan ng ilang piling audience na nakatikim at judges ang butternut squash ravioli para sa appetizer, balsamic glazed lamb chops sa main course at honey yogurt panna cota for dessert.
Hindi man niya natikman ay ayos lang kay Fritzie basta nanalo naman ang kanyang Geremy. Di maipinta ang kanyang mukha dahil sa lungkot sa pagkabigong magawa iyong banner. Sayang talaga! Maganda sanang naiwagayway niya iyon nang iaanunsiyo ang pagkapanalo ng boyfriend niya.
Lumabas muna siya sa venue ng contest proper. Nakita niya kasi si Tita Ellaine at ang buntot nitong si Margaux. Kinikilabutan siya tuwing makikita o magagawi man lang ang kanyang mata sa isa sa kanila. Paano nagagawa ng mga ito na magplano ng masama sa kanilang kapwa? Paano nagagawa ni Tita Ellaine na pag-isipan na paghiwalayin silang dalawa?
Ano bang problema nito sa kanya? Feeling niya ay may malaki siyang kasalanan sa ginang na kung tutuusin ay di naman ito nanay ni Geremy. Tita lang siya. Pero kung makaasta sa buhay ng binata ay parang ito ang nagluwal kay Geremy. Kung siya siguro ang batang Fritzie ay sinugod na niya ito. Pero iba na ngayon, kahit konti nag-mature na siya at ayaw niyang mabahiran ng away ang pagitan nila ni Tita Ellaine. Unless ito na talaga ang lantarang magsabi sa harap niya na ayaw nito sa kanya.
Abala ang lahat kaya umalis na siya ng tahimik. Lalo pa at busy si Geremy sa pagtanggap sa mga pagbati ng iba't-ibang taong naroon sa taping ay di na siya nakipagsisikan para sana bumati.
Mayamaya na lang.. Kapag may oras na ito sa kanya.
Kanina niya lang nalaman na marami palang kasama si Geremy sa patimpalak. Nauna na pala sina Rachel, Chit , Dave at Shyla noong isang araw pa para ihanda ang mga gagamiting ingredients ni Chef Geremy. Sina Rachel at Chit ay mga staff ni Geremy sa restaurant. Kilala rin niya ang mga ito pero di naman sila close. Sina Dave at Shyla naman ay in-assign ng program para i-monitor ang activities ni Geremy sa buong competion. Isa palang reality program itong contest na ang mananalo ay representative ng bansa sa Singapore para sa asian division ng program.
Na-overwhelm siya sa sobrang laki ng patimpalak. Iyong prestige at premyong makukuha saka-sakali ni Geremy ay mag-aangat sa katayuan nito sa restaurant industry.
Ang akala niya ay barya-baryang contest lang. Iyong ibang kasali raw ay nakapag-taping na. Sa finals ay maghaharap-harap ang lahat ng nanalo sa elimination round. Mga kilalang chef at restaurateur ang mga judges. Sa Maynila na gaganapin ang finals.
Natagpuan niya ang katahimikang hinahanap doon sa likod ng hotel. Sa garden na aksidenteng nadiskubre sa kakaikot niya kahapon. Sa kaparehong bench siya naupo. Mag-aalas dos na ng hapon pero dahil makulimlim ay di gaanong masakit sa balat ang pagtambay roon. Kumakalam na ang tiyan niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom. Kanina ay hindi niya alintana dahil puro pagkain ang nakikita niya.
Naalala niyang bigla ang patimpalak. Di mababayaran ang mga ngiti ni Geremy nang iproklamang ito ang nanalo sa round. Talented naman talaga at napakasarap pang magluto ng boyfriend niya. Pagdating sa propesyon nito ay malayo na talaga ang kanyang narating.
Kumpara sa kanya na halos walang patunguhan ang career. Mabuti na nga lang at naka-graduate siya. Pero iyong trabaho naman niyang napasukan ay wala yatang maidudulot na magandang kontribusyon sa karera niya.
Na-realized niya tuloy na wala talaga siyang panama kay Geremy. Kaya siguro ayaw ni Tita Ellaine sa kanya. Ano pa kaya ang mama nito!
Sa lalim ng buntong-hiningang pinakawalan ay pwedeng mabutas iyong lupa na tinamaan niyon.
"Di ka yata masaya sa pagkapanalo ko?" Si Geremy. Nakatayo ito mga isang metro ang layo sa kanya. Nakasuot pa rin ito ng chef uniform bitbit ang toque.

BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
Roman d'amourPasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...