Fritzie
Tuluyan ng bumuhos ang ulan. Hinila si Fritzie ni Geremy doon sa lanai. Pareho na silang nabasa.
Mabilis niyang inilayo ang sarili nang madikit sa katawan ni Geremy dahil sa paghila nito. Tatakbo pa sana siya pero nahuli kaagad ang dalawang braso niya.
"Please Fritzie... Let's talk. It's been 3 months---"
"Tatlong buwan na nga ang dumaan. Ngayon ka lang humarap sa akin!" Punong-puno ng pait ang mga salitang nailabas.
"I tried calling you. But you changed your number. Even si Marietta ay kasabwat mo. Ayaw din niyang magbigay ng impormasyon tungkol sa iyo."
Would that mean that si Tita Marietta rin ang nagsabi kay Geremy kung nasaan siya?
Naman talaga! Mas loyal pa ba si Tita sa best friend nito?
"Bakit? Mababago pa ba ang nangyari na kung malaman mo kung nasaan ako?"
Nag-igting ang panga ni Geremy. Tumalikod sa kanya sabay harap sa pader na malapit. Ang kanang kamay nitong pumipigil sa kanya kanina, ano't isinuntok doon bigla? Nagulantang si Fritzie sa inasal nito. Kita niya ang pagtulo ng dugo sa kanang kamay nito ngunit parang balewala kay Geremy iyon. Titig na titig pa ito sa kanya habang nakabitin sa ere ang kamay nito.
"Iyong ka-kamay mo..." Nanlaki ang mata niya sa mga dugong nakita na tumulo roon.
"Hinanap kita... Ipinahanap kita sa buong isla. Bigla mo na lang akong nilayasan. Ang lupit mo Fritzie. Alam mo ba kung paano mabaliw sa pag-a-alala? Alam mo ba kung ano ang pakiramdam na wala kang makuhang matinong sagot sa mga naghahanap? Binulabog mo ang buong isla kung di mo alam. Bigla ka na lang umalis. May taong nag-aalala sa iyo at naghihintay ng pagbati para sa panalo ko. Tapos ano?" Bumuntong-hininga ito na para bang doon ibinunton ang lahat ng frustration.
"Alam mo ba ang pakiramdam ko pagkatapos ng araw na iyon? I felt so lost. I felt very scared. Akala ko may masamang nangyari sa iyo...."
Seeing him so weak and pouring his heart out somehow shook her mighty pride.
"Tapos nalaman ko kinabukasan na umalis ka nga at may kasamang ibang lalaki." His voice felt defeated. When he looked into her eye, it seemed that there's nothing left for him.
That moment, she decided to stand for herself. "Kinailangan kong umalis agad-agad." Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Malinaw sa kanyang imahe ang nasaksihan at narinig nang araw na nakita niyang magkausap sina Geremy at Margaux.
"Bakit nga? Sagutin mo na ako ngayon!" Ihahampas na naman sana nito ang kamao sa pader pero pinigilan niya nang iharang ang sarili sa tatamaan sana nito.
"Sabihin na nating nabaliw ka sa kakahanap sa akin. Ayos lang iyon. Dapat lang sa iyo iyon dahil wala kang k'wenta." Nagsukatan pa sila ng tingin pero di siya nagpadaig. "Akala ko ako ang mahal mo... Iyon naman pala may iba kang babae at nabuntis mo pa nga. Tapos ngayon umaarte ka ng ganyan sa harap ko habang iyong asawa mo e nagpapakahirap mag-asikaso doon sa event ninyo."
Mas lalong nangunot ang noo ni Geremy. "Ano bang pinagsasasabi mo? Sinong asawa?"
"Huwag ka ng tumanggi. Alam ko naman ang lahat, Chef Geremy. Umalis ka na at balikan mo si Margaux." Pakiramdam ni Fritzie ay sumusulak ang kanyang dugo sa sobrang galit.
"Bakit ko babalikan si Margaux? Ipaliwanag mo nga. Totoo namang dapat nga niyang ayusin ang event namin dahil sila ang organizer. I don' see anything wrong with that."
"Alam mo, galit ako sa mga lalaking nakabuntis tapos iniiwan ang babae. Pero mas galit ako sa lalaking nakabuntis na nga, nagmamaang-maangan pa! Get lost... Please." She tried to move away from him. But he pinned her on the wall.
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...