Part 38

391 10 2
                                    

Lumakad na si Andi palayo sa lugar na yun. Naiwan naman ang T5 at iba pang darkside member.

" Bro, sorry. Di na namin napigilan si Villas. " Gray

Tinapik naman ni Blu sa balikat si Gray at naupo sa upuan na inupuan nila ni Andi. Yumuko siya at sa di inaasahan ay bigla niya itinulak ang lamesa.

" Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Alam kong magagalit siya pag malaman niya ang totoo, ngayon may posibilidad pang makuha siya ng g*g*ng Villas na yun." Blu at napaluhod habang naiyak.

" Bro, tama na. Di mo naman ginusto yun, ayaw mo lang siyang masaktan at gusto mo lang siyang maprotektahan." Green

Biglang lumapit si Jacob, Marco at Jaydee.

" Dude, ano ba ang importante sayo? Ang galit ni Andi o ang kaligtasan niya? " Jacob

Biglang natauhan si Blu sa mga sinabi ni Jacob at nakapag-isip siya ng maayos.

" Ang kaligtasan niya dude. " walang alinlangang sagot ni Blu

" Nagbalik ka na sa pagkatao mo Blu, tama na yan at bantayan na natin si Andi. Di maganda ang tumatakbo sa isip niya ngayon." Jacob

" Huh? Bakit? Ano ang gagawin niya ngayon? " Blu na nag-aalala.

" She's trying to look to your mother." Jaydeen

" She wanted a revenge. " Marco

Bigla naman namilog ang mata niya at tumakbo papunta sa kotse.

" Blu where are you going? " Cyan

" We have to find her, she's in danger. If my mom caught her, she won't hesitate to kill her. " Blu at nagmadali ng makasakay ng kotse.

" Wait Blu, alam mo ba kung san siya pupunta? " Jacob

" I know and i have to hurry." Blu

" Sama kami bro. " Red

At nagsunuran na silang lahat.

Andi's pov

Nagpapatakbo ako kotse ng di ko alam kung san ang destinasyon ko. Nakarating ako sa darkside house, pumasok ako dun at dumeretso sa aming equipment garage kung saan nakatago lahat ang aming armas sa pakikipaglaban. Kumuha siya ng armas na para sa kanya ay tamang tama lamang. Naglagay din siya ng isang maliit na baril sa likod ng bewang. Pagkakuha niya ng armas niya ay umalis na siya dun at nagpunta sa lugar kung saan matatagpuan ang taong pumatay sa ama niya. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na siya dun. Lumabas siya ng sasakyan at inihanda ang sarili ng may tumapik humila sa kanya papunta sa gilid kung saan walang makakakita sa kanila.

" Ands wag kang magpadalus dalos. Baka ikapahamak mo to, di pa natin napapag aralan ang sitwasyon. Please Ands wag ka ng tumuloy." Rain

" Pabayaan niyo ko, kung mamatay man ako sa gagawin ko wala na kayong pakialam ang importante maiganti ko ang magulang ko sa ginawa ng babaeng yun." Andi at tinabig na niya si Rain.

Nagmadaling umalis si Andi at pumasok sa bakod.

Samantala siya namang dating nila Blu at nakita siya ng mga ito.

" Where she is? " Blu

" Pumasok na sa loob, ayaw talaga niya papigil." Rain.

Mabilis na kumilos si Blu dahil alam niyang may panganib na naghihintay kay Andi. Maingat na pumasok si Blu sa loob ng bahay, mabilis niyang sinuyod ng tingin ang bakuran ngunit wala si Andi doon. Pumasok siya sa loob ng bahay at dumeretso sa office ng mama niya. Nakita niya agad si Andi na nakatutok ang baril sa kanyang ina at ang mama niya ay ganun din kay Andi. Di siya agad nakakilos dahil ang taong mahalaga sa kanya ay kapwa magpapatayan. Sino ang ililigtas niya?

" Ikaw pala ang taong pumatay kay papa. " Andi na galit na galit sa kaharap.

" Yes my dear. Glad for that. " mama ni Blu

" Ano ang kasalanan ng papa ko at ginawa mo sa kanya yun? " Andi

" Malaki. Malaki ang kasalanan niya kaya dapat lang yun sa kanya, kulang pa dahil buhay pa pala ang tagapagmana ng Baek. Pero wag kang mag-alala dahil susunod ka na sa kanila. Ha ha ha! " Andi

Ipuputok na sana ng mama ni Blu ang baril ngunit humarang siya.

" Ma wag! " Blu

" Anak! Ano ang ginagawa mo dito? Umalis ka diyan." mama

" Hindi ma. Ma tama na, wag ang babaeng mahal ko. Ma, wag mo naman siya idamay alang alang sa akin. " pakiusap ni Blu sa ina.

" Baliw ka na ba? Madaming babae diyan at kahit ilan kayang kaya mong kumuha kaya tumabi ka diyan, ito na ang pinakahihintay ko ang makitang isang malamig na bangkay ang huling angkan ni Baek Sung Jo." mama ni Blu

Inagaw ni Blu ang baril kay Andi at hinawakan ito sa kamay ng mahigpit. Iniharang ni Blu ang sarili kay Andi para di maputukan.

" Ma, di ako makapapayag sa gusto niyong mangyari. Kung igigiit niyo ang gusto niyo, sige gawin niyo pero mauuna akong mamatay bago mo pangmagawa ang plano mo sa babaeng mahal ko." Blu na nangingilid ang luha  habang itinutok ang baril sa kanyang sintido.

" Nahihibang ka na ba? Itataya mo ang buhay mo diyan sa babaeng yan?! Ano ba ang pinakain sayo ng babaeng yan at nagkakaganyan ka? At ikaw na babae ka! Masama kang impluwensiya sa anak ko dahil sayo kinakalaban na ako ng sarili kong anak! " mama ni Blu.

" Ma! Seryoso ako! Wag mong gagalawin ni dulo ng buhok ng babaeng nasa harapan niyo kung ayaw niyong mawalan ng isang anak. " Blu  at ibinaba na ang baril.

Ibinaba naman ng kanyang ina ang baril at tumalikod.

" Wag mong iisiping pumapayag na ako, darating ang panahon na maipaghihiwalay ko kayo at ang  panahon na yun ay malapit na." humarap siya kina Blu " Sisiguraduhin kong di man kita mapatay, masasaktan kayong dalawa sa mangyayari." banta ng mama ni Blu

Lumakad pabalik sa upuan, si Blu naman ay agad na lumabas kasama si Andi at nagderetso sa sasakyan ni Andi. Pinasakay niya ito at siya na rin nagmaneho. Kasalukuyan silang nasa biyahe ng lingunin ni Blu si Andi.

" Galit ka pa rin ba sa akin? " Blu

Hindi kumibo si Andi bagkus ay nagcross arm at bumaling sa bintana. Bumuntong hininga na lang si Blu at nagdrive, inihatid niya muna si Andi sa bahay ni Rain para may makasama ito.

The Unknown Heiress and The Hunter (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon