Part 48

424 12 1
                                    

Tumayo si Blu para malapitan si Tita Sonia...

" Siya ba tita? " Blu

" Yes. I know that this is not the right time because your so worried for Andi but he really want to talk to you. " Sonia

" I understand tita. " Blu at bumaling sa lalaking nasa malapit lang kay tita Sonia. " Dun po tayo sa cafeteria mag-usap. Tita sabihan niyo agad ako pagnagkamalay na siya. " Blu

" Yes Blu. " Tita Sonia

Lumakad na palabas si Blu kasunod ang lalaking kasama ng mama ni Andi. Nakarating na sila sa cafeteria at pumuwesto sa loob kung saan makakapag-usap sila ng maayos.

" Mukhang alam ko na po ang pakay niyo, papa? " panimula ni Blu, kilala na kasi niya ito dahil ipinakita ni Andi sa kanya ang litrato ng kanyang tunay na ama.

" Paano mo nalaman? " takang tanong ng lalaki.

" Matagal na po, mula ng nagbalik si Andi at magkita kami. Pasensya na po kung di ako agad nagpakita sa inyo dahil ayokong madamay pa kayo sa gulo ng naging buhay namin. " Blu

" Wala ka dapat ipagpasensya anak, dahil higit sa lahat ako dapat ang umayos ng buhay mo pero sadyang malupit ang taong kumuha sayo. Sa kabila ng paghahanap ko sayo at ng matagpuan kita madalas na kitang tinatanaw sa malayo." Gabriel

" Matagal niyo na pong alam? Bakit di niyo ako kinuha noong natagpuan niyo na ako?" Blu

" Sorry anak, kasi natakot ako sa pagbabanta ng kinagisnan mong ina. Mga panahong pati yun walang wala ako kaya di kita mabawi sa kanya dahil humihingi siya ng kapalit. Kaya tumigil na muna akong magsubaybay sayo, pinili kong magtrabaho para makaipon at mabawi ka sa kanya. Pinalad akong makapag-abroad at sinuwerte na rin na nakapag-asawa ako ng isang amerikanang mayaman. Tinuruan niya ako tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo hanggang sa ako na namahala sa isa niyang negosyo at mapalago ko ito pero sa kasamaang palad ay nawala din siya na ang may kagagawan ay ang iyong kinagisnang ina. Umuwi ako dito sa Pilipinas para harapin siya at makuha kita sa kanya ngunit bago nangyari yun ay nakaharap ko si Andrea Santillan Baek. Humingi siya ng pabor sa akin para makita at makuha kita alang alang sa mabago ang buhay mo, natuwa ako dahil may makakatulong na ako para mabawi kita sa kanya. Alam ko kasing maimpluwensya ang mga Baek kaya di na ako nag-atubili pa. Ngayong nandito ka na at nasa harap ko, di na ako makakapayag na mawala kang muli sa akin anak. Matagal ko ng pinanabikan ang araw na makita kita ng malapitan at makasama." Gabriel at lumapit kay Blu para yakapin ang anak.

Di naman nagdamot si Blu kaya niyakap na rin niya ang kanyang ama. Dala ng kasabikan na maramdaman ang pagmamahal ng kanyang ama ay di niya maiwasang pumatak ang luha niya.

" Papa, di niyo lang alam kung gaano ako kasabik na maramdaman ang pagmamahal at yakap ng isang ama. " Blu

" Kaya nga sinundan agad kita rito ng malaman kong nandito kayo ni Andrea. " Gabriel

Bumitiw si Blu sa pagkakayakap sa kanyang ama.

" Pa, kung pwede gusto ko magstay dito hanggang sa di pa nakakarecover si Andi at isa pa may dapat pa akong singilin sa nangyari sa kanya saka di pa nahuhuli si Mrs. Park mas delikado ngayon ang buhay ni Andi dahil siya ang target niya." Blu

" Basta mag-iingat ka anak, ayokong mawala ka muli sa akin sa tagal na pagkawalay mo sa akin. Ikaw na lang ang iniwang alaala sa akin ng iyong ina." Gabriel

" Don't worry pa, di naman ako papayag na mawalay pa sa iyo at lalung lalu na sa babaeng pinakamamahal ko. " Blu

Nang biglang tumunog ang phone ni Gabriel at nakita niyang unregistered number ang tumatawag. Tumingin si Gabriel sa anak.

" Bakit pa? Sino ang tumatawag? " Blu

" Di ko kilala anak, unregistered number. " Gabriel at sinagot yung tawag. " Hello? Sino 'to? " Gabriel na tumingin kay Blu

( Hi Gabriel. Remember me? ) Mrs. Park

" Makakalimutan ko ba ang taong kumuha sa anak ko? " Gabriel na nakatingin kay Blu.

( Ha ha ha... Mabuti naman kung ganun. )

" Ano ang kailangan mo? " Gabriel

( Alam kong magkasama kayo ngayon ng anak mo, nasa cafeteria kayo ngayon ng ospital. Gusto kong kausapin si Blu. )

Nagpalinga linga naman si Gabriel para hanapin si Mrs. Park.

" Ano ang kailangan mo sa anak ko? " Gabriel

" Pa, akina ako ang kakausap sa kanya. " Blu

( Siya ang kailangan kong makausap at hindi ikaw. )

" Hindi maari, di ko ipapahamak ang anak ko sa..." naputol ang sasabihin ni Gabriel dahil biglang inagaw ni Blu ang phone sa kanya.

" Ano ang kailangan mo sa akin Park? " Blu at pinapakinggan maigi ang kausap.

( Hi Blu! Park na lang ba ang tawag mo sa akin? Nakakahurt ka naman. Anyway magkita tayo, kung ayaw mong pati ang pinakamamahal mong ama ay idamay ko. )

Nalaman ni Blu ang kinaroroonan ni Mrs. Park dahil sa narinig nitong tunog sa background na kinaroroonan nito. Hanggang sa may narinig siyang kasa ng baril.

" Pa dapa! " Blu at sabay silang dumapa ng ama niya.

Biglang may nagpaputok ng baril sa kung saang hinihinala ni Blu na lugar sa kinaroroonan ni Mrs. Park. Itinaob ni Blu ang lamesa para gawing pananggalang sa mga bala.

" Pa, dito lang kayo wag kayong aalis babalikan ko kayo dito. " Blu

" Anak mag-iingat ka saka ito gamitin mo. " Gabriel kinuha ang isang maliit na baril bilang proteksyon niya.

Iniabot niya kay Blu ito para gamitin.

" Thank you pa. Dito lang kayo, babalikan ko kayo. " Blu at gumapang na siya para makalapit sa kinaroroonan ni Mrs. Park.

Nakipagpalitan ng putok si Blu, namataan niyang dalawa ang nagpapaputok sa kanila na walang iba kundi si Jonas at Mrs. Park. Sinubukan niyang asintahin si Jonas at natamaan niya ito, sumunod naman ay aasintahin na niya si Mrs. Park ngunit bigla itong nawala. Tumakbo siya sa kinaroroonan ni Jonas, tinignan niya ito ngunit di na ito gumagalaw dahil napuruhan na ito ng tama ng baril.

" Sir, yung kasama niyang babae nakatakbo at kasalukuyan ng hinahabol ng mga tauhan namin. " sabi ng isang nakasibilyan na pulis.

" Salamat sir sa pagresponde niyo. Paano niyo nalaman na dito sila pupunta? " Blu

" Sir nakamonitor kami kay young princess according sa utos ni master kaya alam namin na pupuntahan kayo rito nitong si Villas at Mrs. Park. Mga desperado na sila dahil wala ng tumulong sa kanila. Puntahan niyo na si young princess dahil gising na raw siya. " pulis

" Anak, ok ka lang ba? Wala ka bang tama? " Gabriel

" I'm fine pa. Pa siya si Jonas Villas, napuruhan ko ata siya kaya ayan na siya. " Blu

" Anak, kilala ko siya. Siya ang nagpanggap ka ikaw, kawawang bata. Di sana siya nagkaganito kung di dahil kay Mrs. Park. " Gabriel.

" What do you mean pa? " Blu

" Later anak, ikukwento ko sayo. Sa ngayon kailangan na natin puntahan si Andi, hinahanap ka na raw niya. " Gabriel

" Let's go pa. " Blu at naglakad na sila papunta sa kwarto ni Andi.

Nagmamadaling nagpunta si Blu sa kwarto ni Andi ng biglang may humigit sa kanyang ama.

" Kamusta na Blu? Ang pinalaki at tinuring kong anak? " Mrs. Park

Ikinagulat ni Blu ang biglang pagsulpot ni Mrs. Park at ang masama pa nito ay hostage na niya ang ama ni Blu.

The Unknown Heiress and The Hunter (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon