Part 20

502 11 0
                                    

" Tss, palibhasa wala kayong alam. Di madali ang pinagdaanan niya kaya wag kayo magmarunong." Bon

" What do you mean then? " Green na nacurious sa sinabi ni Bon.

" Bakit naman namin sasabihin sayo? Eh di nalagot kami kay Andi, saka as if naman na concern kayo sa kanya no. " Nic

" Ayaw niyo bang bumalik siya sa normal?" Gray na nakisabat na rin.

" Oo nga naman, magiging obasang( matadang dalaga sa chinese) na yun pag di pa siya nagbago. " Red at natatawa sa binitiwang salita.

" Obasang ba kamo...ako? " Andi at nagulat naman silang lahat sa taong biglang nagsalita.

" A-ands, kanina ka pa jan? " Nic

Tinignan niya lang si Nic at bumaling uli kay Red.

" Kung ako obasang, ano ka?...Hoy dugong nahulmahan gaya ng tao, wala kang karapatang manghusga dahil wala kang alam, kayo walang alam kaya wag kayo basta humusga. Akala mong ka gwapuhan kung di ka lang maputi parehas lang kayo ng unggoy mong kaibigan. " Andi na gigil pa rin dahil sa ginawa sa kanya ni Blu.

" Hoy din babaeng yelo na amasona! " Red na naputol ang sasabihin ng sumingit muli si Andi.

" Subukan mong sumagot pa at di mo gugustuhing maihagis ka palabas ng kwartong to! " Andi at padabog na kinuha ang gamit at naglakad palabas.

" Ands san ka pupunta nagsisimula na ang klase. " Bon at nagtaka sa kinilos ni Andi

" Sa lugar na walang animals." sagot ni Andi sa kasamaang palad ay nasalubong niya si Blu na ngumiti pa sa kanya at sinabing...

" Hi girlfriend! " Blu sapat na para marinig ng buong klase na ginawa naman ni Andi ay sinuntok siya sa tiyan at hinampas ng bag.

" Girlfriend nin mo mukha mo! UNGGOY! " Andi at lumakad na palabas.

" Ha ha ha ha ha..." tawa ng mga kaibigan ni Blu.

Lumapit naman si Blu sa kanyang upuan at naupo. Nilapitan siya ng mga kaibigan pati na rin nila Nic at Bon.

" Bro, ano nangyari? Bakit ganun na lang ang init ng ulo nun ng makabalik dito?" Gray

" Pabayaan niyo na lang yun, inaasar ko lang yun sa dami ng atraso niya sa akin. " Blu

" Aba, dapat lang tulungan kita dahil pati sa akin may atraso din siya. " Red

" Ah ganun ba? Kaw na lang muna pass muna ako kasi masakit na katawan ko. Igoodluck na lang kita. " Blu na nangingiti kay Red

" Ano ba nangyari sa inyo at ganun na lang ang galit nun ng bumalik dito?" Green na nagtataka.

" Hay naku, for sure may di maganda ginawa ang kaibigan niyo kaya nakakatikim siya ng sakit ng katawan kay Ands. " Nic

" Manahimik ka nga kikay at baka di kita matantya. Tara mga bro ditch muna tayo may pag-uusapan tayo. " Blu at nagsi tayuan na sila ng biglang pumasok ang teacher nila kaya napilitang bumalik sa upuan sina Blu.

" Class i just want to tell you na di muna ako makakapaglecture kasi may emergency akong pupuntahan. For your assignment na lang ay please study chapter 5 of our should be lecture for today then we will discuss it tomorrow. Bye now class, you can eat if you want. See you tomorrow. " teacher at lumabas na ito.

" Tara mga bro kain tayo. " Red

" Halimaw ka talaga. " Cyan

" Grabe, wagas makahalimaw. Kung ayaw niyo bahala kayo basta ako kakain." Red

" Libre mo ba?" Gray

" Kuripot niyo ha, kkb tayo no! " Red

" Mag-aaya ka tapos di ka naman pala manlilibre. " Blu

" Sige sige tara na ako na ang taya, tara sa cafeteria. " Red at nauna ng lumabas ng room.

Sa cafeteria...

" Mga bro ano gusto niyo? " Red

" Frappe na lang bro, busog pa kami eh. " Gray

" Ok." Red at bumaling sa crew. " Dianne, 5 frappe and one club house sandwich." Red

" Ok sir, your name sir? " Dianne the crew

" Name for what Dianne?" Red

" Sir for your order, we will call your name for claiming your order." Dianne

" Oh. Ok, my name is Early Seven Strikeland." Red at narinig naman ng mga kaibigan niya ang binigay nitong pangalan.

" Bro, si Red sinusumpong nanaman ng pagiging retarted niya pati yung cashier pinatulan pa." Gray na natatawa at pinanood naman nila si Red.

" Sir? Yun po ang name niyo? " Dianne

" Sa english, sa tagalog ay Agapito Hampaslupa. " Red at nagpigil naman ng tawa ang mga kaibigan niya habang pinapanood siya.

" Ah, ok. Sir Agapito na lang po para maiksi. " Dianne na naguguluhan sa kausap.

" Ok. " Red at nagpunta na sa mga kaibigan na nakita niyang nag-iilingan sa kanya.

" Oh, bakit? " Red

" Grabe ka bro, basta pag sinumpong ka ng sakit mo wala kang sinasanto. " Cyan

" Siempre, para madaming masiraan at dumami kami." Red at sabay sabay siyang binatukan ng mga kaibigan niya. " Aray naman. Dahan dahan naman." Red

" Nga pala Blu, kamusta ang pag-uusap niyo ni icy girl? Confirm na ba?" Green

" Haist, di siya umamin pero ramdam ko na siya yun. Nagkasagupaan kami pero mukhang mahihirapan akong maconfirm na siya nga yun." Blu

Nakita niya sa di kalayuan si Andi na kumakain at may mga kasama.

" Guys, si Andi." Blu at tinuro kung san ito nakaupo.

" May kasama siya at isang grupo. " Gray

" Jan lang kayo at may gagawin ako, tignan niyo na lang ang ikikilos niya." Blu at tumayo para lapitan ang lugar kung san nakaupo ang grupo nila Andi.

Lumakad siya palapit at kinuha niya ang bote ng softdrink sa table ng isang estudyante. Paglapit niya ay nagkunwari siyang napatid at humagis ang bote sa kanang bahagi ni Andi. Natulala naman na nakita nila Red, Cyan, Gray at Green ang mabilis na pagsalo ni Andi sa bote ng softdrink. Lumingon si Blu sa mga kaibigan at nagkasenyasan sila na wag muna sila makikisali. Paglapit ni Blu kay Andi.

" Ngayon mo sabihing hindi ka si dark princess. Sa bilis ng kilos mo sa pagsalo sa bote ng softdrink kilos yan ng taong malakas ang pakiramdam." Blu

Nagulat naman si Andi sa nagsalita sa tabi niya...

Note:

Sorry pero medyo matatagalan ang ud ko kasi busy na po uli... i still try to ud once i got free time... sorry again.

The Unknown Heiress and The Hunter (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon