" Dahil ba sa kanya kaya ayaw mo magpaligaw?" Blu at bumaling siya kay Andi " Kaya ayaw mo ko bigyan ng chance?" Blu na ikinalingon ni Andi. Nagkatitigan sila at nagbawi si Andi dahil hindi niya matagalan ang mga titig ni Blu sa mga mata niya.
" That was my choice. " Andi
" Then why Andi? " Blu
" You does'nt need to know. " Andi
" Ok, let's change the situation. Andi, please allow me to be part of your life as your friend. Friend that you can cry on and depend on when you feel weak and tired. Set aside my confession that i made. Let's be friend to know each other well. Is that fine with you? " Blu
Tinignan ni Andi si Blu sa mata para basahin ang nilalaman nito.
Nakikita ko sa mga mata niya ang sincerity ng pag-ooffer niya ng friendship.
" Ok, fine with me. " Andi
" Thanks Andi. " Blu at inilahad ang kamay for shakehands " Friends?" Blu na hinihintay na tangggapin ni Andi ang kamay niya.
" Friends. " Andi at tinanggap ang kamay nito.
" Lahat ng gumugulo sa isip mo kalimutan mo muna. Tara sumama ka sa akin may pupuntahan tayo. " Blu
" Huh? San tayo pupunta? Saka may klase pa tayo. " Andi na nagtataka.
" Basta, para makalimutan mo muna ang gumugulo sa isip mo. Kasi sasakit lang ulo mo pag-inisip mo pa ng husto yan. " Blu at hinawakan sa kamay si Andi at hinatak pababa ng rooftop.
Di na nagreklamo si Andi at tuluyan na siyang nagpadala kay Blu kung san man siya nito dalin. Nakita niyang kinuha ni Blu ang phone niya at nagdial.
" Bro, pakidala na lang ng gamit namin si Andi sa locker ko di na kami makakapasok. Sige bro salamat. " binaba ni Blu ang phone niya at inoff.
Nakarating kami sa parking at isinakay niya ako sa kotse niya sa harap, pagkatapos niya ikabit ang seatbelt sa akin at isara ang pinto umikot naman siya sa driver seat. Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis ng university.
" San ba kasi tayo pupunta Blu? " Andi na mukhang naiinis na.
" Don't worry, maglilibang lang tayo para maibaling mo muna sa iba ang isip mo. " Blu at nakangiting lumingon kay Andi at binalik ang tingin sa daan.
Sa di mawari ay nakaramdam ng kilig si Andi ng makita niyang ngumit si Blu.
Ano na ba ang nangyayari sa akin, di dapat ako makaramdam ng ganito sa kanya. Di dapat ako nagpapadala sa mga ngiti niya. Kaya Andi, wag mong bigyan ng meaning ang pinapakita sayo ng lalaking yan dahil pinasasakay ka lang niyan. Nasisiraan na ako, pati ang sarili ko kinakausap ko na. Haist.
" Di masamang kausapin ang sarili mo kung may mga bagay kang gustong linawin o bigyan kasagutan. Wag ka nga lang magsasalita in public dahil baka mapagkamalan kang nasisiraan ng ulo. " Blu na nakangiti.
" Pano mo naman nasabing kinakausap ko ang sarili ko? Nakita o narinig mo bang nagsasalita ako dito mag-isa? " Andi at kunot ang noong nakatingin kay Blu.
Nilingon sandali ni Blu si Andi at natuwa siya sa reaksyon ng mukha nito.
" Pinagtatawanan mo ba ako? " Andi at halatang napipikon na.
" You know what? Mas gusto ko na ganyan ka, yung napipikon. Kasi nagiging madaldal ka, nakakatuwa lang makita ang expression ng mukha mo. Still beautiful. " Blu na nakangiti pa rin.
Dahil sa papuri ni Blu kay Andi ay nag-init ang mukha nito na dali dali namang ibinaling ni Andi ang mukha sa bintana para di makita ni Blu ang pamumula ng mukha niya.
" Pakshet. Nagblush ako sa sinabi niya, di na tama ito. " bulong niya sa isip niya.
After 35mins na pagmamaneho ni Blu ay nakarating sila sa isang theme park.
" We're here. " Blu na nakangiti.
Tinignan ni Andi ang lugar at nagulat siya, dinala siya ni Blu dito sa theme park.
" Tara na, simulan na natin ng makarami tayong mapuntahan. " Aya ni Blu at hinawakan sa kamay si Andi.
Pumasok na sila sa loob ng EK at dun sinimulan na ni Blu na libangin si Andi. Una ay sumakay sila ng rides na halos natapos nila ng kulang 2 oras, naglalakad na sila ng magsalita si Andi.
" Wait, mabuti pa kumain na muna tayo. Lunch time na oh at gutom na ako. " Andi
" Ok, tara kain na tayo. " Blu at hinawakan nanaman niya ang kamay ko. Naglalakad na kami ng magring ang phone ni Andi, kinuha niya ito pero bago pa sagutin ni Andi ang tawag ay inagaw na ni Blu at inioff ang phone niya. " Akin na muna ang phone mo habang magkasama tayo. Kasi di mawawala ang magpapagulo ng isip mo hanggat na sayo ang phone mo dahil tatawag at tatawag sila sayo." Blu at nginitian pa si Andi.
" Ok. " Andi at ngumiti na rin.
Ikinatulala ni Blu ang pagkakangiti ni Andi dahil ngayon niya lang nakita ng malapitan si Andi na ngumiti ng totoo na umaabot hanggang mata.
" Hoy Blu? Hoy! " Andi at ikinaway pa ang kanang kamay sa mukha ni Blu. Natauhan naman si Blu.
" Sorry, tara na kain na tayo. " Blu at hinila na si Andi papuntang foodcourt para kumain.
Pagdating sa foodcourt naghanap sila ng gusto nilang kainin.
" Ano ang gusto mong kainin Andi?" Blu
" Tara, dun sa korean cuisine trip ko kumain ng spicy ngayon. " Andi
" Ok, tara. " Blu
Umorder na sila ni Andi ng pagkain nila, naghanap ng upuan at ng makahanap ay umupo na sila para makakain.
" Andi oh. " Blu inilagay sa tapat ni Andi ang pagkain niya pagkatapos ay umupo na siya para kumain.
" Wow, sarap ang anghang. " Andi
Nangingiti naman si Blu na pinanood si Andi habang kumakain.
" Oh, di ka pa kumain? Wag mo kong panoorin at napapahiya ako." Andi at yumuko dahil nag-iinit nanaman ang pisngi niya.
" Ok, kain na tayo. " Blu
Ipinagpatuloy na nila ang pagkain.
BINABASA MO ANG
The Unknown Heiress and The Hunter (completed)
De TodoUnknown Heiress. Nawawala? Nagtatago? O itinatago? The Hunter. Masama o mabuti ba ang motibo niya sa paghahanap sa Unknown Heiress? Paano kung mafall inlove sila sa isa't isa? Magiging madali ba sa kanila ang lahat o kinakailangan na lang nila kalim...