Part 15

576 16 1
                                    

Blu's pov

Nandito na kaming apat sa binili kong bahay para tirhan naming lima. May gang kami at kaming lima lang din ang member nito dahil di kami basta basta gang lang. Kami ay member din ng mafia, yun nga lang pumapangalawa lang kami dahil sa isang grupo na di namin natalo ang grupo ng Darkside Angel. Sila ang pinakakilalang gang sa underground world of gang and mafia, ang kinaiinisan ko ay babae ang namumuno na sinasabi nilang prinsesa ng Darkside Angel.

Back to reality muna, nandito na kaming apat sa bahay pero si Green ay wala pa.

" Bro wala pa rin ba si Green?" Blu kay Red

" Nakikita mo na ba siya? Di ba wala? Kung nandiyan na siya malamang ' mo kasi di naman transparent yun para di mo makita eh. " Red sabay binatukan siya ni Blu " Aray naman bro." Red at lumayo kay Blu

" Bro, dahan dahan sa pagbatok. " Gray na nakangiti.

" Concern ka jan sa retarded na yan? " Blu

" Oo nga, buti pa si Gray may concern sa akin. " Red

" Oo kasi kapiraso na nga lang ang utak mo mahuhulog pa kapag nilakasan ni Blu ang pagbatok. " Gray

Natatawa naman si Cyan sa mga kasama dahil pinagtritripan nanaman nila si Red. Kasi naman tong taong to pagkinakausap mo ng maayos ibabato sayo ang sagot ng isang retarded.

" Tsk, sobra na kayo ha! " Red at nagpout pa ng lips

Bigla naman ang pagdating ni Green kaya lahat sila napatingin sa kanya.

" Oh, problem? " Green na dumeretso sa kusina para uminom ng tubig at nagsunuran naman ang apat sa kanya.

" San ka ba galing at parang pagod na pagod ka? " Blu

" Jan lang may inasikaso ako." Green

" May inasikaso o ikaw ang inasikaso? " Red na nagtataas pa ng kilay na animoy nakikipaglokohan.

Pinagtinginan siya ng tatlong katabi niya at siya naman nagsign ng peace at humarap muli sila kay Green.

" Wala yun, nga pala ano na nangyari sa lakad niyo?" Green

" Well, kahit papano may linaw na rin. Natuklasan namin ni Blu na ang tinatagong heiress ay iba ang nagtago sa kanya. Ang taong yun ay si Rodrigo Santos. May konting bagay lang kaming pinagtataka ni Blu. " Gray

" Pinagtataka?" Red na sabay sabay nagtinginan ang apat sa kanya. " Oh, bakit?" Red na nagtataka.

" Tao mode ka na bro di ka na retarded. " Cyan na nakangiti.

" Ah ganun? Sige retarded mode uli para masaya." Red

" Subukan mong i-switch sa retarded mode yan ng masipa kita papuntang kangkungan. " Blu na seryosong nakatingin sa kanya. Bumaling siya kay Gray na mukhang magpapasaklolo.

" Try mo, gusto mo? " nakangiting sabi ni Gray

Umiling naman si Red na sign na di siya aggree kaya naman hinimas ni Cyan ang ulo niya.

" Behave ka naman pala eh, sit Red. Roll, play dead. " Cyan

" Ogag, retarded lang ako di ako aso. " Red at lumakad na pabalik sa salas.

" Ha ha ha ha ha. " Sabay sabay na tawa ng apat at lumakad na rin papuntang salas.

" Ok, mga bro serious na. Pag-usapan na natin ang mission. " Green

" Ok, gaya nga ng sinabi ni Gray nagtataka lang ako sa ilang bagay lalu na sa misyong ito. " Blu

" Ano naman yun Blu? " Cyan

" Ang pagpatay sa ama ng heiress at ang motibo ni mama na mahanap ang heiress ni Baek Sung Jo." Blu

" Blu, kilala natin si tita. Di siya magsasalita hanggat wala pang magandang resulta ang pinagagawa niya. Naniniwala akong importante to dahil kung hindi di niya pagagawa sa atin ito. " Red

" Yun nga ang iniisip ko kung pano ko makakausap si mama para malaman ang motibo niya. " Blu

" Sa tingin ko dapat hanapin muna natin ang heiress tapos saka natin alamin ang plano ni tita sa kanya at saka tayo magdecide ng dapat nating gawin." Green

" Tama, sige. Ok, si Rodrigo Santos ay kasalukuyang nasa batangas siya dahil may pinamamahalaan siyang negosyo ni Baek Sung Jo as the same time politiko. Siya ngayon ang konsehal ng isang bayan dun, which is maraming mata ang nakabantay sa kanya. Ang magagawa natin para makalapit sa kanya ay ang business. " Blu

" Kung ganun may plans ka pala. " Cyan

" Oo at ganito yun." Blu ipinaliwanag na niya ang plano niya.

Green pov

Nakita kong muli si Andi at yung kasama niya kaya sinundan ko sila. Di nila ako napansin marahil dahil nagpalit ako ng kotse kaya naman malaya ko silang masusundan.

" San kaya sila galing at bakit parang napakamisteryosa niya." bulong ni Green sa sarili niya.

Sa pagsunod niya di niya akalaing mapapansin siya kaya ng makita niyang bumilis ang takbo ng sasakyan nila ay sinundan ko sila at halos makipagkarera sa kanila. Dahil sa  pagsunod  ko at pakikipagkarera sa kanila di ko namalayan na may motor na sumusunod sa likod ko at pinaputok niya ang gulong ng kotse ko sa pamamagiyan ng baril at yun. Naplatan ako ng gulong at nakawala na si Andi sa paningin ko.

" Ibig lang sabihin nito ay may mga kasama pa siya. Ano ba ang tinatago mo at ganun na lang ang pagpursige ko para matuklasan ko lahat. " Green na bumulong sa sarili niya.

The Unknown Heiress and The Hunter (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon