Ikinagulat ni Blu ang biglang pagsulpot ni Mrs. Park at ang masama pa nito ay hostage na niya ang ama ni Blu.
" Suprised Blu! Mukhang di maganda sayo ang makita ako. Then, I don't care. As long na makita kong naghihirap ka dahil sa pangtatraydor mo sa akin. Swerte lang ni Andrea at mahigpit ang bantay niya kaya malas na lang ng ama mo dahil siya ang nakita kong paraan para makaganti sayo. " Mrs. Park
" Ma. Mrs. Park, wag mo idamay ang papa ko. Kung ako ang kailangan mo ako na lang. Ako na lang gantihan mo wag ang papa ko. " Blu
" Alam mo naman kung sino ang kailangan ko, sa ngayon dadalin ko muna ang papa mo alam mo na ang magiging kapalit niya Blu. " Mrs. Park
" Blu anak, wag kang makikinig sa kanya. Anak makinig ka sa akin. Masaya na akong nakita at nayakap kita, wag mong hayaang saktan ka ng babaeng ito o kahit sino sa mga nagmamahal at mga mahal mo. Handa na ako anak basta sa kaligtasan mo. " Gabriel
"Mrs. Park, mas makakabuting sumuko ka na bago pa may masaktan." mga swat team.
" Sige, subukan niyong lumapit ng parehas kaming mamatay tong lalaking to. Di ako nagbibiro! " Mrs. Park
" Ma, nakikiusap ako sa inyo. Sumuko na kayo, please ma? Tama na 'tong gulong to, marami ng nadadamay at may chance pa tayo magbagong buhay. Please ma? " Blu
" Nagagawa mo kong tawaging mama dahil nakikiusap ka. Bagong buhay? Di na mababago ang buhay ko kahit sumuko ako Blu, marami na ang nangyari na di na maayos pa. Dahil once na pumalpak ako wala ng mababago dahil kayo lang naman ang balakit sa mga plano ko na sinira niyo! " Mrs. Park
" Alam kong ako ang kailangan mo Park. " Andi na pilit na naglalakad palapit kina Blu.
Lumapit naman si Blu kay Andi at inaawat.
" Star, bakit ka pa nagpunta dito? Bumalik ka na dun ako ng bahala. Baka mapahamak ka pa dito. " Blu na nag-aalala para sa kaligtasan ni Andi
Bumaling si Andi kay Blu at tinitigan ng maigi sa mata na animong may sinasabi.
" Makisakay ka na lang Moon. " sa isip ni Andi.
" Captain Zuares, arrest all of them. If they try to fight back kill them. " Andi at humarap kay Mrs. Park.
Biglang may lumapit na dalawang swat kay Blu at hinawakan sa dalawang kamay para arrestuhin. Kinagulat naman ni Mrs. Park ang nakita dahil di niya inaasahan na pati si Blu ay ipinahuli ni Andi.
" Nakita mo na Blu?! Sa pagtatraydor mo sa akin kinarma ka na, tinraydor ka rin ng babaeng yan! At ikaw Gabriel, bigla kang iniwan sa ere ng babaeng yan. Mamatay na tayong lahat dito, pero mauuna ka! " Mrs. Park at itinulak si Gabriel para barilin sa likod.
Mabilis naman na kumilos si Andi na ikunagulat ni Blu dahil bigla nitong nailabas ang baril na tinatago at patakbong niyakap si Gabriel at iniiwas ito sa pagputok ng baril ni Mrs. Park. Pinaputukan ng swat team si Mrs. Park at tumumba ito. Nilapitan ng swat si Mrs. Park.
" Young princess, mission is success. Mrs. Park is now dead. " swat.
" Well done. " Andi at bigla na lang itong hinimatay.
Agad naman siyang sinalo ni Blu.
" Andi. Andi?! " Blu natataranta na dahil hindi nagigising si Andi. " Ano ba? Tulungan niyo ako! dalin natin siya sa kwarto niya at tawagin ang doctor. " Blu na natataranta.
Agad namang inilagay si Andi sa stretcher para dalin sa emergency room. Nang makita siya ng doctor ay inasikaso agad nila ito, makalipas ng kalahating oras ay lumabas na ang doctor.
" Bakit niyo siya hinayaang bumangon at makisali sa hostage taking si young princess? Delikado ang ginawa niyang ito. " panimula ng doctor kina Blu.
BINABASA MO ANG
The Unknown Heiress and The Hunter (completed)
RandomUnknown Heiress. Nawawala? Nagtatago? O itinatago? The Hunter. Masama o mabuti ba ang motibo niya sa paghahanap sa Unknown Heiress? Paano kung mafall inlove sila sa isa't isa? Magiging madali ba sa kanila ang lahat o kinakailangan na lang nila kalim...