Part 18

506 15 2
                                    

At FU( Faith Univ.) ...

Andi's pov

Dumating na kami ng sabay sabay sa FU, humiwalay na ako sa kanila at nagpunta sa locker ko para kumuha ng gamit ko ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

" Good morning icy girl. Did you sleep well?" Blu

Tinignan lang niya si Blu.

" Still cold as ice.Ganyan ka ba talaga kacold?" Blu at sumandal na sa katabing locker ni Andi at nagcross arm.

Habang si Andi ay nagpapakabusy na kinuha ang kanyang ipad at naglagay ng earphone sa tainga na kinaasar ni Blu, kaya ng isara ni Andi ang locker ay bigla siyang hinawakan ni Blu sa braso at isinandal sa locker. Inalis ni Andi ang earphone niya at hinarap si Blu.

" Problema mo? " Andi na sinalubong ang mata ni Blu na magkasalubong ang kilay niya.

" Tsk, bakit napakamisteryosa mo? " Blu na mas lumapit kay Andi at tinignan maigi sa mata.

" Leave me alone before you regret it. " Andi na tumalim ang pagkakatingin kay Blu.

Nagsmirk si Blu at...

" What if i don't? " Blu sa nakakalokong pinakitang expression ng mukha at mas lumapit pa kay Andi na halos inipit na niya sa sobrang pagkakadikit ng katawan nila.

" Talagang inuubos mo ang pasensya ko unggoy. Pagbibigyan kita. " Andi at biglang itinulak ng malakas si Blu.

Sa di inaasahan ay nagulat si Blu sa lakas ni Andi nagawa nitong kumawala sa kanya. Paalis na ito ng harangan niyang muli ngunit ang ginawa nito ay biglang sinuntok ni Andi si Blu sa tiyan na kinainda nito at sabay tumakbo si Andi palayo. Tumakbo siya at nakarating ng classroom, inayos ang sarili saka umupo sa kanyang upuan. Nilabas niya ang phone niya para itext si Affleck para balaan.

Affleck :

Change plan... we don't know each other even with them( gang ).

After niya magtext ay tinago niya ang phone sa bulsa, siya naman dating ni Blu na mukhang galit na galit. Pumasok at papunta sa direksyon niya ng magdatingan sina Nic at Bon kasama sina Green, Red, Cyan at Gray.

" Yow bro, aga mo naman makarating dito. " Red at umakbay pa kay Blu.

Nagtataka namang lumapit na rin sina Cyan, Gray at Green samantala sina Nic at Bon ay lumapit na rin kay Andi.

" Good morning Ands. " bati ni Bon na ginantihan ni Andi ng pagtungo.

Umupo na ang grupo nila Blu sa kanya kanyang upuan habang si Blu ay di natitinag kay Andi sa pagtitig. Lumapit siya kay Andi at pinatong ang dalawang kamay sa lamesa para pantayan ito at makita niya ng husto, ng malapitan ang mukha nito na kinagulat naman ni Andi.

" Di ko alam kung anong meron sayo bakit napakamisteryoso mo. " Blu di na niya mapigilan ang nararamdaman dahil na rin sa natuklasan.

" Tss." Andi at tumayo para lumabas dahil di na niya nagugustuhan ang nararamdaman niya sa tuwing lumalapit sa kanya si Blu.

Pero nagulat siya ng bigla siyang hatakin nito at kaladkarin siya papunta kung saan na kinagulat naman ng mga kaibigan nila. Sinundan sila nito hangggang sa makalabas ng classroom na naramdaman naman ni Blu kaya tumigil siya at lumingon para balaan ang mga kaibigan.

" Dyan lang kayo, walang susunod. " Blu na seryosong mukha.

At lumakad muli at dinala si Andi sa bakanteng classroom sa 4th floor ng building nila. Ipinasok niya si Andi sa loob at isinara ang pinto. Samantalang si Andi ay inihanda na ang sarili, wala na siyang pagpipilian kundi ang depensahan ang sarili sa pwedeng gawin ni Blu sa kanya.

" Ano ba ang kailangan mo at dinala mo pa ako dito? " Andi na nakaramdam ng kaba.

Unti unting lumalapit sa kanya si Blu na lalong nagpakaba sa kanya at nagpaatras. Sa bawat hakbang na ginagawa ni Blu ay siya namang pag-atras ang ginagawa niya.

" Alam mo bang maganda ka, mula ng magkaharap tayo di ka na nawala na di ko naman maintindihan kung bakit. Napahanga mo ako sa galing mo." Blu na patuloy pa rin sa paglapit hanggang sa wala ng maatrasan si Andi hanggang sa nakorner niya ito sa sulok ng classroom sa pamamagitan ng pagtuon niya ng kanang kamay niya sa bandang balikat ni Andi.

" Mapatunayan kong tama ang hinala sayo ni Green di ako papayag na makawala ka pa sa akin DARK PRINCESS. " Blu na inemphasize ang code name ni Andi.

Note :

Sorry sa lame at short update kasi talagang pinutol ko na jan for a little excitement... : D

The Unknown Heiress and The Hunter (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon