34

3K 92 3
                                    


CHAPTER THIRTY FOUR

It has been two weeks but Matteo wasn't conscious yet. Gayun pa man, I did not lose hope. In fact, I was very hopeful that Matteo would wake up soon. I just felt sure about it.

Minsan, inilalapat ko ang tenga ko sa dibdib ni Matteo at marahang ipinapatong ang braso ko sa kanya upang yakapin siya. Ramdam at rinig ko ang tibok ng kanyang puso. Buhay na buhay ang asawa ko. Kailangan lang niyang magising sa pagkakatulog niya, at pinangako ko sa sarili ko na hihintayin kong magising siya.

Mabuti na lang at pinapunta ako nila Marcus dito. Si Marcus ang kakambal ni Matteo. Sa pagkakaalam ko, he and Pinkie have something going on too, pero tikom din ang bibig nilang dalawa kung ano ang namamagitan sa kanila. Pinkie, who is one of my best friends, said that she was dating Marcus, but she wasn't sure yet what they should become. Palibhasa'y takot ng magmahal si Pinkie, at gusto pa rin nitong maghiganti sa ex-boyfriend nito. Marcus and I were never able to talk about what was going on between them, pero gusto ko talagang i-open up kay Marcus iyon. Gusto kong i-encourage si Marcus na i-pursue si Pinkie, dahil alam kong mabuting tao si Marcus, at hindi niya sasaktan si Pinkie. Pero kung sakaling masaktan man niya ito, alam kong hindi magagawa ni Marcus na saktan si Pinkie intentionally. Yun nga lang, hindi ako nagkaroon ng oportunidad na makausap si Marcus ng tungkol duon dahil ang last namin napag-usapan ay ang dahilan kung bakit ako narito ngayon sa Brazil.

Marcus told me that the reason they sent me here was that they learned that I was already Matteo's wife. But it came as a shock to most of them, especially Papai, because they've known Matteo as non-committal.

But, when Matteo suddenly opened his eyes and uttered my name, before he feel into deep sleep, that was when Maximillan told their family about my relationship with Matteo. All along, his family thought that Matteo was just playing around with me, because he wasn't expressive or showy. At kadalasan noon, nakikita nila kaming magkaaway dahil pinipikon ako ni Matteo. Ang hindi nila alam, seryoso daw pala sa akin si Matteo dahil tinanan at pinakasalan ako nito.

"He's just the secretive type." Napailing na sabi ni Marcus habang kinukuwento kung paano nila nalaman ang tungkol sa'min ni Matteo. "Now that you're here, we really just hope he'd wake up soon, before you return back to Philippines."

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin response si Matteo, kaya naman hindi pa rin ako umuuwi ng Pilipinas.

Nag-offer na nga sa akin si Papai na sasamahan niya akong ipaalam sa aking magulang ang tunay na estado namin ni Matteo, upang maintindihan ng aking magulang kung bakit ako magtatagal dito sa Brazil. Sinabi ko na lang kay Papai na ako na mismo ang magsasama kay Dad kapag uwi ko... kung kailan man yun.

Pero nang tumawag ako kay Mommy para ipaalam sa kanya na mage-extend ako ng stay dito sa Brazil ay sinabi niya sa akin na ipinaalam na pala nila ni Kuya ang tungkol sa amin ni Matteo. At sinabi na rin nila kay Dad na si Matteo ang tumulong sa amin problema sa pera. Sabi ni Mommy na hindi daw nagsalita si Dad.

Alam kong masama ang loob sa akin ni Dad. Magpapaliwanag na lamang ako kay Dad pag uwi ko sa Pilipinas. I have all the intention to ask for forgiveness for deciding to marry Matteo, without consulting them or even asking for their blessing.

Pero ang importante ngayon ay matutukan at maalagan ko si Matteo. Ayoko rin naman kasi na iasa sa nurse ang pag-aasikaso ko sa asawa ko, kahit pa madalas ay nahihilo at nasusuka ako.

Balak ko ngayong araw na pumunta sa drugstore upang bumili ng pregnancy test. Ayoko lamang iwanan si Matteo sa mga nurse, kaya iniintay kong bumisita ngayon araw si Marcus. Last week ay sina Malik at Maximillan ang kasama kong nagbantay kay Matteo. Ngayon naman ay si Marcus ang nakatoka na samahan kami ni Matteo dito sa hospital suite. Inaalok naman ako ng mga kapatid ni Matteo na umuwi sa bahay nila upang magpahinga, pero mas gusto kong dito na lamang ako sa tabi ni Matteo. Pakiramdam ko at nararamdaman ko kasi na gigising din si Matteo. I know I just have to be patient, and I just have to continue to let him know that I am here for him.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now