46

2.8K 84 2
                                    

CHAPTER FORTY SIX

HALOS LIMANG ARAW ANG NAKALIPAS at ngayon lamang ako nagkaroon ng balita kayla Papai na nakarating na si Matteo sa Brazil, at kasama niya ang anak namin ngayon.

Maraming salamat po, Panginoon at ligtas ang mag-ama ko! Pagpapasalamat ko kay Lord.

Sabi ni Papai ay maayos naman daw ang lagay ni Matteo at Timothy sa mansion na iyon at may mga naka-monitor na intelligence sa kanila. Ngunit wala pa daw magawang paraan kung paano makakatakas si Matteo at Timothy sa mala-fortress na mansion, dahil kahit subukan man daw ni Matteo na tumakas ay mashadong maraming bantay roon.

Paminsan minsan rin lamang nakakapag-communicate si Matteo kayla Papai, at sinasadya daw talaga ni Matteo na hindi ako kontakin para matiyak na ligtas ako kay Isabella. Hindi rin daw makausap ni Papai ng matagal si Matteo dahil parati daw kasama ni Matteo si Isabella at ang mga bata, kahit sa mismong opisina opisina.

Ang pinagpapasalamat pa rin namin ay may nagbibigay daw ng impormasyon sa intelligence nila Papai na taga-loob. Hindi pa nila matukoy kung sino ang nagbibigay ng impormasyon, maliban kay Matteo.

Ayon pati sa intelligence nila Papai ay kasalukuyang naghahanap ng bagong nanny si Isabella para kay Timothy. Ang plano ay magpapadala ng asset ng intelligence sa loob at magpapanggang ng nanny. /Napag-alaman din namin na ang impormante mula sa loob ang tutulong sa pagpasok ng ng mansion. It seems to me na pinagkakatiwalaan ni Isabella ang taong ito kaya ito ang gumagawa ng lahat ng mga transaksyon ni Isabella at namamahala sa mga tauhan sa loob.

"Ako na lang!" Boluntaryo ko habang nakikipag-usap si Uncle Gerry kay Papai sa Skype. "Ako na lang ang papasok sa loob ng mansion."

Napatingin sa akin si Uncle Gerry kasama ni Gerard, ang aking kapatid na si Kuya Shawn, at ang aking mga magulang na tila baga nababaliw na ako sa naisip ko.

"At paano ka naman magiging yaya ng anak mo? Tiyak na kilala ka na ni Isabella. Baka masaktan ka pa niya!" Galit na sagot ni Daddy, habang nakahawak ito sa dibdib.

Sina Mommy at Kuya Shawn naman ay bakas ang pag-aalala para sa akin. Alam kong alam nila na determinado akong gawin iyon, kahit pa man pumayag sila o hinde sa gusto kong mangyari. Alam kong matigas ang ulo ko, pero hindi nila ako masisisi, dahil alam nilang kailangan ko itong gawin para sa mag-ama ko.

"Kapag pumunta ka pa doon, tatlo na kayong iisipin namin at kailangan iligtas." Si Uncle Gerry naman iyon.

"Magpapanggap ako." Sagot ko. "Mag-iiba ako ng hitsura katulad ng dati nung nagtatago pa kami ng anak ko sa Baguio." Sabi ko sa lahat ng mga naroon sa conference room.

Hindi sila makapag-reak sa sinabi ko, kaya bumaling ako kay Papai na nakikinig sa aming usapan.

"Papai, I will disguise myself as a nanny. I will change the color of my eyes and the color of my hair. I just know that I can pull this off... I've done this before and no one knew who I was... only Matteo figured out who I was..." sinubukan ko silang kumbinsihin.

"Tanya, how can you be sure you will be able to save Timothy when there are so many guards in the mansion?" alalang tanong ni Papai.

"I will wait for a chance. I will get their trust. I will make them believe. Even Matteo... he will not know it will be me because once he knows, I know Isabella will sense it. So please allow me to go to my son. Please allow me, and not tell Matteo about it." Pakiusap ko sa kanila.

Sa huli ay pumayag din sila.

IKA-LABING LIMANG ARAW NA NGAYON simula ng mawala ang aking anak. Ginugol ko ang oras ng paghihintay na handa na lahat ang papeles ko papuntang Brazil, sa pagbago ng histura ko, simula sa buhok, kulay, mata, ang pagbawas ng timbang upang hindi ako lalong makilala. Ginawa kong blonde ang aking buhok, at nagpa-tan ako. Tinulungan din ako ng intelligence upang mas lalong baguhin ang hitsura ko. Pinagsuot pa ako ng false denture upang magmukhang malaki ang ngipin ko, at binigyan ako ng makapal na salamin para magmukhang nerd na blonde. Nang makita ko nga ang sarili ko sa salamin ay hindi ko nakilala ang hitsura ko.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now