4

6.9K 140 11
                                    

CHAPTER FOUR

"How will I do that when he's trying to tickle..." hindi na natuloy ni Shayla ang sasabihin dahil na-realize nito ang plano ng mga boys.

"Ito pala ang strategy niyo ha? Ang ma-distract si Shayla para hindi makatira? Ang mga damuhong 'to!" Si Rainbow iyon na pupuntahan dapat si Gerard at itutulak ito papalayo kay Shayla pero pinigilan ito ni Maximillian.

"Not too fast my cute racer." Anito kay Rainbow na ikinagulat namin pare-pareho. Hindi namin alam kung bakit alam nito na car racer si Rainbow.

Akmang papunta na ang ibang mga kabarkada ko para pigilan si Gerard, but they were hindered by the boys.

"Wait a minute! You can't do this!" I protested as Matteo tried to block me na para bang nakikipagpatintero sa'ken.

"Who said we can't?" si Matteo. "All we agreed about is the punishment. We didn't discuss about limits on strategies. As long as we're not hurting each other and no hands are touching the balls or the stick, I don't think we are committing foul play with our brilliant strategy, technically speaking." Ngisi pa niya. "You've got anything to say Ms. Lawyer?" aniya na ikinagulat ko. Nagtaka kasi ako kung bakit parang alam nito na nag-aaral ako ng law.

Because of Gerard, hindi naipasok ni Shayla ang mga bola nang sumargo ito. Pumuwesto na si Maximillan para tumira ng ball # 1.

Si Rainbow naman ay pumunta sa billiards table sa gilid ni Maximillan. Ngumisi lang si Maximillan at aktong titira na. Nang patira na ito, itinaas ni Rainbow ang skirt nito at inilantad ang makinis nitong hita sa harap ni Maximillan. Napanganga naman kaming dalawa ni Jackie dahil pareho kaming may pagka-manang.

"Now, let's see how you resist that?" maangas na sabi ni Rainbow. Nawala sa buwelo si Maximillan at wala rin' natira.

Effective! Nagulat ako.

"What the hell!" Napasigaw si Marcus.

Humarap si Rainbow sa aming mga babae. "Girls, if they want to play this game, are we going to back down?"

"Noooooo!" Si Pinkie iyon.

"Bring it on, boys!" Sigaw ko with fighting spirit and gave

Matteo a death glare.

Pumuwesto na si Pinkie para tumira. Lumapit sa kanya si Marcus at inamoy amoy ang ulo niya.

"Flip!" Asar na sabi ni Pinkie bago tumira. Pumasok na ang #1. Sumunod ang #2.

"It's not working Dude! Do something!" Utos ni Malik.

Hinubad ni Marcus ang suot na t-shirt at nilapit ang abs malapit sa braso ni Pinkie habang naka-stretch ito para tumira. Naturally, lahat kaming mga babae ay nagulat sa ginawa ni Marcus. Maghubad ba naman sa harapan namin ang isang demi-god? Kungdi ka ba naman ma-shock.

"Waah!" Si Pinkie naman ay nagpanic at nagtakip ng mata.

Binitiwan nito ang taco at bumalik sa puwesto namin.

"Hahaha! Tira na Pinkie!" Natatawang sabi ni Percival.

"Countdown timer starts now! 5-4-3-2-1!" Si Marcus yun at lumapit na si Percival sa table.

Napasigaw kaming mga babae sa gulat dahil may countdown pa silang nalalaman!

"Anung count down? Ang daya daya niyo talaga!" Si Jackie iyon na galit na.

"Hey, cool down Jackie. You're turn will come." Nanunuksong ngiti ni Malik. Napa-atras naman si Jackie.

"Rori, do something!" Natarantang sagot ni Rainbow dahil nakapuwesto na si Percival sa billiards table at titira na ito.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now