28

3.6K 106 2
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

"What?" napabalikwas ako ng higa at hinarap si Matteo. I wanted to be sure I heard what he said right.

My father? In the hospital? I suddenly felt cold. Kung kanina ay halos magpawis ako sa ginawa namin ni Matteo, ngayon naman ay nanlalamig ang buong katawan ko.

"My dad? Why is he in the hospital? How did you know?" sunod sunod kong tanong habang hinahanap ang damit ko at niyakap ang sarili ko dahil nanginginig ang balikat ko at naramdaman ko din na nanginig din ang baba ko sa pagsasalita. I was becoming frantic with the news.

Napag-alaman ko kay Matteo na nakulong ang Dad ko dahil sa estafa at dahil sa stress na inabot nito ay inatake ito sa puso. Alam na rin ng aking ina at kapatid ang tungkol sa nangyari at naroon na din daw ang mga ito sa Pilipinas.

Napaiyak ako sa nalaman ko. Awang awa ako sa Dad ko. Kahit na merun kaming hindi pagkakaintindihan, he's still my Dad and I love him dearly. Kaya naman hindi ko maintindihan ang rason ni Matteo kung bakit hindi niya kaagad sinabi sa akin. Nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya.

"I can't believe you didn't tell me immediately! My Dad needs me." Masama ang loob kong sabi at tumayo na ng kama. Dumiretso ako sa bathroom para maligo. Nagpapanic ako at naiinis kay Matteo.

Nagulat na lang ako na nasa likod ko na pala siya at niyakap ako.

"Love," he whispered and softly kissed me on the shoulder.

Hindi ako nagsalita. Stressed ako ngayon, at gusto ko na lang magmadali para makauwi ako ng Pilipinas. I felt remorse for enjoying my time here in Brazil, when all the while, my father was already in trouble and suffering. And Matteo knew. Alam na pala niya ang sitwasyon ng Dad ko pero wala man lang siyang concern o sense of urgency na sabihin sa akin kaagad. Talagang pinag-stay pa niya ako dito sa hotel, pinag-intay, at nakipagjugjugan pa muna sa akin bago sinabi ang tungkol sa tatay ko na para bang wala lang yon! Grabe! Ang sama ng loob ko sa kanya! Ayoko siyang kausapin ngayon. Kung maari nga lamang ay ayoko siyang makita! Pero wala naman akong choice. Siya ang nagdala sa akin dito sa Brazil. Wala man lang akong kahit isang credit card o cash na dala para makapagtaxi papuntang airport, at makabili ng ticket ko. I'm at his mercy.

Matteo caressed my hair and was trying to tilt my head to face him pero ayoko. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya habang nagsha-shower ako, at siya naman ay nasa likod ko.

"Love, why do I feel like you're mad at me? Is it because of your dad?" marahan niyang sabi. Hindi ako kumibo.

"Tell me, love. Please?" he said and turned me to face him to embrace me.

Niyuko ko ang aking ulo. Ayoko makipagtitigan sa kanya dahil baka i-trick lang ako ng feelings ko para sa kanya. Galit ako, eh! Ayoko ng ginawa niyang paglihim sa akin at yung pag-delay niya ng pagsabi sa akin ng nangyari sa Dad ko. Kung magsasama kami bilang mag-asawa, dapat alam niya kung ano ang mga bagay na vina-value ko at isa na doon ang pamilya ko. I would drop everything for my family, and I would drop everything and give up everything for him, except in this kind of situation. I mean, yes, it's our honeymoon, pero my family is important to me too. Our honeymoon is important but this can be postponed. Pero ang sitwasyon ng tatay ko ay isang bagay na hindi ko ipagapapliban kahit kailan.

"I just want to get to my Dad." Nabulalas ko na pinipilit kumawala sa pagyakap niya.

"Yes, love. We are going to see him." He assured.

Mahinahon pa rin siya. I cant believe he is even relaxed... calm... in this kind of situation. Is he going to be like that too kapag may nangyari sa akin... o sa pamilya niya? Kalmado lang siya? Wala siyang gagawin effort? Sobra talagang masama ang loob ko sa lalaking pinakasalan ko.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now