48

3.1K 95 15
                                    

CHAPTER FORTY EIGHT

Tuwang tuwa ako nang makita ko si Timothy. Halos humagulgol pa nga ako nang yakapin ko ng mahigpit ang aking anak pagkahatid sa akin ng isa sa mga maids sa kuwarto ni Tim.

"Panginoon, maraming maraming salamat po at mabuti ang lagay ng anak ko." Yapos ko siya habang tahimik na umiyak, at naupo sa duvan para ihele si Timothy na ngayon ay parang curious kung sino ang kanyang kaharap. Marahil ay gumagana ang invincible connection namin bilang mag-ina dahil nakita ko sa mukha niya ang saya, habang sinusubukan niyang hawakan ang aking mukha. "Baby ko, si Mommy mo ito. Kailangan kong baguhin ang hitsura ko para makarating ako dito..." paliwanag ko habang pilit pinigilan ang aking paghikbi. Paulit ulit kong hinalikan ang aking anak habang umaagos ang aking luha sa tuwa. "Uuwi na tayo. Gagawa si Mommy ng paraan." Mahina ko pang pangako sa kanya.

Ako na ang gagawa ng paraan para sa mag-ama ko. Kahit na nakita ko na nakikipaglampungan si Matteo kay Isabella, pilit kong iniisip na hindi iyon ang intensyon ng asawa ko. Hindi niya intensyon na makipaglampungan kay Isabella habang naka-trunks siya...

Pero hindi ko din mapigilang hindi magselos! Paano kung nagbago na pala ang isip at puso ni Matteo? Paano kung gusto na pala ni Matteo si Isabella at masaya na sila dito? Hindi kasi imposible iyon dahil puwede namang silang magsama ni Isabella. May anak sila ni Isabella, at nasa poder nila ang anak ko. Baka kasama ito sa plano nilang dalawa para makuha talaga ang anak ko sa akin. Kapag totoo yon, lagot talaga sa akin yang si Matteo! Niloloko niya pala ako!

Hindi ko mapigilang umagas ang luha ko, habang nakakatitig sa anak kong kamukhang kamukha ni Matteo. "Wag sana tayong niloloko ng Daddy mo, anak. Kungdi, hinding hindi na tayo magpapakita sa kanya." Sambit ko sa anak ko. "Patawarin mo ako anak kung sakaling mangyari yon, ha?" hikbi ko pa.

Ilang araw din akong namalagi lamang sa kuwarto ni Timothy dahil ayaw daw makita ni Senyora Isabella ang anak ko. Kahit nagngingitngit ako sa galit, pabor na din sa akin iyon. At least, nakakaiwas ako sa pagpapanggap na ibang tao.

Si Matteo lang ang problema ko. Tuwing 8:00 pm ay pumupunta si Matteo sa kuwarto ni Timothy upang bisitahin ito. Kapag tulog na si Timothy ay saka siya umaalis. Kaso dito rin ako sa kuwarto ni Timothy natutulog kaya naman sobra ang tensiyon ko sa tuwing narito si Matteo. Ayoko kasing mabuko niya ako. At ayoko kasi nakikitang sumusunod si Isabella kay Matteo. Sa tuwing nilalandi ni Isabella si Matteo ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Nuong minsan na nagpahatid ito ng pagkain sa master's bedroom, sinadya ko talagang lagyan ng pampapurga ang pagkain nila. Pero mukhang si Matteo ay hindi kumain ng gabihan noon dahil si Isabella lang ang naapektuhan at ilang araw din nanghihina sa page-LBM.

Tapos nung isang beses na nakita ko sila sa may veranda sa ground floor na naghahalikan, hinulugan ko nga ng pagkain na dapat sana ay dadalin ko sa kuwarto ng anak ko para duon na ako maghapunan.

Sinadya ko talaga iyon para matigil sila sa paglalandian nila. Pero hanggang kailan ko gagawin ito? Sooner or later, mapapansin na rin ni Isabella at Matteo ang pagpigil ko sa mga lampungan nila. Buwisit kasi silang dalawa! Sa harap ko pa! Ang kakapal ng mukha! Pero teka, hindi naman nila alam na ako nga ito. Pero grabe! Grabe pa rin sila, kaya nga nakaisip ako ng plano.

As soon as makatakas kami dito ng anak ko ay magdedemanda ako sa kanila. Kaya naman sa mga susunod nilang lampungan ay palihim ko silang kinukuhaan ng pictures. Ibidensya ko ito kapag magfa-file na ako ng demanda para pareho silang makulong for bigaymy! Kaya lang sa tuwing mag-aattempt na ako kumuha ng litrato, iyon naman ang mga pagkakataon na si Matteo ay pinipigil si Isabella na maglandian sila. Minsan ay tatayo si Matteo sa upuan, at parang busy na makipag-usap sa fon, o kaya naman ay magsasabing busy ito sa trabaho. Kungdi man, aalis ito para i-check si Timothy.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now