37

4.1K 130 7
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

"Timothy, come to Mama!" Masaya kong tawag sa anak ko para lumapit sa akin. Kakagaling ko lang sa klase- dahil nagshift na ako ng course. Kumuha na ako ng Education course sa UP Baguio. It's my first year, at kakauwi ko lamang dito sa Baguio Mega Tower condominium na walking distance lamang sa school. When I returned from Brazil, I've been receiving numerous death threats, and almost got abused, kaya naman napagdesisyonan ng pamilya ko na itago ako, lalo pa't buntis ako noon. Ang condo unit na tinitiran ko ngayon ay sa pamilya ni Joshua Sycip so that I won't easily be traced by whoever was sending me death threats.

Sa totoo lang, alam ko naman kung kanino galing ang mga death threats. Alam kong galing iyon kay Isabella, at sinabi ko iyon sa pamilya ko. Mabuti na yung siguardo ako na kung anu't ano man ang mangyari sa akin... o sa amin ng anak ko na nasa sinapupunan ko noon, alam na ng pamilya ko kung sino ang hahanapin. Yun nga lang, wala kasi kaming pruweba. Mahuli lang namin ang galamay ni Isabella ay magkakaroon na kami ng chance para maipakulong siya.

Pero as of now na hindi pa nangyayari iyon, patuloy pa rin ako sa pagpapanggap ko na galing ako sa Amerika. At dahil sa pasaway ako, nabuntis ako dito sa Pilipinas kaya I'm a single mom now. And to ensure that my 'portrayed character' was believable, binago nila ang pangalan ko from Tatania Heather Sia to Heather Smith. It was just so easy to do because of Dad's connection to Aunty Mary Ponce- the first lady of the country.

"Mama..." sambit ni Timothy habang mabilis na gumapang papunta sa akin.

"Awww!" Nangilid ang luha ko. First time ko kasing marinig na sabihin iyon ni Timothy.

Masayang gumapang papunta sa aking ang pogi kong anak. Yes, pogi talaga, kasi pogi naman talaga ang yumao niyang ama.

I've made up my mind that when the time comes that Timothy would come of age, and look for his father, ang sasabihin ko ay patay na ang kanyang ama. Ayoko nang ipaalam sa anak ko na buhay ang kanyang ama, at nakomatos ito bago kami naghiwalay. Pero hindi niya ito maaring makita kailanman dahil delikado ang kanyang buhay lalo na sa kamay ng step mom niyang si Isabella. Who knows baka pati ang anak ni Matteo at Isabella ay maging kasing ugali rin ni Isabella na papatay ng tao because of her selfishness.

Sana... sana kahit papaano ay mahawan ni Matteo ng pagiging generous ang anak nila ni Isabella, para kahit papaano ay mayroong itong compassion sa katawan, hindi katulad ni Isabella.

Pero, teka nga! Ano bang pinagkaiba ni Matteo kay Isabella? Pareho lang sila. Pareho silang selfish. Magka-ibang level nga lang.

Sa totoo lang, nung nalaman ko kayla Dad na nabalitaan nila kay Shayla na maayos na ang kalagayan ni Matteo ay magkahalong tuwa, lungkot, at galit ang naramdaman ko. Natuwa ako dahil buhay siya, pero nalungkot ako dahil buhay siya pero nasa piling ng iba. Pero come to think of it, bakit ko naman panghihinayangan si Matteo na babaero, manloloko, at dinamay pa ako sa cat and mouse chase nila ni Isabella?

Dahil sa kanya ay kailangan naming magbago ng identity ng anak ko ngayon. Even si Timothy ay Smith din ang apelyido, imbis na Sia, para sa proteksyon nito. At pati pangalan ng mga magulang ko ay binago sa birth certificate at lahat ng mga dokumento ko para hindi talaga ako ma-trace. Pati kulay ng buhok at mata ko ay binago para lang hindi ako mamukhaan. From black brown eyes ay nagsuot ako ng contacts na kulay grey. I'm now sporting blonde wavy hair at pati ang klase ng pananamit ko ay binago. From being conservative, ngayon ay nagmamaikling palda na ako at nagshoshorts na ako ng sobrang ikli na parang kita na ang gulud guludan ko, just to be opposite of who I was before.

If I was surrounded by my loved ones before, this time, I was all alone. Sa totoo lang, mahirap mag-isa. Mahirap na malayo sa pamilya at mga kaibigan. Nanganak ako ng ceasarian section na ang tangi ko lang kasama ay si Yaya Lona. Nagbago ako ng mobile number at ang tanging nakakaalam lang ng number ko ay si Mom, Dad, Kuya, --- and guess who? Si Joshua! Of all people, si Joshua talaga... Ni isa sa mga kaibigan ko ay wala akong pinagsabihan para makaiwas na rin na may makarating na impormasyon sa mga kapatid ni Matteo, lalo pa't nakatira si Isabella sa bahay ng mga Pontes sa Brazil. Lungkot na lungkot ako. Ibang iba ang buhay ko noon, sa buhay ko ngayon. Dati may mga kaibigan akong pinagkakatiwalaan. Ngayon, I don't let anyone get so close to me. I isolated myself because I was really going thru depression.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now