22

4.7K 118 4
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

"Tatawag din yun." Rori assured me, dahil napansin niyang panay ang tingin ko sa mobile phone ko.

Narito kami ngayon sa birthday party ni Uncle Gerardo, at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Matteo. Nahihiya naman akong magtanung kina Shayla at Gerard kung nakakausap ba nila si Matteo.

Hindi rin naman ako maka-tiyempo sa kanila, dahil abala din ako sa pag-defer ko ngayon semester. Gusto kong magpalit ng kurso. Gusto kong maging guro, pero malayo sa Laguna ang mga colleges at universities na puwede kong pasukan. Kaya pansamantala, for this semester, ay magpa-part time muna ako as Legal assistant sa law firm ng aking ama. Iyon din kasi ang aming napagkasunduan- sort of armistice between us. Ako na lang din kasi ang naiwan na pamilya ni Daddy, dahil si Mommy ay nag-stay na sa US, at on going na ang pag-file nila ng divorce.

Masaket sa akin yung nangyayari dahil maghihiwalay na ang mga magulang ko. Gusto na kasi lumaya ni Mommy, at pinagbigyan naman ito ni Daddy, kahit na ayaw nito noong una. Both of them didn't fight for their marriage. Well, opinyon ko lang naman iyon, dahil hindi ko sila kinakausap tungkol dito. Somehow, tumatakbo ako sa problema at ayoko itong harapin. Kaya pansamantala, dito muna ako kay Daddy. Kahit kasi masama ang loob ko sa kanya, hindi ko naman siya kayang iwanan sa ganitong sitwasyon. I cant just give up on my Daddy. I can't just leave him na may problema sa law firm, at may mga pagkakautang sa ibang tao. Sa palagay ni Daddy, ang tanging paraan na lang upang maisalba ang aming law firm, at manatiling sa amin iyon, ay kung magpapakasal ako kay Joshua Sycip.

Si Joshua. Wala naman akong mairereklamo sa kanya. High School pa lang ako, nagpapakita na siya ng interest sa akin. Pero hindi ko talaga siya magustuhan. Ewan ko ba! Pero si Matteo, unang kita ko pa lang sa kanya, nagkaroon na ako kaagad ng feelings para sa kaniya.

Sa pagkaalala ko na naman kay Matteo ay nalungkot na naman ako. Halos mag-iisang buwan na hindi niya ako tinatawagan. At wala naman akong way para makontak siya unless mag-long distance call ako sa office nila sa Brazil at kausapin siya.

Pero I felt reluctant to call him. I didn't want to make the first move, dahil ayokong isipin ni Matteo na naghahabol ako sa kanya. Isa pa, diba't nagpramis siya na siya ang tatawag sa akin?

Pero ang tagal... tagal... tagal... Pakiramdam ko tuloy, parang may bloke sa dibdib ko at kinakapos ako ng hininga habang iniintay ang tawag niya.

Kung minsan naiisip ko ngang baka wala naman talaga akong dapat hintayin dahil hind seryoso si Matteo sa akin. Isa pa, hindi ko maalalang sinabi niya sa akin na 'kami na'. Parang sinabi lang naman niya sa akin, 'I love you', pero it doesn't mean na kami na, diba? Siguro M.U. lang... mag-un?

Hay, Tatania, ipilit mo pa ba? Face reality. He is not going to call you. Pinagalitan ko ang sarili ko at mas lalong na-depress.

Ang saket! Parang kinukurot ang dibdib ko sa dami ng mga negatibong naiisip ko tungkol kay Matteo. At tuwing gabi, hindi ko mapigilang hindi umiyak. Dinadaan ko na lang sa dasal at pakiusap sa kanya kahit hindi naman niya ako naririnig.

"Please... please tumawag ka na sa'kin Matteo. Please... tawagan mo na ako!" Madalas kong bulong habang umiiyak sa gabi. Kung minsan, napapatigil ako sa pagta-trabaho kapag naaalala ko siya.

Nag-novena pa nga ako para sa kanya. Humiling ako sa novena ko na sana tawagan na ako ni Matteo... na sana seryoso siya sa akin, at hindi niya ako niloloko.

Pero hindi pa rin siya tumatawag. Kaya binigyan ko na ang sarili ko ng deadline. Kapag hindi pa niya ako tinawagan sa linggong ito, ibig sabihin non niloko niya lang ako. Pinaglaruan niya lang ang feelings ko. Pero hindi na ako iiyak. Kasi araw araw simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas, iyon na ang ginawa ko. Ilang timba na ang niluha ko pero wala pa rin. Ni text message man lang ay wala. Kinalimutan na niya talaga ako. Pero hindi ko papayagan ang sarili ko magpakalugmok. Hindi man ako kasing fierce ng kaibigan kong si Pinkie noong na-heart broken ito sa ex nitong si Jeremy, I will also give a timeline to my wallowing, and I will force myself to move on. Pero imbis na gumanti ako kay Matteo na binilog lang ang ulo ko, magpapaganda ako lalo, at makikipag-date na ako. I will allow myself to meet new people.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now