32

3.4K 97 5
                                    


CHAPTER THIRTY TWO

Nagpasalamat ako sa May Kapal dahil tuloy tuloy ang paggaling ni Daddy sa ospital. At kahit na nakaka-ilang linggo na kami dito ay ni isang kusing ay hindi kami nagbayad sa tulong ni Matteo. Ang balita ko sa cashier ng ospital ay patuloy na nakikipag-usap sa kanila si Chantal na secretarya ni Matteo tungkol sa mga bayarin ng hospital at nag-aadvance pa ito para sa susunod na linggo.

Hindi ko malaman kung dapat ba akong makuntento sa ganito. Kung tutuusin, hindi naman siya nagpapabaya sa akin, diba? Dahil kung pinapabayaan niya ako, malamang hindi na niya ako tinutulungan ngayon sa problema ng pamilya ko. Kahit papaano diba ibig sabihin ng pagtulong niya sa pamilya ko ay may concern siya sa akin bilang asawa niya? Ngunit nasasaktan pa rin ako dahil natitiis niyang hindi man lang ako kausapin matapos ang ilang linggo. Noong sinubukan kong tumawag sa kanya sa Brazil ay si Chantal ang nakausap ko at inakala nang sabihin kong ako ang asawa ni Matteo ay inakala nitong ako si Isabella.

My female instincts is telling me that she's a threat in our marriage. God knows how much I want na sumugod papuntang Brazil para malaman ko kung sino si Isabella.

Ilang linggo na rin akong isip ng isip ng paraan kung paano ko matutuklasan ang tungkol kay Isabella. Humingi na nga ako ng tulong kina Rain, Pinkie, at Jackie, pero wala din daw silang makuhang impormasyon sa mga kapatid ni Matteo. Tikom ang mga bibig nito pagdating sa buhay ng kapatid nila. Gusto ko tuloy pagbabatukan ang mga lalaking iyon! Palibhasa takot sila sa kuya Matteo nila.

Isa na lang ang chance ko para makakuha ng impormasyon tungkol kay Isabella at ito ay kina Gerard at Shayla na kasalukuyang naroon ngayon sa Brazil. Pero ang problema ay hindi masyadong nakikipag-communicate si Gerard ngayon dito sa Pilipinas. Delikado kasi ang sitwasyon nila ni Shayla ngayon, simula nang may nagtangkang pumatay sa mommy ni Shayla dito sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay walang kaalam alam si Shayla tungkol sa nangyari sa kaniyang ina dito sa Pilipinas. At dahil dito ay hindi ko rin maaring kontakin si Shayla dahil baka magtaka iyon kung bakit hindi nito makontak ang ina. Ang totoo'y comatose ang kanyang ina ngayon, pero hindi pa pinapaalam sa kanya dahil delikado din ang pagbubuntis ni Shayla.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad patungo sa cashier. Kahit alam ko naman na settled na at may advance payment pang pinadala si Chantal sa ospital last week, gusto ko pa rin pumunta ng cashier upang magtanong kung kamusta na ang bill. Alam ko naman na ang sagot at ito ay zero balance. But by talking to the cashier, I somehow hopelessly feel like I am connecting to Matteo...

"Hi," malamlam na bati ko sa cashier, pero pinilit ko pa ring ngumiti.

"Hi, Mrs. Pontes." Bati naman ng cashier na kilala na ako dahil halos every two days ay bumibisita ako dito para mag-check ng bill namin.

"Zero balance pa rin po. Wala po kayo dapat alalahanin." Anito. Tumango tango lang ako.

"S-sige. Maraming salamat ha?" nasabi ko na lang at malungkot na lumakad pabalik sa elevator. Tahimik kong hinintay ang elevator na bumukas. Pinilit kong libangin ang sarili ko sa pagtingin tingin sa mga taong katabi ko sa tapat ng elevator habang iniintay itong makarating sa ground floor. Ngunit sa sobrang tagal kong naghihintay sa elevator ay kung saan saan na naman pumapadpad ang isip ko. Mabuti na sana kung hindi negatibo o mga bagay na ikakapraning lang ng isip ko ang iniisip ko, pero puro tungkol kay Isabella, Matteo, at pagtataksil ang naiisip ko. Ayokong magpalinlang sa isip ko, dahil gusto kong maniwalang busy lang si Matteo at wala siyang ibang babae. Higit sa lahat, hindi niya ako niloloko. Hindi totoo yung dumadaan sa isip ko na baka may asawa na siyang iba, at ang kasal naman ay fake. Pag nagkataon, isa pala akong kabit. Pag nangyari yon, iiyak talaga ako not because I'm branded as kabit, but because he didn't love me enough to respect me, to take care me, and because he was too selfish to not just let me be with someone who would make me someone's respectable wife. Pero what's worse for me is that even if he did not love me enough to respect me, preserve me, take care of me; at kahit na nagpa-angkin ako sa kanya presuming he had selfish reasons, mahal ko pa rin siya. At ang tanga tanga ko dahil hindi ko magawang magalit sa kanya. Masakit kung totoo man ang hinala ko, pero alam ko sa sarili ko na baka ako pa ang magbaba ng standard ko, at mag-adjust sa kanya, dahil lang sa ayoko siyang mawala. Masakit para sa akin kapag nawala siya.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now