12

5.4K 132 4
                                    

CHAPTER TWELVE

Binagtas namin ni Matteo ang daan nang tumila ang ulan, at naaninag ko na ang isang restaurant. Nabuhayan ako ng loob at bumitiw na kay Matteo. Mabilis akong lumakad habang akap ang sarili ko at tinungo ang entrance ng restaurant.

The receptionist approached me, and helped me to a chair. "Are you alright, miss?"

I just nodded. A man quickly came with a towel and wrapped it around me. Dumating na si Matteo at kinausap nito ang receptionist para magtanong kung may mabibilan daw kami ng damit na malapit sa restaurant.

Sinabi ng receptionist na medyo liblib kasi ang restaurant na ito, pero inn pala ito kaya merun silang room na puwedeng pagliguan, mga robes na puwedeng gamitin, at puwede ring i-laundry at i-dryer ang mga damit namin. But the catch is, isa na lang ang available room for today. Kinuha pa rin ni Matteo ang room. Kinabahan ako at the thought na magkasama kami sa isang kuwarto.

Wala naman akong magawa dahil lamig na lamig na ako at gusto ko na magpalit ng damit, kaya I just went with flow. Bahala na, kahit kinakabahan ako. Hindi naman siguro ako pagsasamantalahan ni Matteo, diba?

Mahiya naman siya sa'ken, sa pinsan niyang si Shayla, at sa pinsan kong si Gerard kung pupuwersahin niya ako, diba? Naisip ko habang naglalakad na kami papunta sa isang hallway going to the rooms.

"This way to room number 5." Sabi nung isang lalaki and led us sa isa sa sampung rooms.

Pumasok na kami ni Matteo sa kuwarto.

Matteo locked the door when I was already inside the room.

Ninerbyos ako at mas lalong ibinalot ang sarili ko ng tuwalyang ibinigay sa'ken ng waiter kanina.

Hala, Tanya! Babagsak na ba ang bataan? Naitanong ko sa sarili ko.

Nakatitig lang sa'ken si Matteo. "Don't worry, Tanya. I'm not going to do anything you wouldn't like." He said with a wry smile and walked towards the bathroom. Nakahinga ako ng maluwag at napasandal sa pintuan.

"Wouldn't like?" napaisip ako. Ang presko talaga ng mokog na'to! Asar kong naisip.

Biglang tumunog ang fon ko kaya kinuha ko ito sa shoulder bag ko na nakasabit across sa'ken. Si Rori ang tumawag. Tinatanong niya kung nakapag-sign na ba ako ng contract sa restaurant, dahil may nakita silang isa pa raw na restaurant na mas malapit para sa scavenger hunt proposal ni Gerard.

Mas malapit daw ang restaurant na ito sa boutique kung saan magpapalit si Shayla ng damit. Sinabi nitong i-cancel ko na lang ang reservation namin at huwag na magbayad ng downpayment.

Matapos niyang sabihin iyon ay biglang namatay ang fon ko. Napatingin ako sa mobile phone ko sa pagtataka dahil I charged my fon this morning, kaya hindi puwedeng maubusan ito kaagad ng power. I looked at my fon and saw that the LCD of my fon was moist, and it had water inside.

Napanganga ako sa shock. Ang fon ko! Namatay ang fon ko dahil nabasa ng ulan! Huhu!

"Oh no!" Napalakas ang boses ko.

"What is it?" alalang lumapit si Matteo sa'ken na nakatuwalya lang at hawak ang mga basa niyang damit.

Rippling muscles! Paksheyt... demi-god ang peg! Kinikilig ang puso ko!

Napatitig ako saglit sa tuwalyang nakabalot sa balakang ni Matteo. Para akong natuyuan ng laway at kinapos ng hangin sa lungs! Di ko nga mataandaan kung huminga ba ako in the first place matapos ko siyang makitang naka-tuwalya lang!

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now